Filipino sa Operations Management
- PCCians
- Jun 21, 2021
- 9 min read
Ang blog na ito ay ginawa ng mga mag-aaral ng kursong Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwa ng Negosyo partikular sa Pamamahala sa Operasyon sa Philippine Cultural College - Quezon City. Sila ay sina Caitlin Chua, Paulyn Gripo, Alyssa Kirstin B. Bautista, Pei Ling Huang, Jennica M. Hung, at Charles Kervyn C. Lee.
Ang Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwa ng Negosyo o ang BSBA (Bachelor of Science in Business Administration) ay isang malawak ang saklaw kaya naman ay napag-isipan ng mga opisyal sa CHED na mas gawing partikular ang kursong ito. Isa na dito ang pamamahala ng operasyon o “Major in Operations Management” sa Ingles. Ang BSBA ay isang malawak na larangan na kung saan pinag-aaralan ang iba't ibang uri ng mga posisyon sa pamamahala ng isang negosyo. Ang pokus ng BSBA-OM ay maging pamilyar sa mga operasyon ng negosyo at tinatalakay nito ang mga kritikal na desisyon para sa paggawa ng mga proyekto, imbentaryo at iba pang gawain sa loob ng larangan ng negosyo.
Itong blag na ito ay ginawa upang matulungan ang mga mag-aaral na naghahanap ng kurso na kanilang kukunin sa kolehiyo at mapalawak ang kanilang kaalaman dahil matatalakay dito sa blog ang ilan sa mga paksa na kanilang mae-engkwentro.
MGA SANGGUNIAN
Gawa ni: Jennica Hung
Pontius, N. (2019). 4 na Uri ng Mga Sistema ng Pagkontrol ng Imbentaryo: Perpetual vs.Panaka-nakang Kontrol sa Imbertaryo at ang Mga Sistema ng Pamamahala ng Imbentaryo na Sinuportahan Sila. Camcode. Kinuha mula sa: camcode.com https://tl.warbletoncouncil.org/sistema-de-inventarios-7914
Ang sanggunian na ito ay mula sa website. Ang nilalaman nito ay tungkol sa mga uri ng imbentaryo. Sinaad ng may akda na si Nicole Pontius, na ang perpetual na sistema ng imbentaryo ay walang hanggan at patuloy na pag update at pagbabago nito. Ang kahulugan ng imbertaryo batay sa may akda, ito ang pag bilang ng mga karagdagang at pagbabawas ng mga items sa imbentaryo ay natanggap, naibenta, inilipat mula sa isang lokasyon patungo sa isa pa, napili para sa pagkonsumo, at itinapon. Si Nicole Pontius ay manunulat sa camcode, marami sa kanyang sinulat ay tungkol sa imbentaryo. Si Nicole Pontius ay mula sa Amerika. Ang website source na ito ay na publish noong 2019.
Lewis, M. (2019). Paano bumuo ng isang Inventory System. Wiki Paano. Kinuha mula sa: wikihow.com.
Ang sanggunian na ito ay mula sa website. Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagbuo ng isang imbertaryo na sistema para sa negosyo. Sa website source na ito malalaman ang mga paraan at pag proseso sa paggawa ng imbentaryo ng isang kumpanya. At dito din nakasaad ang mga kinakailangan para sa imbentaryo. Sinabi din ng may akda na importanteng maging pamilyar sa sistema ng imbentaryo ang mga empleyado bago ito ipinatupad para makaiwas sa matinding pagkakamali. Si Michael R. Lewis ang nagsulat ng nilalaman ng website na ito, siya ay isang kilalang manunulat ng aklat, blog, artikulo at iba pa, at isa din siyang stock analyst. Itong website source ay na publish noong 2019 at sinulat sa amerika.
Gawa ni: Pei Ling Huang
Gaffney, C. (2019). Kahulugan ng Mga Gastos sa Logistics. Maliit na Negosyo-Chron. Kinuha mula sa: smallbusiness.chron.com.
Ang Heograpiya ng Mga Sistema ng Transportasyon (2019). Komposisyon ng Mga Gastos sa Logistik. Kinuha mula sa: transport geography.org.
CEOpedia (2019). Mga uri ng gastos sa logistik. Kinuha mula sa: ceopedia.org. https://tl.warbletoncouncil.org/costos-logisticos-16397
Ang link na ito ay nagmula sa isang website na aking natagpuan. Ang haba ng nilalaman nito ay aabot sa labing limang talata. Ito ay nagmula sa isang manunulat na nangangalaga Cynthia Gaffney. Siya ay nakatanggap ng master degree galing sa isang unibersidad ng Arizona State University noong isang libo’t siyam na daan at siyam na pu’t siyam. Sa kadahilanang may ginawa siyang thesis na ang pamagat ay “sleeping among thorns and blossoms”. Isinaad dito na may mga iginagastos pag dating sa logistica, dahil ito sa mga materyales na nasa loob ng isang kumpanya. Ang mga gastusin sa isang logistics, isa na doon ang transportasyon, na kung saan ito ang pinaka malaking gastusin pag dating sa logistics. Ang naging producer nito ay kinuha mula sa mbaskool at smallbusiness.com din. Isinagawa itong talaga noong dalawang libo’t labing siyam na taon. Isinagawa ito sa ibang bansa sapagkat doon nakapagtapos ang manunulat dito. Ngunit walang tiyak na lugar na nakasaad sa link na aking napagkuhanan.
ABR Ano Ang pamamahala Sa imbentaryo? Ano ang PINAKAMAHUSAY na SOFTWARE NG Pamamahala NG IMBENTARYO? (Abr 2021) Kahulugan - Mga PLATFORM Ng ecommerce. (2021, April 30). Retrieved June 20,2021,from https://ecommerce-platforms.com/tl/glossar/what-is-inventory-management
Ang link na ito ay nagmula sa isang website na aking nakita. Ang haba ng nilalaman nito ay aabot sa benteng talata. Ito ay mula sa Abr na isinulat nila noong dalawang libo’t dalawang pu’t isa. Na kung saan ipinapaliwanag nito ang mahusay na software na maaring gamitin sa pagsasa-gawa ng pag iimbentaryo. Sa basahing ito, nagbigay din sila ng iba’t iba pang halimbawa ng software na maaring gamitin upang makatulong sa negosyo ng isang tao. Sa pamamagitan nitong akda na isinulat, ay makakatulong ito sa mga negosyante na gustong mas mapa tibay ang kanilang negosyo. Dahil sa pag gamit ng software na ito, maari nilang masuri ang kahalagahan ng impormasyon na mayroon sa produktong meron ang isang kumpanya. Ang naging producer ng site na ito ay ang e-commerce, isinagawa nila ito upang mas makapagbigay sila ng mas madaling basahin para sa mga gustong magbasa ng mga ganitong konteksto. Isinagawa itong talata dito sa pilipinas, ngunit walang tiyak na lugar na nakasaad.
Gawa ni: Alyssa Kirstin B. Bautista
(2021). Tungkulin ng Pamamahala sa Kapaligiran. Retrieved from https://tl.aldagrupo.com/about-6c200e822-role-environmental-management-2a480e0.
Ang sanggunian na ito ay maaaring maganap sa tulong ng Internet. Ito ay makakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng "environmental-friendly" na mga produkto at serbisyo ng mga taong may hilig sa pag ne-negosyo. Walang nabanggit na pangalan kung sino ang may akda ng naturang artikulo ngunit ito ay mababasa sa tl.aldagrupo.com. Ang artikulong ito ay isinapubliko ngayong taong dalawang libo dalawampu't isa. Nabanggit sa artikulong ito ang ISO 14001 na siyang naging batayan kung ang kumpanya ba na iyong sinu-suportahan ay hindi lamang iniisip kung paano kumita ng malaki bagkus ay ang kapakanan din ng ating kalikasan. Binibigyan diin din dito sa artikulong ito ang mga posibleng paraan ng pag-inisyatiba, maging pam-pribado o pampublikong pamamaraan, kung paano maipapakita na mayroong pagmamahal sa kalikasan ang isang organisasyon at kung paano naimpluwensyahan ang mga target na mamimili ng kanilang ibini-benta.
F. John Reh. (2021). Pangunahing Pamamahala ng Proyekto 101: Ano ang Pamamahala ng Proyekto?. Retrieved from https://tl.chalized.com/pangunahing-pamamahala-ng-proyekto-101-ano-ang-pamamahala-ng-proyekto/.
Maaaring makita ang sanggunian na ito gamit ang makabagong teknolohiya at sa tulong ng pag usbong ng Internet. Ang artikulo na ito ay isinulat ni F. John Reh at inilimbag gamit ang elektronikong websayt ngayong taong dalawang libo dalawampu't isa. Si F. John Reh ay isang kilalang manunulat na ang pokus ay nakalinya sa negosyo. Siya ay isang dalubhasa sa pamamahala ng proyekto sa industriya ng Pagnenegosyo. Ang artikulo na ito ay makakatulong na mapalawak ang kaalaman ng mga taong nais gumawa ng proyekto at pananaliksik para sa ikauunlad ng kanilang mga negosyo. Nabanggit dito na ang mga proyekto ay pansamantala lamang, ito ay laging may simula at wakas kaya naman ay kung gagawa ng isang proyekto, dapat paghandaan at pag palanuhan nang mabuti. Ang pamamahala o pangangasiwa ng proyekto ay napaka importante na malaman ng mga negosyante dahil ito ay maaaring maging susi sa mas madaling pag-abot sa kanilang mga layunin. Binigyang diin ng may akda ang mga sangkap ng proyekto tulad ng saklaw, mga pinagkukunan, oras, at pera o badyet. Ang mga ito ay dapat bigyang importansya kapag gagawa ng isang proyekto. Nabanggit din dito ng awtor ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong kaalaman at impormasyon ng mga empleyado ng kumpanya para maisagawa ng maayos ang isang proyekto.
Gawa ni: Charles Kervyn Lee
Santos, T. U. (2011, August 26). Pagpapaunlad ng wika, nakakatulong sa ekonomiya. The Varsitarian. https://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_ekonomiya
Ang akdang naka-lagay dito sa artikulong ito ay makakatulong satin upang mas maunawaan kung ano ang kahalagahan ng wika sa pagpapaunlad ng sariling ekonomiya. Inilalahad nitong akdang ito. Ito ay isang website na nagsasabi ng iba’t ibang magagandang naidudulot ng sariling wika di lang para sa kaalaman ng mga mamamayan para narin sa kaunlaran ng bansa. Ang website ay naglalaman ng humigit labing limang parirala at nilalaman nito ay ang “wika: sandata para sa kaunlaran” at ang “Filipino laban sa Ingles”. Ito ay binigyan buhay ng Unibersidad ng Santo Tomas. Isa sa manunulat nito ay si Leonardo Tejano tagapangulo ng Center for Iloco and Amianan Studies sa Mariano Marcos State University, ang kanyang mensahe para sa Buwan ng Panitikan 2021: Limandaang Taon ng Pagsulat sa Kalibutang Filipino, isang okasyon na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino bilang pagkakaisa sa Buwan ng Panitikan. Ang Akdang ito ay nagawa noong Agosto 26,2011.
Santos, J. (2016, October 12). Ang paggamit ng Wika tungo sa pag-unlad ng Ekonomiya. Tricia Coronel. https://trixiacoronel.blogspot.com/
Ang Nakalahad sa website na ito ay tungkol sa pagkakaisa ng bawat mamamayan tungkol sa wikang Filipino. Pinapakita dito na ito ay nagbibigay daan upang magkaroon ng mas maayos na komunikasyon at pagkakaunawaan ang bawat mamamayan. Hindi lamang ang pagkakaisa ang inihahayag kung hindi ay pati narin ang epekto ng pagkakaisa tungo sa mas maunlad na bayan, Ito ay website o link na pwedeng puntahan ang mas Mabisa ang nakalagay sa teksto. Ito ay naglalaman lamang ng isang pahina at marami itong ipinapahayag na tungkol sa wikang Filipino. Ito ay nagawa ni Jean Santos sa taong 2016 noong ika-labing dalawa ng oktubre.
Gawa ni: Paulyn S. Gripo
Colayco, F. (2013, August 26). Wikang Filipino Para sa Maunlad Na Negosyo: Francisco J. Colayco. https://www.franciscocolayco.com/?p=642
Ang reperensya na ito ay naglalaman ng talumpati ni Francisco J. Colayco na pinamagatang “Wikang Filipino Para sa Maunlad na Negosyo”. Si Francisco J. Colayco ay ipinanganak noong ika-10 ng Oktubre, taong 1944. Siya ay isang negosyante na nakatira sa Pilipinas at pangulo ng Colayco Foundation for Education, Inc. Ang nilalaman ng sangguniang ito ay inilathala mismo ni Francisco noong ika-26 ng Agosto, 2013 upang isapubliko ang nilalaman ng kanyang talumpati na ginanap sa Pamantasang Ateneo de Manila noong ika-20 ng Agosto. Ito ay naglalaman ng pitong (7) talata tungkol sa paksa na wikang Filipino para sa maunlad na negosyo. Tinukoy rito ang kahalagahan ng wika sa pagnenegosyo higit lalo sa paggawa, pakikipag-usap sa kliyente at kasosyo sa negosyo. Ang pagpapahayag ng tiyak at tamang salita sa pakikipag-usap ay daan sa pagkakaroon nang maayos na daloy ng proseso; mas mapadali ang paraan sa trabaho at pagtupad sa tungkulin. Sinabi rito na ang pagpapaunlad ng ating wika ay hindi lamang mairaos ang ating araw-araw na pamumuhay, bagkus upang magkaroon ng epektibong lipunan sa pagresolba ng mga problema partikular sa suportang pinansyal, teknikal, at pangangasiwa.
OPERATOR NG LOGISTICS: MGA PAG-ANDAR AT URI - AGHAM. (n.d.). Retrieved from https://tl.warbletoncouncil.org/operador-logistico-4624
Ang pahinaryang ito ay naglalaman ng isang agham na tumutukoy sa operator ng logistics partikular sa mga pag-andar at uri. Ang link ay may iba’t ibang paksa at isa rito ang pagtalakay sa lohistika. Hindi tinukoy ang pangalan ng gumawa ng link at lugar kung saan isinagawa, gayundin ang petsa kung kailan ito inilathala. Gayunpaman, ang link ay ginamitan ng wikang Filipino upang mas makapagbigay nang malinaw at maayos na impormasyon na makatutulong sa larangan ng akademiko, pagnenegosyo, mga nais matuto, at iba pang may interes sa lohitika. Ang agham ay mayroong isa (1) hanggang apat (4) na talata sa pagpapakilala ng bawat nilalaman nito. Hindi gaanong mahaba ngunit hindi rin gaano kaiksi. Ito ay matatapos basahin sa loob lamang ng sampung (10) minuto kung mas susuriin ang bawat parte. Ito ay naglalaman ng mga paraan kung paano isinasagawa ang pagpapatakbo ng lohistika sa negosyo. Ang lohistika ay ang paraan upang maipadala ang isang produkto nang maayos mula sa isang lokasyon patungo sa iba’t ibang lokasyon. Ang pamamahala nito ay may pangunahing paraan upang maging organisado at maiwasan ang pagkasira ng mga produktong nais ipadala. Halimbawa ng mga nilalaman ng link ay ang pagpoproseso ng order, paghawak ng materyal, pagbalot ng produkto, transportasyon ng mga materyales at produkto, imbakan, at pagkontrol sa imbentaryo.
Gawa ni: Caitlin L. Chua
Warnimont, J. (2021, May 4). “Paano Makahanap ng Pinakamahusay na Mga Supplier ng Wholesale para sa Iyong Online na Tindahan.” Ecommerce Platforms. Retrieved from https://ecommerce-platforms.com/tl/articles/wholesale-suppliers
Ang link na ito ay isang blog na mula sa website na pinamagatang “ecommerce platforms”. Ang artikulong online na ito ay nagbibigay kaalaman sa mga mambabasa tungkol sa mga paraan at impormasyon kung paano makahanap at pagpili ng pinakamahusay na mga supplier ng wholesale para sa isang online na tindahan. Ang may akda ng blog na ito ay si Joe Warnimont. At kanya itong inilathala noong ika-apat ng Mayo sa taong dalawang libo at dalawampu’t isa. Si Joe Warnimont ay isang freelance na manunulat na lumilikha ng mga kasangkapan at mapagkukunan upang matulungan ang iba pang mga manunulat na maging mas produktibo at ipamahagi ang kanilang gawain. Ito ay mababasa sa ecommerce-platforms.com.
Mga tagapag-pahiwatig ng kalidad ng produkto. Pagsusuri ng kalidad ng produkto. decoratex.biz. (2015, September 18). Retrieved from https://decoratex.biz/bsn/tl/new-pokazateli-kachestva-tovara.html?fbclid=IwAR3Grrb4-5tqYxstToSRT7BCL9Y-guXmzADErTsg0piwzKD_O8fLMT_wi_s.
Ang naitalang link ay isang blog post na matatagpuan sa isang website. Ito ay binubuo ng halos sampu (10) hanggang labindalawang (12) talata. Ang buong nilalaman ay medyo may kahabaan ngunit kung ito ay babasahin tiyak na may matutunan ang mga nagpapatakbo ng mga negosyo. Ang naitalang link ay may kinalaman sa pagsusuri ng kalidad ng mga produkto, mga tagapag-pahiwatig nito at mga aspetong teknikal ng isang produktong may kalidad. Walang nakasaad dito sa kung sino ang may-akda ng naturang sanggunian. Ang artikulong online na ito ay nagmula at mababasa sa decoratex.biz. At ito ay inilathala noong ika-labing walo ng Setyembre sa taong dalawang libo at labinglima.



Comments