Filipino sa Tourism Management
- PCCians
- Jun 21, 2021
- 21 min read
Updated: Oct 19, 2021
Maganda araw at Mabuhay!
Kami ay mga mag-aaral na mula sa Philippine Cultural College na kumukuha ng programang Bachelor of Science in Tourism Management. Kami ay isang grupo na kasalukuyang binubuo ng ika-unang taon, ikalawang taon, at ikatlong taon sa kolehiyo. Binuo namin ang mga sangguniang ito bilang proyekto sa aming kursong Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina upang makatulong sa kapwa naming mag-aaral na kumukuha ng nasabing parehas na kurso.
Ang mga ito ay makakatulong sa kanila at maging sa amin upang maunawaan ang iba’t-ibang paksa na may kaugnayan sa aming pag-aaral. Ang huling access namin sa mga link ay noong ika-20 ng Hunyo taong 2021. Ang mga makikinabang sa proyektong ito ay ang mga nagnanais na pag-aralan ang larangan ng turismo, ang mga kasalukuyang nag-aaral nito, at iba pang tao na nais magsaliksik sa larangang ito.
Ang lahat ng sanggunian na nakalap ay may kaugnayan sa Turismo na nakahayag sa wikang Filipino. Ang bilang ng links na nakalap ay 36.
MGA SANGGUNIAN
Gawa ni Angelica M. Arquero
Ang sangguniang ito ay isang website o blog. Ito ay maikli lamang at kayang basahin nang isang upuan ng mambabasa. Ito ay pinamagatang “Pano umusbong ang Tourism Industry sa Pilipinas”. Ito ay tungkol sa pag-usbong ng turismo sa Pilipinas at kung paano nakilala ang bansa sa industriyang ito. Matatagpuan din dito ang ilang mga naging bansag sa Pilipinas na kaugnayan sa turismo, gaya na lamang ng “Pear of the Orient Seas” at marami pang iba. Tinalakay din dito ang ibang istatiska na may kaugnayan sa mga turista at turismo ng bansa. Ang awtor ng makabuluhang paksa na ito ay si Maya. Isa siya sa mga nagbabahagi ng kaalaman para sa Mabuhay Travel Blog. Kadalasan siyang naglalathala tungkol sa mga lugar at karanasan na maaaring gawin sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ang pagkain, piyesta, atraksyon, at maraming pang iba na tungkol sa Pilipinas kaya naman nakakatulong ito upang madiskubre pa ang Pilipinas pagdating sa turismo na mayroon ito. Ito ay nailathala noong ika-4 ng Nobyembre taong 2020.
Ang sangguniang ito ay isang video na nakuha sa Youtube. Ito ay pinamagatang “Tourism industry sa Pilipinas, unti-unti nang bubuhayin ng DOT”. Ito ay mapapanood sa loob ng isang minuto at apat na pu’t apat na segundo. Ang video na ito ay pumapatungkol sa mga paghahanda ng Kagawaran ng Turismo (DOT) sa unti-unting pagbubukas ng turismo sa Pilipinas at mga lugar na maaaring puntahan ng mga lokal at mga dayuhang turista. Ang nagbigay ng impormasyon sa balitang ito ay si Bernadette Romulo-Puyat, ang kalihim ng DOT. Ang balitang ito ay mula sa UNTV News and Rescue, isang istasyon ng balita sa Pilipinas na maaari na ring mapanood sa Youtube. Ito ay nai-upload noong ika-12 ng Hunyo taong 2020.
Gawa ni Cristina L. Atil
Ang aking nakuhang artikulo ay pinamagatang "Wika sa Turismo". Ayon sa aking nabasa na ibinihagi noong ika-27 ng Oktubre 2016, isinasaad dito na ang pagkakaroon at paggamit ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad sa iba't-ibang aspeto ng bansa. Ang wika ang isa sa daan upang magka-isa ang bawat mamamayan, ito ang nagiging dahilan sa matibay na pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon. Ang wikang pambansa ang siyang naging daan ng mga Pilipino sa paghihikayat ng mga turista na dumadayo sa bansa hindi lang sa pakikipag-komunikasyon kundi pati na rin sa pagtuturo ng mga simpleng salita na madaling matutunan. Ang wikang pambansa ay nagagamit ng mga Pilipino upang mas mapadali ang pakikipag-transaksyon at mas higit na nagkaka-intindihan ang bawat isa dahil sa iisang wika lamang ang ginagamit. Malaki ang epekto ng wika sa pag-unlad ng ating bansa dahil ito ang nagiging daan upang maging maayos at maganda ang pamalalakad ng mga namumuno sapakagat ang bawat isa ay lubos na nagkaka-intindihan at nagkakaroon ng matibay na koneksyon dahil sa iisang wika ang ginagamit. Mahalagang patibayin natin ang paggamit ng ating sariling wika at dapat natin itong pahalagahan sapagkat ito ang daan natin upang ang bayan natin ay uusad at uunlad.
Ito ang isa pang artikulo na aking nakuha mula sa peysbuk na pinamagatang "Wikang Filipino'y tangkilikin, Turismo ng baya'y paunlarin". Ayon sa aking nabasa na ibinahagi noong ika-27 ng Setyembre 2015, isinasaad dito na sa pamamagitan ng wika, nagiging malinaw ang pakikipagtalastasan ng bawat isa at nagaganap ang tinatawag nating komunikasyon. Hindi nagiging mahirap ang pagpapayahag ng mga salita bagkus naging malinaw ito sapagkat ang wikang ginagamit ay iisa lamang. Kapag wikang ginagamit ng mga mamamayan ay iisa, ito ay mas nagiging malinaw ang pakikipag-talakayan sa isa't-isa. Ngunit sa pagdaan ng panahon, ang mga Pilipino ay sumailalim sa iba’t-ibang pagbabago sa ating wika na naging dahilan kung bakit ang karamihan sa kasalukuyan ay gumagamit ng iba’t ibang linggwahe. Habang ang panahon ay nagbabago ganon na rin ang tao at pati ang wika na kanilang ginagamit ay nagbabago. May iba't-ibang linggwahe na ginagamit ang mga mamamayang Pilipino at unti-unti nang hindi napapahalagahan ang sariling atin. Ngunit sa ibang dako ng ating bansa, ang wikang Filipino ay lubos na tinatangkilik at ang iba't-ibang mamamayan ay lubos pa rin na pinapahalagahan ang ating sariling wika. Sapagkat isa ito sa ating yaman na matatawag nating sariling atin. Ito ang magiging daan upang tayo ay umunlad at higit sa lahat ito ay ating maipagmamalaki lalo na sa mga turismo na dumadayo sa bansa. Ating ipagmalaki ang sariling atin dahil ito ang makakatulong sa atin para umunlad ang ating ekonomiya lalo na sa industriya ng turismo sapagkat ang kultura ng Pilipino ay maipapahayag nang malinaw gamit ang ating wikang pambansa at mas maipapakilala at maipapahayag pa ito nang mas malinaw.
Gawa ni Keith Zyra F. Colacion
Kulturang Pilipino: Alamin at kilalanin ang mayamang kultura ng Pilipinas https://www.zenrooms.com/blog/post/kulturang-pilipino/
Ang link na ito ay isang Website at ito ay may katamtamang haba lamang. Ang nilalaman ng link na ito ay patungkol sa Wika na kung saan ay mayroong 130 ethnolinguistic groups ang Pilipinas at may kaniya kaniyang diyalekto. Pagkain magmula sa ulam hanggang sa panghimagas. Kultura na kung saan nagsilbing tulay upang makilala ang mga Pilipino dahil sa napakayamang kultura mayroon ang Pilipinas. Kaugalian na mayroon ang mga Pilipino, Musika, Sining at Literatura na isa rin sa yaman ng Pilipinas. Relihiyon na malaking bahagi na ng Kultura at Tradisyon ng Pilipinas, Pananamit ng mga Pilipino nuong unang panahon at Selebrasyon na likas na sa mga Pilipino kung kaya’t di na nakapagtataka na kahit saang sulok ng Pilipinas ay may kaniya kaniyang Piyesta o Selebrasyon. Ang blog na ito ay isinulat at inilathala ni Cielo Fernando nuong Mayo 14, 2021. Si Cielo ay isang Fashion Blogger at Journalist sa Manila, Philippines.
Pagbangon ng Turismo sa Gitna ng Pandemiya http://pilipinomirror.com/pagbangon-ng-turismo-sa-gitna-ng-pandemya/?fbclid=IwAR24IldVlFw4axHD_1osQ_XoaZj6fQZCk0wtFuoabYD7uEB6_QgG_Np83nM
Ang link na ito ay isang Website at ito ay maikli lamang. Ang nilalaman ng link na ito ay patungkol sa Turismo ng Pilipinas na naging malaking parte na ng ekonomiya na kung saan maraming mga lokal na mamamayan ang naapektuhan. Dito ay mababasa rin kung paano ulit muling babangon ang Turismo ng Pilipinas. Ang blog na ito ay isinulat at inilathala ng admin ng Filipino Mirror nuong Hunyo 16 2020. Ang Filipino Mirror ay isang daily tabloid sa Pilipinas.
Gawa ni Aleah Louisse Gasendo
Ang sanggunian na ito ay isang artikulo na isinulat at nagmula sa isang website na nagngangalang, “Greater Zion Convention and Tourism Office.” Ito ay inilathala sa taong 2021, at ang pamagat ng artikulo ay “Serbisyo sa Kaganapan sa Turismo.” Ito’y binubuo ng hiwa-hiwalay at maiikling talata na kung saan ang mga talatang ito ang bumubuo sa bawat kategorya sa artikulo. Ito ay tungkol sa mga iba’t-ibang mga operasyon ng kaganapan, tulad ng marketing, pag popondo ng kaganapan, paano mapapaunlad ng turismo ang ekonomiya ng Pilipinas at mga hakbang kung paano masiyasat ang mga kaganapan sa turismo sa iyong lokasyon.
Ang sanggunian na ito ay isang artikulo na isinulat at nagmula sa isang kilalang website na tinatawag na ABS-CBN News at inilathala ang artikulong ito noong Disyembre 1, 2020. Ang pamagat ng artikulo ay “Tourism official, may payo sa mga bakasyonista ngayong panahon ng pandemya.” Ang laman nito ay maikli lamang at nakasi-siguradong hindi maiinip ang mambabasa. Ang artikulo ay nilalaman ng mga importanteng impormasyon na makakatulong sa mga taong nais magbakasyon sa kabila ng pandemya, dahil ang mga impormasyon ay napakadaling intindihan gayundin ang paglalarawan sa kung paanong hakbang ang dapat na gawin upang makapamasyal ng ligtas.
Gawa ni Jaheide C. Faner
Malaking tungkulin ng lokal na turismo sa pagbangon ng bansa https://balita.net.ph/2020/09/20/malaking-tungkulin-ng-lokal-na-turismo-sa-pagbangon-ng-bansa/
Ang sangguniang nakatala ay isang artikulo na nagmula sa isang websayt. Ang artikulong ito ay mayroong sukat na katamtaman ang haba at naglalahad ng mga makahulugan at importanteng impormasyon tungkol sa tungkulin ng lokal na turismo sa pagbangon ng bansang Pilipinas. Naglalaman ang artikulo ng kasalukuyang kalagayan at posibleng mangyari sa Pilipinas sa tulong ng turismo. Ang nasabing artikulo ay nagmula sa Balita Online. Ito ay inihayang noong ika-20 ng Setyembre taong 2020.
Mga Kontribusyon at Epekto ng Turismo Tungo sa Patuloy na Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansang Pilipinas at ang mga Pinagdadaanang Suliranin ng Nasabing Industriya https://123dok.com/document/qoj3xgkz-konseptong-kontribusyon-ekonomiya-pilipinas-pinagdadaanang-suliranin-nasabing-industriya.html OR https://www.scribd.com/doc/150528637/Konseptong-papel-Mga-Kontribusyon-at-Epekto-ng-Turismo-Tungo-sa-Patuloy-na-Pag-unlad-ng-Ekonomiya-ng-Bansang-Pilipinas-at-ang-mga-Pinagdadaanang
Ang sanggunian nakatala ay isang konseptong papel tungkol sa “Mga Kontribusyon at Epekto ng Turismo Tungo sa Patuloy na Pag-unlad ng Ekonomiya ng Bansang Pilipinas at ang mga Pinagdadaanang Suliranin ng Nasabing Industriya”. Naglalaman ang medium ng kumpletong pagtatala ng impormasyon at historya ng Turismo. Ang nasabing konseptong papel ay itinala ng mga mag aaral sa AMV – Kolehiyo ng Accountancy na nagmula sa Unibersidad ng Santo Tomas, España, Manila. Ibinahagi ni Bernadette Cervantes ang pag aaral noong ika-28 ng Hunyo taong 2013.
Gawa ni Vicente A. Galvez
Pamagat/Titolo: Wika sa Modernong Mundo
Sanggunian: Wika sa Modernong Mundo (Sept 22, 2016)
Ang impormasyong inilalahad ng aking nakitang link sa Internet ay binibigyang liwanag ang mundong sinira ng teknolohiya na ay akala natin ay nakakabuti sa ating bansa at hindi lang sa bansa ay pati narin sa mga tao ngayon at ng dahil sa teknolohiya unti unti natin nakalimutan saan tayo nanggaling, tayong mga pilipino ay isa sa mga kilalang tao sa mundo at isa sa mga pinakamaraming isla na dinadayo ng turista sa buong mundo. Ang mga pagbabago ito ay hindi na bago sa atin dahil likas sa ating mga Pilipino ang pagiging mahilig sa kung ano ang trending, kung kaya’t ang mga Pinoy nama’y, “sige, doon tayo” dahil takot tayong maiwan o hindi makasabay sa uso. Hindi umaasenso ang Pinoy dahil sa ganitong pag-uugali. Nakakalungkot lang na isipin ang wika at kultura natin ay naapektohan na ng modernisasyon. Hahayaan na lamang ba nating tuluyang makalimutan ng mga Pilipino.
Reference: Libata, nefe. (2016, September 22). [web log]. https://nefelibata191.wordpress.com/.
Pamagat/Titolo: Ang Epekto ng Modernisasyon sa Kultura at Wikang Filipino
Sanggunian: Ang Epekto ng Modernisasyon sa Kultura at Wikang Filipino (Sept 21, 2016)
Ang impormasyon na nilalaman nitong artikulo na aking nahanap ay pinapaalala saaten kung ano ang importansya ng wikang Filipino sa ating bansa at wag itong kalimutan at ang artikulo na ito ay nagbibigay ng paalala saaten na kung paano nasira ng teknolohiya ang ating wika sa pag gawa ng mga salitang kalye sapagkat ito ang nakasanayan ng mga kabataan sa pag gamit at di’ na sila natututo sa kanilang pananalita, mas nakasanayan ng mga bata ang pagsasalita ng mga jejemon na lengwahe sa nakakatanda. Upang hindi ito makaligtaan ng mga mamamayang Pilipino dapat hindi ito pabayaan na mawala sa ating pananalita ang pagiging pormal sa mga kausap
Reference: wordpress.com. (2016, September 21). Ang Epekto ng Modernisasyon sa Kultura at Wikang Filipino. Retrieved October 19, 2021, from https://decastrobastonero.wordpress.com/2016/09/21/ang-epekto-ng-modernisasyon-sa-kultura-at-wiking-filipino/.
Gawa ni Levielyn Atil
Ang nakuha kong paksa sa Pahina ng peysbuk ay patungkol sa problema ng ating sariling bansa.Dahil Madalas ay hindi natin napapansin na mas nagagamit natin ang banyagang wika kasya sa ating sariling wika. Kagaya nalang ang ating tagline na nag sisilbing daan upang maka hikayat ang ating bansa ng mga tourista at lalo pang makilala ang tourismo nito . isinasaad ng mga kinauukulan na mas mabuting gamitin ang wikang Ingles sa pagbuo ng tagline ng ating bansa upang mapabatid natin sa kanila ang nais nating iparating kung sagayon ay maunawaan nila ang ating pinaparating patungkol sa ating tourismo ng ating bansa. Ngunit isa pa sa problema nito ay paano nalang ang ibang kapwa nating pilipino na hindi marunong at hindi nakakaintindi ng Ingles, Hindi bat dapat sila ang una nating prayoridad upang makatulong sa pag ulad ng ating bansa. Isa pa sa sa isyu nito ay pwedeng gayahin ng taga ibang bansa ang atin tagline. Ayon sa pahayag ni Richard S. Ehrlich na ang tagline ng pilipinas ay ginaya ng taga Switzerland kaya naratapat lamang na palitan natin ng wikang filipino ang ating tourismo kasabihan. Ayon nga din kay Pop. Voltaire M. Villanueva higit na mas mahalaga bigyang pansin ang malawakang partisipasyon ng mga mamamayan dahil mas maganda kung simulan natin ang pagpapakilala ng wikang sa ating mga kababayan kung sagayon ay mas mapaunlad natin ito at mas mapagmalaki.
Ang napulot kong kaalaman mula sa pahina ng peysbuk ay ang paggamit ng mga Pilipino ng wikang Ingles at kung paano nating tinatangkilik ang mga produkto na nag mula pa sa anting mga karatig bansa, gaya na lamang ng mga gawa ng US sa pag-aakala nating mas matitibay ang kanilang mga produkto kung kaya't mas tinatangkilik natin ang kanilang mga gawa at dahil sa mga bagay na ito nakakalimutan na natin ang sarili nating wika at ang sarili nating mga gawa, sa panahon ngayon marami na satin kinakalimutan na ang ating mga kawikaan at lalong lalo na ang sarili nating kutura. Dalawang problema ang nakikita ko sa ating bansa, una ay ang kawalan natin nang respeto sa sarili nating kawikaan at ang pangalawa ang pagtangkilik natin sa produkto ng ating mga karatig bansa. Una kinakalimutan na natin ang wikang ating nakasanayan, nakakalimutan na natin ang paggamit natin ng ating sariling wika ito ay ang wika nating mga Filipino, nakakalimutan na natin ito dahil karamihan sating mga Fipipino ang ginagamit na wika ay ang wikang Ingles at dito narin tayo bumabase sa personalidad ng isang tao, hindi ba't kawalan nang respeto ang pagkalimot natin sa ating sariling wika at ang pagbabalewala natin sa sarili nating mga gawa ?At ang isa pang problema na aking napansin sa ating lipunan ay ang pagtangkilik natin sa sarili nating mga produkto, nakalimutan narin natin ang gawa nang ating mga ninuno. Sadyang malaki nanga ang pinag bago ng ating bansa, pero hindi pa huli ang lahat may pag-asa pa, halina't balikan natin kung saan tayo nagmula at kung paano tayo nagsimula sa ating bansang tinubuan, ibalik natin ang sarili nating wika at tangkilikin natin ang ating sariling mga gawa upang umunlad ang bansang filipino at ipakita natin ang kagandahan ng bansang Pilipinas sa mga turista na dumarayo sa ating bansa, ipakilala natin ang ating sariling wika, kultura, at ang pag uugali nating mga Filipino. Mahalin natin ang sarili nating wika, mahalin natin ito dahil dito tayo nagmula.
Gawa ni Jollyner S. Mendoza
Ang sangguniang aking nakuha ay isang akademikong pananaliksik ukol sa pagkuha ng kursong turismo na isinulat ni G. Jhune Paz. Si G. Jhune Paz ay isang mag-aaral ng Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwa ng Turismo sa Our Lady of Fatima University Antipolo Campus. Ang pananaliksik na ito ay pinamagatan niyang "Epekto sa mga mag-aaral na napilitang kumuha ng kursong Turismo sa unang taon sa Our Lady of Fatima University Antipolo". Ang pananaliksik na ito ay may mahigit't kumulang na dalawampung pahina. Ika-27 ng Pebrero taong 2016 nailahathala ito sa websayt ng academia.edu. Masasabi kong tunay na makatutulong ang pananaliksik na ito upang mabigyang linaw sa lahat kung ano nga ba ang kahalagahan ng ang bawat isa ay mayroong desisyon sa pagpili kung anong kurso nila nais na tahakin datapwat ang pananaliksik na ito ay naka pokus lamang sa kursong turismo. Bilang karagdagan, makatutulong rin ito upang mabigyan ng panloob na impormasyon ang mga tao kung gaano kaganda ang kursong turismo at ang mga oportunidad na nakapaloob dito. Nakasaad rin sa pananaliksik na ito ang iba't ibang paktors na dapat i-konsidera sa pagpili ng isang kurso.
Sa kabilang dako, isang grupo ng mga propesor ang gumawa ng pananaliksik ukol sa kahalagahan ng kursong turismo. Sila ay mula sa Ateneo de Davao University. Hindi ko man nasilayan ng buo ang artikulo sa kadahilanang hindi lumalabas sa websayt ang pangalan ng aking paaralan upan ako ay tuluyang mabigyan ng akses sa artikulo ay natitiyak kong ito ay tunay na makatutulong sa mga taong nais pang magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa turismo.
Gawa ni Joseph E. Montecino
Ito ay isang youtube video na may haba na sampung minuto at dalawamput limang segundo. Ito ay isang dokumentaryo tungkol sa wikang Filipino at turismo na nai-edit o ginawa ng hindi pinangalanang tao at ito ay para sa proyekto o gamit sa edukasyon lamang. Ang mga miyembro sa pangkat: (Castellano, Kaye), (De Villa, Helena), (Metrillo, Cheska), (Nora, Juhaina), (Precilla, Princess), (Reyes, Lorrayne), (San Juan, Carla.), (Tamayo, Raphael.), (Villa, Bea). Inilathala ito noong ika-2 ng Disyembre taong 2019 ni Princess Precilla.
Ito ay isang Youtube video na may haba na siyam na minuto at labing tatlong segundo. Ito ay isang dokumentaryo na pinamagatang, Wikang Filipino sa Larangan ng Turismo na nai-edit o ginawa ng hindi pinangalanang tao. Ito ay isang interbyu ng mga estudyante ng University of Santo Tomas sa Department of Tourism and College of Tourism and Hospitality Management of the University of Santo Tomas. Ito ay tungkol sa kung paano umusbong ang wikang Filipino sa industriya ng turismo sa Pilipinas. Inilathala ito noong ika-8 ng Disyembre taong 2019 ni Mark Cruz.
Gawa ni Angel Nicole Padriga
Isinasaad sa artikulo ito ay patungkol sa pag papalago ng turismo sa pilipinas na patuloy na lumalago at kung ano ano ang magiging epekto nito sa ating bansa, sa papaanong paraan natin mapapalago Sino-sino ba ang makikinabang kung sakaling lumago ang turismo dito sa ating bansa? Saan-saang lugar ba posibleng maging atraksyon sa pagpapalago ng turismo? Masisiguro ba ang kaligtasan ng mga turista na bibisita sa ating bansa gayong laganap ang terorismo at kaguluhan sa ating bansa partikular sa Mindanao?
Ang artikulo ay nag lalaman ng apat na taludtod
Ang artikulo ay patungkol sa pag papalago ng turismo sa pilipinas
Ang nag sulat ng artikulo ay si Ginoong Michael Eklan sya ay isang arkitekto sa London at isa din syang photographer
Ang nag sulat ng artikulo ay si Ginoong Michael Eklan
Isinulat nya ang artikulong ito nuong Hunyo 27 2017
Isinasaad sa artikulo na ito ay patungkol sa Mga Epekto ng Kulturang Espanyol sa Kulturang Pilipino Ang kulturang Espanyol ay nagdulot ng malaking pagbabago sa pag-unlad ng kultura ng Pilipinas. Ito ay marahil sa mahabang panahon na pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. MUSIKA, SAYAW AT SINING
Ang artikulo ay nag lalaman ng apat na pahina
Ang artikulo ay patungkol sa Mga Epekto ng Kulturang Espanyol sa Kulturang Pilipino
Ang nag sulat ng artikulo ay si Ginoong Daimler Raulf D Cruz na nasa ika limang baitang sa elementarya
Ang nag sulat ng artikulo ay si Ginoong Daimler Raulf D Cruz
Gawa ni Jennifer Pasgala
Isa si Magdalena Jalandoni sa mga masaganang manunulat sa wikang Hiligaynon. Marami siyang naisulat at nailathala na mga tula, nobela, at maikling kwento sa wikang ito, tulad ng “Ang Mga Tunoc Sang Isa Ca Bulac”, “Sa Kapaang Sang Inaway”, “Ang Kahapon ng Panay”, at “Ang Guitara” na hanggang ngayon ay tinatalakay pa rin sa mga paaralan. Siya ang kauna unahang Pilipina at Ilonggo na nakatanggap ng Republic Cultural Heritage award noong 1969. Dahil sa kanyang mga naisulat ay nagyabong ang kanilang kultura at ang wikang Hiligaynon.
Mahalagang mapangalaan ang ansestral na bahay ni Magdalena Jalandoni dahil naipapakita nito ang kasaysayan ng Ilocos. Ang mga pinagdaanan nito sa mga nakalipas na taon at ang mga kwentong naitatago nito sa bawat sulok ng kanilang tahanan. Lalo na’t maraming mahahalagang pangyayari ang mga naganap sa mga panahon na ito tulad ng Philippine Revolution, the Filipino-American War at and Japanese Occupation. Dahil dumarami na rin turista sa Pilipinas, mas madaling maipapahayag at maipapakita ang kultura, kasaysayan at ang pinanggalingan ng mga Pilipino sa tulong ng ansestral na bahay na ito, at iba pang mahahalagang gusali. Hindi lang magagandang tanawin ang maiiaalok ng Pilipinas kundi magandang kasaysayan rin ng ating pinagmulan.
Ngunit nakakalap ang mananaliksik ng mga impormasyon na nagbigay ng resulta na sa pagbabagong anyo ng ansestral na bahay ni Jalandoni, hindi malaki ang naging epekto nito sa turismo at ekonomiya ng Iloilo dahil sa pag-unlad ng ekonomiya ng Iloilo, hindi naging pokus ng lalawigan ang kulturang turismo, kundi ang naging pokus nito ang komersiyalisadong turismo. Nakagawa man ng mga ordinansa ang ilan sa mga mambabatas sa kasalukuyang city government ng Iloilo upang makatulong sa pangangalaga sa pamanang kultura nito, tila naging huli na ang mga ito dahil nagbago na ang anyo ng ilan sa mga pamanang kultura ng lalawigan, tulad ng ansestral na bahay Jalandoni. Makikita pa rin ang ansestral na bahay sa kasalukuyan ngunit isa na itong well-being centre.
Bilang karagdagan, gumagamit sila ng eco-turismo bilang isang paraan upang mapaunlad ang buong lungsod, na may mga layunin na nakatuon sa lipunan, ekonomiya, at proteksyon. Ang pag-aaral na ito ay isang kinatawan ng miyembro ng pamayanan na nakakaunawa kung paano ang pagbuo ng eco-turismo nang direkta at hindi direktang nakakaapekto sa kabuhayan ng mga tao. Napili ito na kumuha ng isang diskarte sa katuturan. Pinapayagan din nito ang pagkakataong maunawaan ang pagpayag at kakayahan ng mga miyembro ng pamayanan na lumahok o hindi upang lumahok sa industriya ng turismo.
Gawa ni Mary Via Bianca Perez
KAHALAGAHAN NG TURISMO
HALIMBAWA AT KAHULUGAN
Ang mababasang talata ay nagmula sa isang artikulo o paglilimbag kung saan ito ay naglalaman ng impormasyon pumapatungkol sa isang paksa na laganap sa panahon ngayon at ito ay maaaring makikita sa magasin, dyaryo, o internet. Ito ay binubuo lamang ng isang sanaysay ukol sa kahalagahan ng turismo pati na ang halimbawa at kahulugan nito na isinulat noong Disyembre 10 nakaraang taon. Tungkol sa sumulat na gumagamit ng sagisag-panulat na “KeithyCat”, isa siyang ganap na manunulat ng Philippine News at naghahatid ng mga napapanahong paksa sa mga mababasa. Ayon sa kanya, ang turismo ay maraming positibong epektong maiaambag sa isang bansa tulad na lamang ng Pilipinas. Ang pangunahing kahalagahan ng turismo sa ating bansa ay humahakot ito ng maraming banyagang turista kung kaya’t lumalaganap ang ating ekonomiya. Sa gayong dahilan, mas marami ang nabibigyan ng oportunidad magkatrabaho at nagkakaroon ng portunang makihalubilo sa mga dayuhan. Bukod pa rito, patulopy na tumataas ang ekonomiya ng bansa nang sa gayon nakagagawa ito ng mga bagong pagkakatayo tulad na lamang ng paliparan, dulugan, restawran, at iba pa.
EPEKTO NG KULTURANG PILIPINO
SA MODERNONG TURISMO
Ang medium na aking nakuha ay nagmula sa isang pagsusuri nila Kaiser Antenor at ng kanyang kagrupo. Sila ay naatasang magsaliksik ukol sa epekto ng kulturang Pilipino sa modernong turismo at inilathala ito ng Academia ngunit walang petsang inilahad kung kailan ito ginawa ng mga manunuri. Ang uri ng papel na kanilang isinagawa ay isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral upang magbigay impormasyon pati na rin ang solusyon ukol sa suliraning kinakaharap. Ayon kay Antenor et al. (n.d), sa katotohangang halos 333 taon tayo nasakop ng mga kastila, marahil ay naman natin sa kanila ang karamihan sa ating kultura. Kung gayon, ang nasasaksihan ng mga dayuhan sa ating bansa ay bago sa kanilang paningin at panlasa sa kadahilanang ang pag-iisa ng kultura ng mga Pilipino at Kastila ay nagsilbing mabuting bagay upang mailahad ang katangian at kalikasan ng mga mamamayang Pilipino sa tulong ng turismo.
Gawa ni Keithly Andrea Rabano
IMPORTANCE OF FILIPINO LANGUAGE
Sanggunian:
Ang mababasang talata ay nagmula sa isang website o artikulo na kung saan ito ay naglalaman ng importansya ng Wikang Filipino bilang lenggwahe. Ito ay maiksi lamang at pumapatungkol sa iba’t ibang lenggwahe na mayroon ang buong mundo. Pumapatungkol din ito sa kung ano ang koneksyon sa pagitan ng wika at pagkakakilanlan at kung paano sila nauugnay sa bawat isa. Ang sumulat ay gumamit ng pangalang "eljhayeljhay" bilang kanyang username at ito pa lamang ang kanyang unang beses nang pagsulat ng isang blog. Ito ay inihayag niya noong ika – 7 Marso taong 2017.
HOW OUR NATIVE LANGUAGES BENEFIT SOCIETY
Sanggunian:
Ang medium na aking nakuha ay nagmula sa isang website o artikulo. Ito ay mayroong katamtaman na haba at kayang basahin nang sandali lamang. Ang makabuluhang paksa na ito ay pumapatungkol sa kung ano-ano ang benepisyo na makukuha sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba ng wika sa lipunan. Pumapatungkol din ito ekonomiya, panlipunan, kapaligiran at kultural na kalamangan. Ito ay sinuri nila Ched E. Arzadon at ng kanyang kagrupo. Ang kanilang inilimbag ay isang impormal na network ng mga mananaliksik at tagapagtaguyod ng mga kakayahang umangkop at kasama na mga patakaran na nauugnay sa mga wika, edukasyon, at pagkakaiba-iba. Iilan sa kanila ay mga propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, dating director, at dating dean. Ito ay inihayag nila noong ika – 28 Agosto taong 2019.
Gawa ni Novie Leah M. Tacata
Travel Policy ng mga LGU makikita sa ‘S-PasSS’
Ugnay ng Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/news/03/30/21/travel-policy-ng-mga-lgu-makikita-sa-s-pass
Ito ay isang balita mula sa orihinal na website ng kilalang media na ang ‘ABS CBN News’. Patungkol ito paglunsad ng malawakang bagong proseso at pang access ng impormasyon na nakakagaan sa mga byahero sa Pilipinas. Ang Department of Science and Technology (DOST) ang nagpasimula sa tawag na ‘S-PaSS’ o ang Safe, Swift and Smart Passage; ito ay kailangan naka coordinate sa mga LGUs (Local Government Unit) para sa pang malawakang libreng access ng impormasyon kung anong travel requirements o restristictions ng kanilang mga lugar. Nakakatulong ito sa turismo ng Pilipinas para sa mga lokal at -dayuhang turista na nais bumisita o mag travel sa iba’t ibang destinasyon dito. Ito ay mababasa sa ilalim lamang ng 3 na minuto.
Nitong ika-30 ng Marso, 2021 si Jasmin Romero ang nag-ulat nitong balita sa ilalim ng ABS-CBN News. Itong website ay nagbibigay ng mga nagbabagang balita na tungkol sa napapanahong isyu at mga panukala katulad nitong ulat na tiyak kailangan ng mamamayang pilipino malaman.
‘COVID-19 Digital Travel Pass’, Pinaplantsa na ng DOT
Ugnay ng Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/news/04/07/21/covid-19-digital-travel-pass-pinaplantsa-na-ng-dot
Ito ay isang balita mula sa orihinal na website ng kilalang media na ang ‘ABS CBN News’. Paunti unti nang isinasagawa ang ‘Digital Travel Pass’ o kilala sa tawag ding ‘IATA Travel Pass’ bilang pagtugon sa ligtas at maginhawang pag travel ng byahero papuntang Pilipinas. Nakapaloob dito ay ang mga kinakailangang impormasyon sa pagbiyahe, testing at vaccination requirements kaya kinakailangan ng pag rehistro nito at makapag test kung may COVID-19 sila o wala. Itong hakbang ay para sa muling pagbubukas ng turismo at ekonomiya sa bansa. Ito ay mababasa sa ilalim lamang ng 3 na minuto habang ang kasamang kalakip na bidyo tungkol dito ay mapapanood ng halos 4 na minuto na binubuo sa pangkalahatan ng 7 minuto sa artikulong ito para sa mga magbabasa na nais na lamang panoorin ito na mala nasa telebisyon pa din.
Nitong ika-7 ng Abril, 2021 si Johnson Manabat ang nag-ulat nitong balita sa ilalim ng ABS-CBN News. Itong website ay nagbibigay ng mga nagbabagang balita na tungkol sa napapanahong isyu at mga panukala katulad nitong ulat na tiyak kailangan ng mamamayang pilipino malaman.
Gawa ni Marinella T. Tajaran
Ang artikulong aking nakuha ay may pinamagatang “Filipino: Gamit sa mga Literaturang Panturismo” ito ay may koneksyon sa aking kasalukuyang kurso dahil ayon kay Jolo,R at Marbella F., (2018) ito ay tumatalakay sa “Pinakapangunahing maitutulong ng turismo sa pagpapaunlad ng wika ay kapag ginamit ang Filipino sa anumang babasahin patungkol sa turismo. Mas marami ang matuto nito dahil ito’y kanilang nauunawaan” (p.1). Ang babasahing ito ay may anim na pahina na tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino at kung paano ito mas mapagyayaman at mapagyayabong ng kasalukuyang henerasyon kung patuloy itong gagamitin lalo na sa industriya ng turismo. Ang pagpapalaganap at pagtangkilik sa sariling wika ay susi para sa ikakaunlad ng ating bansa. Sinasabi rin rito na ang pagggamit ng sariling wika ay mas lalong maipapakilala sa mundo kung anong kultural mayroon ang isang bansa. Dahil na rin sa kagandahan na taglay ng bansang Pilipinas maraming mga dayuhan ang bumibisita sa ating bansa pati na rin ang mga lokal ay mahilig bumisita sa magagandang atraksyon sa Pilipinas kaya ang pangunahing rekomendasyon ng artikulong ito ay ang pag gamit ng wikang Filipino dahil ito ay madaling maintindihan ng mga Pilipinong bakasyunita. Ayon nga kay Marcos ang wika ang ginagamit na instrumento upang maunawaan at maipakilala ang kultura ng isang kalipunan ng mga taong mamamayan sa isang lugar.Kung ang wikang Filipino ay gagamitin palagi lalo na sa mga babasahing maaaring ipalaganap saan mang bahagi ng mundo ay tiyak na makikilala ito. Base sa aking mga na access na artikulo na naithala noong pebrero taong 2019 sa Asia Pacific Journal of Multidisciplinary Research at nagmula kina Richelda P. Jolo at Felisa D. Marbella ng Sorsogon State College, Paaralang Gradwado, Sorsogon City,Pilipinas. Ang artikulong ito ay may layunin na magbigay impormasyon sa target na mambabasa tulad ng empleyado at manggagawa at mag aaral na bigyang kahalagahan at ikonsidera ang wikang Filipino sa industriyang panturismo.
Sanggunian: https://komakadj2bgrp1-blog.tumblr.com/
Ang blog na aking nakuha ay may pinamagatang “GAMITIN WIKANG FILIPINO, PARA SA PAG-UNLAD NG TURISMO” ito ay may koneksyon sa aking kasalukuyang kurso dahil ayon sa author na may pagkakalinlang komakadj2bgrp1(2015) “Ang Turismo ay kinikilala din ng karamihan bilang isang mahalagang sektor na nakakatulong sa ekonomiya ng bansa at Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mgamamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa”. Ang sariling wika ang isa sa importanteng bagay na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang lahi, kung ano sila, saan sila nagmula, kung sino sila at ano ang kanilang kaibahan sa ibang lahi. Isa rin sa rekomendasyon ng blog na ito ay ang pag bibigay at paglalagay ng mga tagalog na translasyon sa mga ingles na salita na kalimitang nakalagay sa mga karatula ng mga pampublikong lugar at ibang destinasyon ng mga turista. Dahil na rin sa pag gamit ng ingles sa pakikipag halubilo ng mga tour guide sa mga dayuhan hindi naipapakita sa kanila kung ano an gating salita at kultura. Base sa aking na access na blog noong ika 16 ng hunyo taong 2021 ito ay naithala noong ika 27 ng setyembre taong 2015 sa website na tumblr.com. Ang journal na ito ay may layunin na magbigay impormasyon,aral at rekomendasyon sa target na mambabasa tulad ng empleyado at manggagawa at mag aaral na bigyang kahalagahan at ikonsidera ang wikang Filipino sa industriyang panturismo.
Gawa ni Graciella Lou Chantengo
“Magandang Epekto ng Turismo sa Pilipinas”
Sanggunian:
Magandang Epekto ng Turismo sa Pilipinas (2021).
Ang link ng impormasyon na ito ay galling sa simpleng website. Hindi gaano mahaba ang nakasaad dito ngunit punong-puno ito ng impormasyon kagaya na lamang ng mga ibang libro na sinulat ng iba’t ibang may akda. Tungkol ito sa kagandahan ng epekto ng turismo sa Pilipinas. Naroon nakasaad ang mga naging epekto ng pag punta ng mga Tsina dito sa Pilipinas at ang mga turismo na kung saan tinanghilik ang ating mga tanawin kagaya na lamang ng Boracay. Nakasaad dito ang naging epekto noon sa mga residente na nakatira malapit sa Boracay. Isa ring inilahad dito ang magandang epekto ng turismo, dahil sakanila nakikilala pa lalo ang kultura at tanawin sa ibang bansa. Napapayabong natin ang kultura sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga turismo kung ano talaga ang ating kultura. Ginawa nila ang website na “Magandang Epekto ng Turismo sa Pilipinas” upang mapahayag sa mga Pilipino ang kahalagahan ng turismo. Ginawa ang website na ito ngayon lamang 2021.
“Paano Mapapalaganap ang Turismo sa Pilipinas”
Sanggunian:
Villiegas, Pahignalo, Raymundo, Canlas, Opinion, Casil, Pacal, Nocasa, Susuon (2019). Paano
Mapapalaganap ang Turismo sa Pilipinas. https://he-e-rome.blogspot.com/
Ang impormasyon na nakasaad ay galling sa website na ginawa nila Villiegas, Pahignalo, Raymundo, Canlas, Opinion, Casil, Pacal, Nocasa at Susuon. Sila rin and naglathala nito sa internet upang maipahayag sa publiko. Mahaba and impormasyon na nakasaad at may mga litrato at bidyo din na makikita upang mapahayag ng mabuti ang mga nakasaad. Ang impormasyon na nakapaloob dito ay tungkol sa paano mapapalaganap ang turismo sa Pilipinas. Nagsasaad dito na mayaman na ang ating bansa sa magagandang tanawin ngunit kailangan din nating palawigin ang mga magagandang pasilidad katulad ng serbisyong pampaliparan at mga ospital na kakailanganin ng mga turismo sa iba’t ibang lugar na kung saan nandoon and mga magagandang tanawin. Importante ang mga ospital dahil dapat nasisiguro natin ang kaligtasan ng turismo upang sila ay patuloy na bumalik at tangkilikin ang ating mga tanawin. Importante din na maipakilala sakanila ang mga masasarap nating pagkain at ang mga magagandang tanawin at establisyimento ay dapat na patuloy itong panatilihing malinis. Nakasaad din dito na ipakilala ang ating bansa sa pamamagitan ng internet at social media dahil ito rin ang daan upang Makita ng mga turismo kung gaano kaganda ang pilipinas. Sumikat ang bansa natin sa Korea at China dahil marami doon ang nakapunta na dito sa pilipinas, bukod pa doon ay marami din tayong komersyal na pinapalabas sa ibang bansa. Isa na rin dito ang pagsali ng mga magagandang binibini ng Pilipinas sa “Miss Universe” Naipapakilala natin ang ating bansa kung gaano ito kaganda at ka hospitable ang mga tao sa pilipinas. Hindi lang magandang babae o lalaki ang mga tao sa pilipinas ngunit mayroon ring busilak na puso at punong puno ng masasarap na putahe at magagandang tanawin. Dahil sa “Miss Universe” ay nagiging makabayan lalo tayo sa ating bansa dahil ang event na iyon ay para rin sa mga babaeng may magandang puso at pagiging matalino. Marami pa ang nakasaad sa website kung paano mapapalaganap ang turismo sa pilipinas. Ginawa ang website na ito noong Enero 26, 2019.
Gawa ni Irrarhose Vida S. Francisco
Ang artikulong ito ay isinulat noong Nobyembre 4, 2020. Nang ang layunin ay ipaalam sa atin na ang Turismo sa Pilipinas ay nagsimula noong mga sinaunang panahon kung saan ang unang hanay ng mga tao ay pinili na lumipat sa mga tulay ng lupa, na sinundan ng iba pang mga hanay ng paglilipat mula sa kapuluan ng Malayan sa timog at Taiwan sa hilaga. Ang pag usbong ng Turismo sa Pilipinas.
Ang artikulong ito ay tungkol sa kahalagahan ng Turismo at halimbawa nito sa Pilipino. Ito ay isinulat noong December 10, 2020. Isang halimbawa ng kahalagahan ng nito ay Ang pagpasok ng turismo ay isa sa mga dahilan kung bakit lumaganap ang ating ekonomiya. Kapag nangyari ito, maraming tao o ang nabibigyan ng trabaho at nagkakaroon ng kultural na pakikihalubili sa mga dayuhan.



Comments