top of page
Search

Filipino sa Information Technology

  • PCCians
  • Jun 22, 2021
  • 10 min read

Updated: Oct 30, 2021

Mabuhay! Ang blog na ito ay nilikha ng mga mag-aaral ng Philippine Cultural College na kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology. Ito ay binubuo nina Angelo Mauricio, Jonas Napiza, Neil Matthew Ong, Sean Santos, Julia Francesca Cu, Jennifer Lacaste at Kurt Arwin So. Ang bawat isa ay inatasang magbigay ng tig-dalawang link kung kaya’t ang aming kurso ay nakalikom ng kabuuang bilang na 14 sanggunian. Ang mga sumusunod na sangguniang aming nakalap ay patungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng Information Technology. Tiniyak ng aming grupo na ang bawat sanggunian ay makatutulong para sa lahat. Layunin ng mga sangguniang ito na ipakita ang kahalagahan ng ating wika sa kabila ng pag usbong ng iba’t-ibang teknolohiya. Ang mga makabagong teknolohiya ay hindi lamang para gawing libangan ng mga tao, ito din ay maaaring maging daan upang maipalaganap ang nating kaalaman sa ating wikang Pambansa at maipagmalaki ito.



MGA SANGGUNIAN



Gawa ni Julia Francesca Cu


Francisco R. Wikang Filipino Gamit and Makabagong Teknolohiya. Retrieve From:


Ang sangguniang aking nahanap ay naglalaman ng limang pahina. Isinulat ni Rica Francisco at ipinasa sa kanyang guro na si Gng. Nemia Salvador. Sa pananaliksik na ito ay tinalakay ang paggamit ng wikang Filipino sa mga makabagong teknolohiya. Ang pag usbong ng mga iba't-ibang teknolohiya ay nakatulong sa atin sa maraming bagay gaya ng social media sites kung saan malaya tayong makipagusap sa mga tao kahit na sila ay na sa malayong lugar. Ngunit sa pag gamit ng mga ito ay naaapektuhan ang pag gamit natin ng wikang Filipino. Nabanggit sa pananaliksik na ito ang pag gamit ng salitang jejemon kung hindi ay wikang Ingles ang kanilang ginagamit sa pag post. Talamak din ang paggamit ng akronim sa social media kung saan nagrerepresenta ang isang letra ng isang salita. Nauuso din ang paggamit ng salitang balbal kung saan ito ay tinatawag din na salitang kanto o kalye. Ayon sa pananaliksik na ito isa sa epekto ng teknolohiya sa ating wika ay nawawalang halaga ang ating pinag-aralan sa eskwelahan sapagkat nag popokus ang mamamaya sa iba't-ibang pananaw marahil sa kanilang nakikita sa social media. Sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya dapat natin itong gamitin sa tama at naaayon sa wastong paggamit ng ating wika. Gamitin natin ito upang mas mapalaganap pa natin ang wikang Filipino.



Villareal A. (2018). Makabagong Teknolohiya sa Pagturo ng Wikang Pambansa. Retrieve From:


Ang sangguniang aking nahanap ay naglalaman ng isang pahina. Isinulat ni Aaron Moses Villareal noong Enero 11, 2018. Sa pananaliksik na ito tinalakay ang paggamit nag makabagong teknolohiya sa pagturo ng wikang pambansa. Habang tumatagal ang panahon nagkakaroon tayo ng iba't-ibang barayti ng wika at umuusbong din ang paglikha ng mga panibagong lenggwahe. Nabanggit din sa tekstong na ang teknolohiya ay mga negatibong epekto din sa atin mas lalo na sa mga kabataan. Nalilipat ang kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o mahalaga. Gayunpaman mayroon pa din itong mabuting naidudulot sa atin gaya ng matuto o makabahagi ng kaalaman patungkol sa wikang ating kinagisnan. Halos lahat ng tao ngayon sa mundong ating tinatayuan matanda man o bata ay mayroon at may alam sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Bukod sa gamitin ito bilang libangan maaari din itong maging daan upang linangin ang ating kaalaman sa ating wikang pambansa. Sa paaralan isa sa pinakamabisang paraan ay ang paggamit ng mga PowerPoint presentations sa mga aralin. Malaki din ang impluwensya ng social media sites sa pagpapakalat ng mga impormasyon. Maaari din natin itong gamitin upang maibahagi natin ang ating wika sa mga taong nais matuto nito. Isa ding epektibong paraan ay ang paggawa ng website. Marami na ding applications ang naiimbento na makatutulong para sa mga estudyante at mga dayuhang nais matuto ng wikang Filipino. Nakatutulong ito upang mahasa pa ang kanilang bokabularyo, gramatika, retorika, at pagsasalita ng ating wikang pambansa. Habang patuloy na nagbabago ang ating mundo at umaasenso patuloy pa din nating linangin ang ating kaalaman patungkol sa ating pambansang wika sa pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya.





Gawa ni Jennifer Lacaste


Francisco, C.G.(Aug 26, '08). Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya:

Isang Teknolingguwal na Pagtalakay. Documen. Retrieve from https://dokumen.tips/documents/ang-wikang-filipino-sa-edukasyong-panteknolohiya.html


Oquendo, E.J & et.al.(2016-2017).Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Paggamit ng

Wikang Filipino sa mga Sulating Pampaaralan ng mga Mag-aaral ng San Jose National Agricultural and Industrial High School 2016-2017. PdfCofee. Retrieved from https://pdfcoffee.com/action-research-filipino-inset-pdf-free.html


Mula sa artikulong pinamagatang "Ang Wikang Filipino sa Edukasyong Panteknolohiya: Isang Teknolingguwal na Pagtalakay" ni (Francisco, C.G, 2008) isang Tagapangulo, sa Kagawaran ng Filipino at Panitikan sa Pamantasang De La Salle-Dasmarinas na naglalaman ng labing-apat na pahina; Inilarawan na ang salitang Filipino ay isa sa mga wikang tinaguriang papaunlad na wika sapagkat ito ay patuloy na dinedebelop pa lamang sa pamamagitan ng mga lingguwistikong pag-aaral hingil sa kalagayang pangwika sa bansa. Napatunayan sa pananaliksik ng manunulat na ang bawat wika ay may ginagampanang papel sa pangkat-wika pati na sa larangan ng lingguwistiks at walang tinatawag na mataas o nakatataas na wika. Nangangahulugan lamang ito na ginagamit ang wika upang matugunan ang pangangailangan at lubos na maipahayag ang saloobin ng gumagamit nito sa mas mabisang paraan. At sa paggamit ng sariling wika nagiging mas malinaw at nakakapagbigay ito ng awtentikong mensahe na hindi kayang matumbasan ng kahit anumang banyagang wika. Bilang isang mamamayan iminungkahi na sa pagsulong at pagtangkilik sa wikang pambansa ay siyang nakatutulong sa bawat Pilipino na maunawaan ang mga pinakamahihirap na konseptong umiiral sa mundong ginagalawan. Bahagi narin dito ang kahalagahan ng paggamit ng sariling wika lalo na sa dimensyong teknolohikal. Karagdagan pa, sa kanilang pagsasalaysay at pananaliksik na ang pagbabago sa teknolohiya ay nakakaepekto sa takbo ng buhay ng tao at mawawalan ng saysay ang husay at galing ng mga susunod na henerasyon sa propesyonal na larangan lalo na sa Information Communications and Technology, kung mananatili ang mga itong sasandig sa tradisyunal na kaparaanan. Binigyang diin pa rito ang pagpapasiklaban ng mundo sa tinatawag na “labanan ng pag-aaral” upang sa gayon ay hindi mahuli ang lokal na mamamayan sa mga bagong kaalamang hatid sa larangang katulad nito.


Seryosong ipinahayag rin sa artikulo na malaki ang maidudulot pa ng modernong panahon kaugnay sa uri ng edukasyon sa Pilipinas at tinatanaw ng mga eksperto sa teknolohiya na nakasalalay sa paggamit ng teknolohiya ang modernong edukasyon, kaya’t ang pag-gamit ng sarilling wika sa mga mas pinakomplikadong mga konsepto na darating pa ay marapat na maunawaan ng mga estudyante sa klasrum. At nabanggit pa nga na malaki ang maitutulong ng titser at ang maayos na kurikulum sa pagkatuto ng mga estudyante sa teknolohiya. Ang maganda pa rito, nagbigay ang manunulat ng sampol viswal: may kinalaman sa teknolohiya na nakasalin sa Filipino upang mas maunawaan ang mga karaniwang konsepto at panteknolohiyang kagamitan na ginagamit sa modernong panahon.


Samantala, ayon naman sa pananaliksik na isinagawa nina (Oquendo, Laureta,

Mariano; 2016) na may limang pahina, tinalakay ang mga epekto ng makabagong teknolohiya sa paggamit ng wikang filipino. Natuklasan nila na ang wika ay daynamiko o nagbabago; at sa paglipas ng panahon ang bokabolaryo ng mga tao sa wika ay patuloy na nadaragdagan. Isa sa mga nabanggit na epekto ng teknolohiya sa wika ay ang pagkaluma ng ilan sa mga salita dahil sa pagusbong ngunit sa positibong pananaw ito ay nagpapatunay ng pagiging buhay ng wika at patuloy na nagbabago sa pamumuhay ng tao. Kaugnay nito ang kanilang paglalarawan sa WIKA na sumasalamin sa mithiin, pangarap, damdamin kaisipan, saloobin, pilosopiya, kaalaman, moralidad, paniniwala, at kaugalian ng mga mamamayan na nakakaapekto rito. Nasabi pa nga na ang bokabularyo ay lumalawak at nagbabago ang sistema ng pagsulat na nagiging dahilan ng pagkalimot sa iilan na mga salita. Gayunpaman, iminungkahi ng mga manunulat ayon sa kanilang pananaliksik na ang daan upang magkakaroon ng saysay ang isang wika ay KINAKAILANGAN itong GAMITIN bilang kasangkapan sa araw-araw na buhay upang ito'y hindi mabaon sa limot sa paglipas ng panahon. Sa pagbubuod, nagbigay ng alternatibong solusyon ang mga mananaliksik o manunulat ng pag-aaral na ito tungkol sa tamang paggamit ng wika (pagbabaybay), at ang kawalan ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng sulating pampaaralan dahil sa maling pahgamit ng teknolohiya. Ang nasabing pananaliksik ay para sa mga mag-aaral, guro, at sa mga susunod na henerasyon at kung papaano sila dito makikinabang.





Gawa ni Neil Matthew Ong


Wika sa Modernong Mundo (2016). Retrieve from: https://www.coursehero.com/file/82038365/wika-sa-nodernong-mundodocx/


Ang sanggunian na ito ay nagpapakita ng bagong panahon ng teknolohiya. Isinulat ito ni Almi Gesalan. Isa siyang propesor sa University of the East (Caloocan). Tumatalakay sa pagbabago ang pananaliksik na ito. Sa modernong panahon, tila mabilis ding umusbong ang mga makabagong teknolohiya. Teknolohiyang akala nati’y mabuti lang ang maidudulot ngunit sa kabilang banda’y nakakasira rin sa ating isipan, kamalayan, at relasyon sa ating mga kaibigan at pamilya. Lahat ng mga bagay ay makikita natin gamit ang teknolohiya. Nagagawa natin ang mga bagay na dati’y hindi natin nagagawa at nakakatulong rin ito upang maabot natin ang mga taong malayo sa ating piling. May mga bagay tulad ng teknolohiya na nagdudulot ng adiksyon at pagkalimot sa mga dating gawain. Sa ating modernong mundo, nagbabago ang mga tao dahil sa teknolohiya at napapansin natin ito sa ating wika. Dahil sa teknolohiya, marami ring nakakaimbento ng mga makabagong salita sa ating henerasyon. Sa bawat henerasyon, huwag tayo masyadong magpapadala sa agos ng panahon, matuto tayong tumanaw ng utang na loob sa ating mga ninuno na ipinaglaban at ipinagtanggol ang ating wika.



Ang Papel Na Ginagampanan ng Wikang Filipino sa Mundo ng Teknolohiya: Isang Konseptong Papel (2016). Retrieve from: https://www.scribd.com/document/444143905/Ang-Papel-na-ginagampanan-ng-wikang-Filipino-sa-mundo-ng-Teknolohiya


Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa ginagampanan ng wikang Filipino sa kapanahunan ng teknolohiya. Isinulat ito ni Angel Kate Lebaquin, isang jornalista. Tinalakay dito ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mundo ng teknolohiya kung saan nagsimula ang paggamit ng teknolohiya. Sa panahon ng teknolohiya, ang wikang Filipino ay napapagitnaan ng napakaraming wika mula sa ibang bansa, at minsa’y iba ang pinapahalagahan kaysa sa sariling wika. Ang mga websites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram, Reddit, Youtube, Google, at iba pa ay maari nating magamit sa wikang Filipino. May mga ibang bansa na tintatrato tayo bilang mahirap. Ang mga Pilipino ay praktikal, pagdating sa pag-imbento. Ipinapakita na sa modernong mundo ang posibilidad ng pagkakaroon ng bagong kinakabukasan. Kaya’t gamitin natin ang ating talino sa paraang ikauunlad ng teknolohiya.





Gawa ni Kurt Arwin So


H. (2021, March 23). Wikang Filipino Sa Larangan Ng Agham At Teknolohiya. https://tulangwikang.blogspot.com/2021/03/wikang-filipino-sa-larangan-ng-agham-at.html


Mula sa artikulong pinamagatang "Wikang Filipino sa Larangan ng Agham at Teknolohiya", kung saan nakasaad na mahalaga ang pag-aaral ng agham at teknolohiya sa lahat ng panahon dahil ito ang susi sa pag-unlad ng bansa. Sa pagbabago ng panahon at lipunan natural lamang para sa may akda na sumabay ang wika sa mga pagbabagot modernisasyon ng lupnang gumagamit nito at nagiging ugat din ng hindi pagkakaunwaan ng mga mamamayan ang paggamit ng teknolohiya sapagkat dito ay may kanya kanyang pananaw ang bawat tao. Ang konklusyon mula sa mananaliksik, na ang bansa sa mundo katulad ng Pilipinas ay ingles lang ang ginagamit sa pagtuturo ng agham at teknolohiya dahil to lang ang wikang maaaring magamit upang lubusang maintindihan ang mga tinutukoy ng dalawang larangan na ito.



Bernardo R. (2018) Lengguwahe ng Teknolohiya. Retrieve from: https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/06/24/1827492/lengguwahe-ng-teknolohiya


Ang sangguniang ito na aking nahanap sa internet ay isang artikulo na isinulat ni Ramon Bernardo. Sa artikulong ito ay tinalakay na karamihan sa lengguwahe na ginagamit sa teknolohiya ay ingles at hindi lahat ng salitang ingles ay may katumbas para sa Filipino. Sapagkat karamihan na teknolohiya ay gawa sa ibang bansa kaya ito'y halos ingles ang lengguwahe. Ngunit tinatanggap na lang ng lipunan natin sa araw-araw ang

mga salitang Ingles sa mga usapin sa computer. Meron din mga computer program o mga website tulad ng Google na kung saan ay may suporta sa paggamit ng ibang lengguwahe bilang salita ng website. Marahil, bahagi na ng pagsulong at pag-unlad ng ating lipunan ang pagtanggap at paggamit ng mga salitang Ingles sa teknolohiya ng computer.





Gawa ni Jonas Anthony Napiza


Acelajado, M. (1996). Makataong Matematika: Malay Tomo XIII. Manila, Philippines: De La Salle University Press, Inc. https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/view/761


Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na malaman kung may espasyo ang Filipino sa klase ng Matematika. Ginawa ang sumusunod na hakbang upang maisakatuparan ang pag-aaral, pagmamasid sa mga klase, pagsasagawa ng focus group discussion at pakikipanayam sa mga guro at mag-aaral at mula rito ay makabubuo ng mungkahing patakarang pangwika. Sa isinagawang pagmamasid ng mananaliksik, lumabas na may mga pagkakataong gumagamit pa rin ang mga mag-aaral at guro (malay o di-malay) ng Filipino sa asignaturang Matematika. Maituturing ito bilang wikang pantulong sa ibat ibang yugto ng klase sa Matematika. Pinatunayan ng pananaliksik na ito na May espasyo ang Filipino sa Matematika bilang wikang pantulong. Napadadali ang pagtalakay sa Matematika sa tulong ng Filipino at Ang pagpapairal ng patakarang pangwika ay kailangan upang maisakatuparan ang ganap na espasyo ng Filipino sa paaralan. Iminumungkahi na ipatupad ang mungkahing patakarang pangwika na nabuo batay sa resulta ng pananaliksik.



Janina (2015). ANG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG WIKANG FILIPINO SA MUNDO NG TEKNOLOHIYA: ISANG KONSEPTONG PAPEL. http://hernandezjanina.blogspot.com/2015/09/ang-papel-na-ginagampanan-ng-wikang.html


Sa panahon ng makabagong teknolohiya, ang ating wikang Filipino ay napapagitnaan ng napakaraming wika mula sa ibang bansa, at minsa’y ang ibang wika ang pinapahalagahan kaysa sa ating sariling wika. Sa mundo ng teknolohiya, ang mga websites tulad ng Facebook, Twitter at Google ay maaari mo nang magamit sa wikang Filipino, kaya huwag nang mag-alala kung hindi makaintindi ng mga banyagang salita, gamitin na ang sariling wika. At sa paglalahad ng mga opinyon, balita, at mga nangyari sa iyong buhay, pwedeng-pwede mong gamitin ang wikang Filipino.





Gawa ni Angelo Mauricio


E. (2016, September 20). WIKANG FILIPINO: KOMUNIKASYON SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA NGUNIT KULTURANG PILIPINO YUMAYABONG PARIN BA? WIKANG FILIPINO. https://www.google.com/amp/s/ellahchaylajessa.wordpress.com/2016/09/20/first-blog-post/amp/


Ang sangguniang ito ay isang artikulo na nanggaling sa website. Naglalaman ito ng isang pahina na mayroong tatlong talata. Mababasa sa artikulong ito ang pananaliksik ng isang manunulat na may palayaw na Ella Chayla Jessa sa website noong 2016 mula sa "wordpress" ng bansang Pilipinas. Layon ng artikulo na maunawan kung yumayabong pa nga ba ang ating pambansang wika sa henerasyon ng teknolohiya.



Obienbangahonbalug, V. A. P. B. (2016, September 23). Ang epekto ng teknolohiya sa ating wika at kultura? Word Press. https://www.google.com/amp/s/obienbangahonbalug.wordpress.com/2016/09/23/ang-epekto-ng-teknolohiya-sa-ating-wika-at-kultura/amp/


Ang sangguniang ito ay isang artikulo na nagmula sa isang website. Naglalaman ito ng isang pahina na mayroong tatlong talata (introduksyon, nilalaman at konklusyon). Mababasa at malalaman sa artikulong ito ang paglalahad ng isang manunulat na may palayaw na obienbangahonbalug sa website noong Septyembre 23, 2016 mula sa "wordpress" ng bansang Pilipinas. Inilalahad sa artikulong ito kung gaano naaapektuhan ng teknolohiya ang ating pambansang wika. Kung ano-ano ang naidudulot ng teknolohiya sa sarili nating wika.





Gawa ni Sean Kenneth Santos


Austria, H. (2015, September 29). Wika sa likod ng teknolohiya. Wordpress. https://hzlaustria.wordpress.com

Ang nilalaman ng link na ito ay isang blog. Iniuugnay ng may-akda ang wikang Filipino at teknolohiya kung saan ipanaliwanag niya na magkasabay ang pagbabago ng mga ito. Ang blog na ito ay mayroong labing-tatlong talata. Sa bawat talata ay nagbigay siya ng mga halimbawa ng mga kasulukuyang nangyayari sa wika at teknolohiya. Nilahad din niya ang mga mabubuti at masasamang epekto ng teknolohiya sa wikang Filipino. Samakatuwid ay hinihikayat niya ang mga mambabasa na huwag kalimutan ang tamang pagbabaybay ng mga salitang Filipino. Ang may-akda ng blog ay isang mag-aaral ng Pilipinas. Ang pangalan niya ay si Hazel Austria. Wordpress ang ginamit bilang medium para maibahagi niya ang kanyang mga kaalaman. Ang blog niya ay na-post sa petsang Septiyembre 29, 2015.



Santos, T. U. (2009, May 9). Wikang Filipino sa ikasusulong ng Agham at Teknolohiya. The Varsitarian. https://varsitarian.net/news/20090412/wikang_filipino_sa_ikasusulong_ng_agham_at_teknolohiya

Ang artikulong ito ay tumatalakay sa paggamit ng wikang Filipino sa agham at teknolohiya. Isinulat ito na may 22 na talata kung saan halos nakabase ito sa mga sinabi ni Dr. Fortunato Sevilla III ukol sa paggamit ng wikang Filipino sa pag-aaral ng agham. Ito ay isinusulong ni Dr. Sevilla III sapagka't naniniwala siya na mas makakaintindi ng mga mag-aaral niya ang mga terminong ginagamit sa agham, lalo na't Ingles ang mga terminong ginagamit mismo sa agham. Ang may-akda ng artikulong ito ay si Tomas U. Santos. Siya ay nakagawa ng halos 6800 na artikulo sa The Varsitarian. Ang artikulong ito ay naka-upload sa The Varsitarian sa petsang Mayo 9, 2009.



 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2021 by PCCians

Site is designed and managed by Sean Santos

bottom of page