top of page
Search

Filipino sa Accountancy

  • PCCians
  • Jun 21, 2021
  • 18 min read

Updated: Oct 30, 2021

Ang mga sumusunod na sanggunian ay tumatalakay sa iba't-ibang gawain, ideya, karanasan at pananaw ng samu't saring may akda patungkol sa kursong Pagtutuos. May ilan na nagsiyasat patungkol sa kahulugan ng Accountancy, may ilan din naman na nagsaliksik ng mga dapat malaman ng isang mag-aaral na kukuha ng kursong Accountancy at marami pang iba. Karamihan sa sanggunian na nakalap ay nailathala sa isang website o blog kung tawagin. Samantalang may iilan ding bidyo na makikita sa Youtube. Ito ang naging instrumento ng mga mag-aaral upang mabuo ang kani-kanilang ideya at maipahayag ang kanilang paksa.


Ang buong bilang ng mga sanggunian ay nasa tatlumpu't apat, sapagkat ang labing-pitong mag-aaral mula sa kursong ito ay kinakailangang magbigay ng tig-dalawang sanggunian at naatasang gawan ng isang talata ang bawat link.


Ang grupong ito ay binubuo ng mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Accountancy, mula sa unang antas hanggang ika-tatlong antas sa kolehiyo ng Philippine Cultural College - Quezon City. Binubuo nina Bb. Fritzel Dacallos, Bb. Marlan Larracochea, at Bb. Lovely Dianne Sadicon ang unang-antas. Mula naman sa pangalawang antas sa kolehiyo ay sina Bb. Chari Jane Caranguian, G. Jeffrey Celebran, G. Austin Josh De Leon, Bb. Trisha Mar Dumot, Bb. Johnna Mae Ocson, Bb. Ashley Marrish Olave, at Bb. Jhamela Claire Vizmanos. At ang huli, mula sa ikatlong antas sa kolehiyo na binubuo nina Bb. Cherry Del Asong, Bb. Rhinalyn Billones, Bb. Cherilyn Cauilan, Bb. Christine May Chan, Bb. Via Jean Lacsie, Bb. Jenny Migriño, at G. Jenzlee Ivannil Ong.


Ang mga sangguniang ito ay naglalayong palawigin ang kaalaman at iwasto ang mga haka-haka patungkol sa kursong Accountancy. Ibig din nito na magbigay linaw sa mga katanungang namumutawi sa isip ninuman nang sa gayon ay kahit papaano ay malinawan at masagot ang kanilang mga katanungan. Nais din ng mga mag-aaral na magsilbi itong instrumento o gabay sa mga darating pang henerasyon sa pangangalap ng mga impormasyon na may kinalaman sa nasabing paksa.


Ang mga nakatalang sanggunian ay nabuksan at nabasa ng bawat kasapi ng pangkat na ito simula noong ika-12 ng Hunyo hanggang ika-21 nitong buwan, taong kasalukuyan.


Batay sa pagsasaliksik ng pangkat na ito, hindi man liyamado o buo ang nakapaloob sa mga sanggunian na ito ngunit mapapakinabangan ang mga ito lalong-lalo pa ng mga mag-aaral na gustong pasukin ang kursong Accountancy. Makatutulong din ito sa mga mag-aaral na hindi pa nakakapagdesisyon sa kanilang tatahakin na landas kapag sila ay tumapak ng kolehiyo. Maaari rin pagbatayan o kuhaan ng mga impormasyon ang mga nasabing sanggunian.



MGA SANGGUNIAN



Dacallos, Fritziel


Nakapaloob sa link na ito ang isang pananaliksik na naglalaman ng pananaw ng mga mag-aaral sa St. Michaels College mula sa kursong Accountancy. Umiikot ang pag-aaral na ito sa mga desisyon na maaaring gawin ng mga mag-aaral na nagnanais malaman kung anong kurso ang nais nilang tahakin o kunin sa kolehiyo. Nabanggit sa sulating ito na ayon sa McFadden 2015, mayroong apat na kadahilanan na maaaring makaapekto sa pagpili ng kurso ng mag-aaral gaya ng pinansyal, mga taong nakapaligid sa atin, lokasyon at ang pang-huli ay ang kakayahan natin bilang isang mag-aaral. Samakatuwid, ito ang mga salik na maaaring maging batayan ng isang mag-aaral upang malaman kung may kakayahan bang tapusin ang kursong Accountancy. Bagama’t hindi direktang nakasaad ang eksaktong petsa kung kailan ito ginawa, ang sulating ito ay may dalawang pahina at inilathala ni Christine Gordon sa Academia.



Laman ng link na ito ang isang konseptong papel na mula sa website na Academia at may pamagat na Lengguwahe sa Accountancy: Komparatibong Pananaliksik sa Kahalagahan sa Paggamit ng Wikang Ingles at Wikang Filipino sa Accountancy. Ito ay ginawa ng mga mag-aaral mula sa Mandaluyong High School at naglalayong malaman ang angkop na wika na dapat gamitin sa pag-aaral ng Accountancy sapagkat lubhang mahalaga ito para sa mga magiging Accountant sa hinaharap. Ito ay inilathala sa ilalim ng isang alyas na Nutakuu Illah. Ito ay may dalawang pahina at hindi rin direktang binanggit kung kailan ang eksaktong petsa ng pagkakagawa.




Larracochea, Marlan


Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral na kumukuha ng Accounting sa unang taon. Ang haba ng pananaliksik na ito ay nahahati o umabot hanggang sa tatlong kabanata at labing isang pahina. Ang kabanata una ay naglalaman ng panimula kung saan makikita ang introduksyon, paglalahad ng impormasyon, hipotesis, batayang konseptwal, teoretikal at ilang impormasyon na makakatulong sa mga mambabasa na maintindihan ang kabuuan ng pag aaral. Sa likod ng pananaliksik na ito ay sina Patricia Ana Pama, Rizza Jane Quilla, Joseph Delton Lumayno, Fercival Blancia, Rey Joshua Delfin, at sila ay nag aaral sa Colegio San Agustin – Bacolod. Iniharap nila kay Bb. Jillian E. Suclan ang pamanahong papel na ito.



Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagpapalawak ng kaalaman sa Accounting ng mga mag aaral sa Unibersidad ng San Carlos gamit ang internet bilang pagpapatupad sa isa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay may labing apat na pahina at nahahati sa anim na bahagi. Nakapaloob dito ang introduksyon, layunin ng pag aaral, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon, depinisyon ng mga terminolohiya, at mga kaugnay na pag aaral at literatura. Sa likod ng pananaliksik na ito ay sina Princess Mae Bilangantol, Mark Jay Bragat, Mary Ann Gabucan, Princess Leigh Loyloy, Charis Nioda, Joanne Oclinaria at Denielle Faye Suello. Nagawa at natapos ang pananaliksik na ito noong Marso 2016 at iniharap kay Gng. Jennifer Nadela Inez , ang kanilang propesor sa asignaturang Filipino 12.





Sadicon, Lovely Dianne


Ang inyong mapapanood ay may pamagat na “Wikang Filipino sa Larangan ng Accountancy”. Ito ay isang bidyo o vlog patungkol sa estado ng paggamit ng wikang Filipino sa disiplinang Pagtutuos at may layunin ding matuklasan ang mga dahilan kung bakit kulang o bihira ang mga salitang ginagamit sa negosyo o sa nasabing larangan na isinalin sa wikang Filipino. Ito ay nilikha ng isang pangkat ng mga mag-aaral mula sa kursong Pagtutuos at tinawag nila ang kanilang grupo bilang “TOMGUTSANGGUNIAN”. Bahagi ng nasabing pangkat ang mga sumusunod; Kristoffer Beltran, Sherleen Ong, Juleane Buenaventura, Alexandra Supe at Sophia Olalia. Ang kanilang nilikhang video ay inupload ni Juleane Buenaventura sa kaniyang sariling Youtube channel noong ika-16 ng Setyembre, taong 2018. Ang bidyo ay may habang labinlimang minuto at walong segundo. Laman nito ang iba’t-ibang opinyon ng mga mag-aaral na kanilang nakapanayam gayundin ang mga sangguniang nakalap ng kanilang pangkat. Bilang paglalagom, isiniwalat nila na bawat isa sa kanila ay nahirapan na makakalap ng mga sulatin patungkol sa larangan ng Pagtuturo na nakasalin sa wikang Filipino. Inihayag din nila na hindi karaniwang ginagamit ang wikang Filipino sa mga sulating may kinalaman sa Pagtutuos sapagkat maraming mga terminolohiya o jargons na nakapailalim sa nasabing disiplina.



Ang dokumentong ito ay hindi direktang pinamagatan ngunit naglalaman ng isang pananaliksik patungkol sa mga maaaring maging epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa kursong Pagtutuos. Layunin din ng pag-aaral na ito na makatulong sa mga guro at maging sa mga mag-aaral upang mas lalo nilang maintindihan ang mga katanungang nakalahad sa wikang Ingles na may kinalaman sa nasabing disiplina. Bagama’t hindi nakasaad ang eksaktong mga pangalan ng mga mananaliksik, gayundin ang iba pang mga detalye gaya ng kung kailan ito ginawa, ito ay inupload sa Scribd ng isang Ricky Lloyd Terrenal noong ika-27 ng Agosto, taong 2019. Ang sulatin ay may labing-isang pahina na naglalaman ng iba’t-ibang bahagi ng isang pananaliksik.





Caranguian, Chari Jane


Ang sulating ito na inilathala sa isang blogspot ay tungkol sa Wikang Filipino sa negosyo at industriya. Ito ay isinulat ni Arleen Carmona mula sa Pambansang Unibersidad ng Bulacan noong Hulyo 4, 2020. Ang sulating ito ay may kahabaan at nagsasabi na hindi magiging wika ng lahat sa bayang ito ang Kastila. Sapagkat habang iniingatan ng isang bayan ang kaniyang wika, mapag iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kanyang kasarinlan at pagpapanatili ng kanyang sariling paraan ng pag-iisip.


Ang link na ito ay tungkol sa “Pagpasok ng Wikang Filipino sa mundo ng Komersyo” at ito ay inihanda nina: Arvi Gaile M. Baño, Kenneth Egrubay, at Grace Ann Bernadette R. Macuha noong ika-tatlo ng Setyembre taong 2015. Ang sulating ito ay may kahabaan at layunin ng mga naglathala na maiparating sa mga mambabasa ang dapat na katayuan ng wikang Filipino sa bansa. Bukod pa rito, nais nilang kumbinsihin ang mga pagawaan, pabrika at iba pang mamumuhunang Pilipino na ang wikang Filipino ang pinakamainam na lenggwaheng maaaring gamitin sa pakikipag negosyo. Higit sa lahat, ang patuloy na mapag-yaman ang sariling wika sa moderno at kasalukuyang mundo ng komersyo sa bansa. Ang mithiin nila ay maipakita at ipaalam sa mga mambabasa ang kahalagahan ng gamit ng wikang Filipino sa tuwing tayo ay nagtatrabaho dito sa pilipinas.





Celebran, Jeffrey T.


Ang link na ito ay naglalaman ng isang mahabang sulatin tungkol sa ilang mahahalagang impormasyon sa larangan ng accounting maging ang ilang pagsasalarawan sa iba’t-ibang libro na ginagamit sa nasabing larangan. Ito’y tungkol sa isang akda na pinamagatang “The Philippine Financial Reporting” na isinulat nina Propesor Patricia M. Empleo, PHD at Propesor Nenita S. Robles, PHD na isinalin sa wikang Filipino ng isang pangkat ng mag-aaral na nag-aaral sa larangan ng Accountancy na sina Angelika Marie D.C. Dumling, Dianne Nicole N. Hilario, Issey Andrea S. Mendoza, Krista Mae R. Romales, at Sofia Louise A. Ronquillo na siya ring mga naglathala ng sulatin na ito.



Ang link na ito ay naglalaman ng maikling sulatin tungkol sa pag organisa ng pagtuturo ng Basic Accounting para sa mga may maliit na negosyo maging sa mga nagsisimula pa lamang bumuo ng sariling pangkabuhayan ngunit walang kaalaman sa larangan ng Accounting na siyang importante sa pagpapatakbo ng negosyo. Isinulat ito nina Andrea Castro at Maicca Manalo at inilathala noong Huwebes, ika-20 ng Agosto taong 2015.





De Leon, Austin


Ang link na ito ay naglalaman ng isang bidyo na matatagpuan sa isang sikat na plataporma, ang Youtube. Nakapaloob dito ang mga kaalaman tungkol sa trabaho ng isang Certified Public Accountant (CPA). Ito ay may habang anim na minuto at ginawa ito ni Cesar na isang CPA na naninirahan sa Pilipinas noong ika-5 ng Hunyo taong 2020.



Ang sanggunian na ito ay naglalaman ng isang bidyo na nagsasaad ng mga impormasyon kung saan ibinabahagi ng isang CPA ang mga dahilan para kumuha ng kursong Accounting at ang kahalagahan nito. Ang video ay may habang mahigit kumulang na apat na minuto at ito ay inupload noong ika-20 ng Enero taong 2020 ni Prof A na isang propesor at CPA sa ilalim ng kanyang channel na may pangalang D’Filipino Accounting.





Dumot, Trisha Mae


Ang link na ito ay naglalaman ng mga detalye tungkol sa usapin ng paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng Accountancy. Ito ay mahabang tinalakay ni Sofia Rodriguez noong ika-11 ng Nobyembre taong 2000. Prezi ang tawag sa website na pinag-lathalaan ng sulating ito noong araw din na iyon.



Ang link naman na ito ay naglalaman ng isang artikulong tumatalakay sa mga maaaring kaharapin ng mga nasa propesyong Accounting. Ang partikular na sulating ito ay walang binanggit na impormasyon patungkol sa may akda gayundin sa petsa at taon kung kailan ito isinagawa. Ito ay may katamtamang haba na salaysay ukol sa usaping nabanggit.





Ocson, Johnna Mae Dahon


  • https://www.coursehero.com/file/93253881/pamanahong-papel-para-sa-mga-kumukuha-ng-kursong-accountancydocx

Ang matatagpuan sa link na ito ay isang artikulo. Ito ay isang teksto kung saan ipinakita ng mga ang kanilang pananaw sa isang tiyak na paksa at, ito ay nagmula din sa iba’t-ibang website na kanilang kinuhaan ng impormasyon. Pangangatwiran pangunahing retorika na ginamit sa mga teksto na ang katangian ay ipaalam at akitin ang mambabasa sa isang paksa. Ito ay may disisyete na pahina at ito ay bahagi ng isang mas malaking sanaysay. Ito ay may magandang ideya ng pagsasaliksik, upang madaling maabot ang lahat ng kaugnay na impormasyon. Ito ay tungkol sa epekto at dahilan ng pagkabalisa ng mga mag-aaral na nasa unang baitang na kumukuha ng kursong Pagtutuos. Nais din nito na malaman ang mga dahilan kung bakit nakakaranas ang mga estudyante ng matinding emosyon sa pag-aaral ng Accountancy na tinatawag na pagkabalisa. Ang nasa likod ng akdang ito ay ang mga mag-aaral na nasa ika-tatlong taon sa kolehiyo ng Edukasyon mula sa Pambansang Unibersidad ng Negros Oriental. Ayon sa kanila, ang pag-aaral na ito'y makakatulong sa mga mag-aaral upang mas maunawaan ang nasabing disiplina. Inilathala ang akdang ito sa Course Hero noong ikalawang semestre taong 2017 at 2018.



Ang link na ito at ang mga detalyeng nakalahad dito ay mula isang website. Ang gumawa ng madisenyong akdang ito ay si Binibining Christle Guevarra. Siya ay isang Certified Public Accountant at marami na rin siyang nagawang artikulo katulad ng “Prestihiyosong Banko ng Bansa” at “Buhay ng isang Accountancy Student”. Inilathala ang kanyang akda sa Wordpress noong ika-26 ng Enero taong 2016. Ang sulating ito ay may haba na tatlong talata kung saan layunin nitong makapagbigay ng oportunidad sa mga mambabasa na malaman ang kanyang opinyon tungkol sa kursong Pagtutuos. Ito rin ay nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon para sa mambabasa na nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik.





Olave, Ashley


Ang nilalaman ng link na ito ay isang bidyo tungkol sa mga bagay na dapat malaman bago mag-enrol sa kursong Accountancy. Ang bidyo na ito ay gawa ni Bb. Filipinas Macapagal o mas kilala sa tawag na Phines, isang Pilipino at Accounting student. May haba itong pitong minuto at nailathala ito noong ika-21 ng Hulyo 21 taong 2020.



Nakapaloob sa link na ito ang isang bidyo tungkol sa CPA board exam. Ipinapahayag ni Propesor Maria Teresa Mapue-Corrales o mas kilala sa tawag na Ma'am Terry ang kanyang saloobin tungkol sa paksang "Bakit maraming bumabagsak sa CPA board exam". Si Ma'am Terry ay isang CPA, Juris Doctor, at isang Propesor na nagtuturo ng Basic Accounting at Taxation. Ang haba ng naturang bidyo ay limang minuto at nailathala ito nito lamang Enero 16, 2021.





Vizmanos, Jhamela Claire


Ang blog post na ito ay nailimbag noong ika-25 ng Marso taong 2019 na mula kina Fernando, Mikaella, Leonido, Jasmin, Macawadib, Jr., at Morato, Charles.Ito ay naglalaman ng dalawang kabanata at konklusyon sa dulo, ang unang kabanata ay naglalaman ng tatlong talata at isang talata ang ikalawa. Nakapaloob sa akdang ito ang isang pagsasalin at mabilisang pagpapaliwanag tungkol sa larangan ng Accountancy at nagbigay diin sa Merchandising business. Tila isang rebyu na rin ang blog na ito tungkol sa akda na kanilang isinalin sa wikang Filipino. Ang impormasyong nakapaloob dito ay impormatibo at maasahan sa mga naghahanap ng gabay hinggil sa paksang ito.



Sa blog post naman na ito ipinakilala ng manunulat na si Irish Joy ang kursong Accountancy sa pamamagitan ng paglalarawan dito. Sa loob ng maiikling limang talata ay natalakay rin ang iba’t ibang larangan na naka-pailalim dito gaya ng Financial Accounting, Management Accounting at iba pa. Mabilis at komprehensibo ang pagkakatalakay sa paksa. Ito ay nailathala noong ika-2 ng Pebrero taong 2016 sa Wordpress.





Asong, Cherry Del


Nakapaloob sa link na ito ang isang blog na kung saan malayang nakapag lahad ng sariling opinyon ang may akda. Ito ay naglalaman ng apat na paksa kung kaya’t hindi ganun kahaba upang hindi matapos sa loob ng isang oras. Ang akda ay may pamagat na “Kontribusyon ng Propesyonal sa Accounting sa lipunan - accounting - 2021” ngunit hindi binanggit kung sino ang may akda, kung saan at kailan ito ginawa o kung sino ang naglathala nito. Gayunpaman, ang blog ay tungkol sa mga saklaw at kontribusyon ng propesyonal sa Accounting para sa paglago ng lipunan kung saan ang isang pampublikong accountant, bilang isang propesyonal at tagapamahala ng lipunan ay dapat kumuha ng mga prinsipyo at mga patakaran ng pag-uugali na nakakabit sa aktibidad ng Accounting.



Ang nasa link ay isang bidyo na mapapanood sa isang sikat na plataporma, ito ay ang Youtube. Ang bidyo ay isang mahalagang gamit para sa isang malikhaing pananaliksik. Ito ay maaaring gamitin upang makakalap, makagulat, at mai-bahagi ang mga impormasyon sa mas maraming populasyon. Sa kasalukuyan, ang bidyo ay isa na sa pinakamahalagang gamit sa panlipunang pananaliksik. Ang patuloy na paggamit ng bidyo sa araw araw na pamumuhay ng tao, maging ang mga institusyonal na gawain at ang pampublikong kapaligiran, ay nagbibigay daan sa mga mananaliksik na makakuha ng mga bidyo ng natural na nagaganap. Ang bidyo ngayon ay mas madalas na ginagamit ng mga mananaliksik na interesado sa multimodal na karakter ng interaksyon na nagaganap sa lipunan at ginagamit upang mapag-aralan ang kultural na aspeto ng buhay. Ito ay may pamagat na “Wikang Filipino, handa na nga ba bilang wikang panturo sa Accountancy?” na may haba na labing-apat na minuto at tatlongput-tatlong segundo. Ang bidyo ay inupload ni Nicole Lapuz (username) noong ika-19 ng Disyembre taong 2019. Ang bidyo ay tumutukoy sa kung ano ang kaugnayan ng Wikang Filipino sa pag aaral ng kursong Accountancy at kung ano ang mas mainam gamitin na lengguwahe, ang wikang Ingles ba o ang wikang Filipino.





Billones, Rinalyn A.


Ang midyum na ginamit upang ito ay mailathala ay katulad lamang sa mga ibang nabanggit kung saan ito ay nakapaloob sa isang website. Sa pamamagitan nito ay malayang nakapaglalathala ang isang taong may nais ibahagi na kaisipan, at sa kabilang banda naman nito ay ang pagkakaroon ng kakayahan ng bawat isa na makita at mabasa ang nasabing akda. Ang akdang aking tinutukoy ay may tatlong talata na hindi pantay-pantay ang haba. Sa kabuuan, masasabi kong ito ay halos hindi tatagal ng isang oras kung iyo mang babasahin. Mula sa pamagat nitong, "Problema ng studyante sa kursong Accountancy sa paaralang Holy Angel University", mababatid agad na ang konteksto ay umiikot sa pagsasalaysay ng mga problema at suliraning kahaharapin ng isang mag-aaral na piniling tahakin ang mundo ng isang tagatuos. Layon din nitong magsilbing paalala sa mga mag-aaral ng Holy Angel o sa kung sino mang nakararanas ng parehang sitwasyon, na sa kursong Accountancy ay hindi mawawala ang mga suliranin. Laging mayroong magiging balakid sa pagtupad ng titulong pinakaasam, ang pagiging Certified Public Accountant. Gayunpaman, laging pakatatandaan na ang lahat ng iyon, katulad ng “Qualifying Exam” ay maituturing na isang pagsubok lamang sa ating kakayahan at hindi kalauna’y magsisilbi ring gabay tungo sa tagumpay. Ang may akda nito ay isang blogger na nagtatago sa titik panulat na TRICIATEGIO626. Sa aking pananaliksik, halos walang naitalang impormasyon tungkol sa lumikha. Subalit, aking napag-alamang bukod sa nasabing akda, siya rin ay nakapagtala ng dalawa pang likha na may pamagat na, “Ang Limang Piso ng Pilipinas” at “Trabahong maaaring mahanap ng isang Accountant”, na siya ring nakatala sa isang pook-sapot na Wordpress sa parehong araw noong ika-29 ng Enero taong 2016. Sa kadahilanang ito ay nakasulat sa lengguwaheng Filipino ay nahihinuha kong ito rin ay isinulat sa Pilipinas ngunit hindi tiyak ang lugar na pinagmulan.



Ang midyum na naging instrumento sa paglalarawan ng talakayin na nasa link ay isang website o mas kilala bilang blog. Sa pamamagitan nito ay malayang nakapaglalathala ang sinuman ng kanilang opinyon, kuro-kuro o ideyang namumuo sa kanilang isipan. Sa tulong din nito ay naibabahagi nila ang mga ideya hinggil sa isang paksa na hindi maikakaila na may kabuluhan. Ang akdang aking tinutukoy ay binubuo ng limang talata. Masasabi kong ito ay may sapat na haba na maaaring matapos basahin sa iisang upuan lamang at hindi halos tatagal ng isang oras. Ang blog na ito ay pinamagatan na "Ang Bachelor of Science in Accountancy at Ang Bachelor in Science in Accounting Technology", na naglalayong palawigin at linawin ang pagkakaiba ng dalawa. Bukod sa pagkukumpara ng dalawang programang nabanggit, ay inilahad rin ng may akda ang tiyak na kahulugan ng bawat isa upang mas lalong maintindihan ang tunay nitong pinupunto. Ang artikulong ito na nailathala sa isang website ay nilikha ng isang tao na nagtatago sa kanyang titik panulat na christinejoyb. Ayon sa aking pananaliksik tungkol sa may akda, napag-alaman kong siya lamang ay nasa edad na labing anim no'ng taong isinulat niya ang akda. Sadyang siya ay nabiyayaan ng kakayahan at husay sa larangan ng pagsulat. Sa katotohanan, may iilang mga obra pa nga siyang ginawa na hindi nalalayo sa nauna na may pamagat na, "Ang Buwis" at "Ang Buhay ng Isang Accountancy Student". Ang akdang ito ay inilathala sa ilalim ng Wordpress noong ika-19 ng Enero taong 2016 dito sa Pilipinas. Ngunit ang hindi ko lamang batid ay ang tiyak na lugar kung saan namalagi ang may akda ng ito ay kanyang inilathala para sa madla.





Cauilan, Cherilyn


  • https://jasfilbas.wordpress.com/2016/01/26/ano-ang-accountancy/?fbclid=IwAR1JLAn28VU3QI_FrJqCZN56gdUeP74mVT63QgUeWZ3l8Jg9ysj7jpwgwVY

Ang nilalaman ng link ay mga impormasyon na tumatalakay sa tanong na “Ano ang Accountancy?”.Ito ay may haba na tatlong talata at matatagpuan sa isang website. Ang layunin nito ay makapagbigay ng impormasyon para sa mga taong nagnanais na mag-aral o interesadong mangalap ng kaalaman tungkol sa kursong accountancy.Ang may akda ay si Jasmine o mas kilala sa kanyang larangan bilang “Jasblogs”.Ang kanyang mga akda ay matatagpuan sa wordpress.com,inilathala ang kaniyang blog na may kaugnayan sa nabanggit na kurso noong ika-26 ng Enero, 2016.



Inilalahad sa sulating ito ang kahalagahan ng disiplinang Accountancy lalo na sa larangan ng pagnenegosyo, ipinaliwanag din ng may akda ang bawat mahahalagang termino at iba’t ibang sangay na nakapaloob sa kursong nabanggit. Ang kursong akawnting at ang mga taong nasa likod nito ay may mahalagang gampanin at layunin upang maitala ang tamang resulta sa bawat pagtala ng transaksyon sa mga negosyo sapagkat sila ang mga daan at susi sa pag-unlad ng iba’t-ibang negosyo na may malaking epekto sa pag-unlad ng isang bansa. Ito ay pinamagatang “Accountancy” at isinulat ni Beatrice Marcelo noong ika-31 ng Enero taong 2016 na may haba lamang na dalawang talata. Ito ay matatagpuan sa isang website o sa isang tiyak na blog na nakalagay sa Wordpress na siyang prodyuser ng akda.





Chan, Christine May T.


Ang nakapaloob sa link na ito ay isang blog na tumutukoy kung bakit importante ang Accounting sa buhay natin at kung paano natin ito isasabuhay. Itong post ay hindi gaano kahaba at nagbibigay linaw agad ito sa mga mambabasa kahit na hindi nila tinatahak o inaaral ang Accounting sa kadahilanan na gumamit ang tagasulat ng mga salitang madaling intindihin at hindi paligoy-ligoy. Ang nagsulat ng post na ito ay nakatago sa pangalang “TAMMALLARICPA”. Bagama’t mahirap pag-aralan ang Accounting, inihalintulad niya ito sa buhay ng isang tao na kung saan hindi maiiwasan na may mga mabibigat na pagsubok tayong kinakaharap. Nagbigay inspirasyon ang blog na ito sa karamihan na huwag sumuko at magpatuloy lang sa buhay at sa tinatahak na pangarap. Itong post ay ginawa noong ika-28 ng Enero taong 2016.



Ang talatang ito ay tumutukoy sa isang blog na nagbibigay kaalaman kung sino ba talaga ang mga accountants o tagatuos, kung gaano sila kahalaga sa pag-unlad ng bansa at sa larangan ng mga negosyo at komersyo. Ayon sa ulat, binigyang importansya ng tagasulat ang mga accountants dahil sa angking pagsisikap ng mga ito na mag-aral at makamit ang titulong Certified Public Accountants o mas kilala sa tawag na CPA. Sa pagsisikap na ito nasa mga accountants nakasalalay ang pag-unlad ng Pilipinas, sa kadahilanan na sa kanila nakabase ang pag-aayos at ang pagkakalkula ng mga perang pumapasok o lumalabas sa operasyon ng isang bisnes. Ang sumulat ng akda na ito ay nakatago sa pangalang “sapangkrisha”. Ginawa ang post na ito noong ika-30 ng Enero taong 2016.





Lacsie, Via Jean


  • https://tl.businessemt.com/37-about-4679149-purpose-accounting-l-32993

Ang sanggunian na ito ay naglalaman ng kaalaman at impormasyon ukol sa layunin ng Accounting at ang importansya nito. Ang Accounting ay isa sa pundasyon ng lahat ng uri ng negosyo maliit man o malaki. Gumagawa ka ng mga plano sa pananalapi para sa hinaharap, at ang iyong panghuling layunin ay ang magkaroon ng isang ligtas na pampinansyal na hinaharap. Ang mga Accountant ay palaging nagsusumikap upang mapanatili at mapalago ang kalusugan sa pananalapi ng isang kumpanya. Ang pagpaplano sa pananalapi ay sumasaklaw sa iba't ibang mga paksa tulad ng pamumuhunan, mga layunin sa pagtitipid, pagsusuri, pamamahala ng utang, at kakayahang kumita.Batay sa aking nabasa, isa rin sa layunin ng Accounting ay ang makatulong para sa paggawa ng mabibigat na desisyon sa isang negosyo. Ang mga Accountants ay ang humahawak, nag aaral at umintindi ng mga dokumentong pinansyal na dapat unahin ikonsidera bago gumawa ng desisyon pampinansyal. Ang kaalaman ng mga propesyonal na CPA ay ang kailangan ng mga kliyente upang maisaayos ang mga desisyon na ang kaakibat ay mahalagang parte ng kanilang negosyo. Ang layunin ng Accounting ay isang napaka importanteng bagay at propesyon. Ito ay inuukulan ng matinding pagsasanay, at pag aaral. Ang artikulo na ito ay naglalaman ng tatlong paksa na kumakatawan sa layunin ng Accounting. Ito ay ginawa sa ilalim ng businessemt sa kasalukuyang taon ngunit hindi naisulat ang eksaktong petsa, gayundin ang pangalan ng naglathala nito.



Ang midyum na ginamit sa pagpapabatid nitong impormasyon ay isang website o blog. Ito ay isang instrumento na kung saan malayang nakapagpapahayag ang bawat isa na may nais ibahaging kaisipan. Ang akdang aking tinutukoy ay binubuo ng tatlong talata na hindi gaano kahaba kaya naman mabilis lamang itong matatapos kung iyong babasahin. Ang akdang ito ay pinamagatang "Ang kursong Accountancy", na nais lamang magbigay ng karagdagang impormasyon patungkol sa kurso. Hindi lamang kahulugan ang nakapaloob dito bagkus ay mga paglalarawan sa isang tagatuos at sa mga gawain nito. Inilathala ang akda sa ilalim ng Wordpress noong ika-26 ng Enero taong 2016 dito sa Pilipinas sa panulat ng isang taong nagtatago sa titik panulat na azelkate.




Migrino, Jenny


Ang nakapaloob sa link na ito ay isang blog. Ito ay binubuo ng tatlong talata kung kaya't hindi ito labis na mahaba kung babasahin. Karaniwan itong naglalaman ng mga mainit na usapin o diskusyon partikular na sa isang propesyon na labis na pinag-uusapan ng karamihan ngayon. Sa pamamagitan din nito, mas naipapahayag ng awtor ang kanyang sariling opinyon o saloobin sa isang paksa. Nakakapagbigay din ito ng karagdagang impormasyon sa isang indibidwal na nagugulumihanan pa rin tungkol sa isang paksa. Ito ay pinamagatang, "Accounting: Ano ang Layunin?", na tumatalakay sa layunin ng Accounting at iba pang may kaugnayan dito. Bukod pa riyan, nakapaloob din dito ang proseso ng Accounting at kung paano ito isinasagawa. Pinaliliwanag din ang kahalagahan nito sa larangan ng negosyo, kumpanya, tao, at iba pa. Ang nasabing blog ay isinulat ni Charl Lozano. Siya ay isang kilalang awtor ng iba't-ibang paksa sa isang kilalang website na kung tawagin ay Wordpress. Isinulat ito noong ika-26 ng Enero taong 2016.



Ang inyong mababasa mula sa nakalagay na link ay isang sanaysay. Ang titulo nito ay "Ang Propesyon ng Accountant sa Aking Buhay" at naglalaman ng mga karanasan, obserbasyon, at mga kahalagahan nito sa trabaho. Ito ay may kahabaan kung talagang babasahin at uunawain ng maigi. Tampok dito ang mga paksang tungkol sa Accountancy na kurso tulad ng lamang ng depinisyon,bentahe at sa trabaho, katangian para sa propesyon, paraan kung paano makuha ang isang propesyon, at kung paano magsimula. Nakapaloob din sa sanaysay na ito ang iba't-ibang maaaring modernong propesyon ng isang accountant sa hinaharap, gawain ng isang ekonomista, at iba pa. Ito ay isinulat ni Shabalina Vlad, isang mag-aaral sa isang pribilehiyong paaralan na GBOU RH SPO ChMTT. Walang karagdagang impormasyon ukol sa may akda ng nasabing sanaysay. Ito ay isinulat noong ika-19 ng Nobyembre taong 2019. Walang espisipikong lugar na nabanggit kung saan ito ginawa ngunit ito ay nailathala sa publiko sa isang website (link na nakalagay) na matatagpuan sa Pilipinas at ibang bansa (kung saan nakapaloob ang tunay na gawa ng may-akda).




Ong, Jenzlee Ivannil


Ang link na ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang listahan ng “ 10 Nangungunang Mga Pinakamahusay na Unibersidad sa Asya”, gayundin ang kanilang mga pangalan, lokasyon, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Bagama’t hindi direktang pinamagatan, ito ay isinulat noong ika-6 ng Hunyo 6 taong kasalukuyan. Binanggit sa nasabing post na ang Accounting ay isang paksa na may kinalaman sa lahat ng negosyo at ang accounting at pananalapi ay mabuting paksa upang pag-aralan kung interesado ka sa negosyo. Ang pinakamahusay na mga institusyon sa Asya na maaaring pag-aralan ng kursong Pagtutuos ay isa-isang tinalakay sa artikulong ito. Ang lahat ng mga institusyong nabanggit para sa Accounting at pananalapi ay tinaguriang pinakamahusay dahil nagbibigay sila ng mataas na de-kalidad ng edukasyon at isang kaaya-ayang kapaligiran sa mga mag-aaral. Bilang karagdagan, ang lahat ng mga institusyong nabanggit ay nagbibigay rin ng mga degree na bachelor at master sa accounting. Matapos basahin ang sanaysay na ito, makakagawa ka ng isang matalinong desisyon tungkol sa kung saan angkop o magandang mag-aral ng Accounting sa Asya.



Ang link na ito ay kinapapalooban ng mga impormasyon mula sa isang blog tungkol sa mga maaari mong gawin, tandaan at isaalang-alang upang tiyak na makakuha ng posisyon sa trabaho na Accounting. Ang blog ay pinamagatang “Mga Tanong sa Pakikipanayam para sa Mga Accountant” at ito ay inilathala noong ika-12 ng Hunyo taong 2021 ng hindi nagpakilalang awtor. Nakasaad sa blog na dahil sa malaking bilang ng mga nagtapos ng Accounting at mga propesyonal na accountant, ang kompetisyon sa sektor ay tumataas. Kapag isinumite mo ang iyong aplikasyon para sa isang gustong posisyon sa accounting, hindi ka ginagarantiyahan nito agad ng trabaho. Sa halip, dapat mong makuha ang mahahalagang kakayahan pati na rin ang tamang paghahanda sa pakikipanayam. Nangangahulugan na ang paggugol ng oras upang isaalang-alang ang mga katanungan sa pakikipanayam sa Accounting ay makakatulong sa iyo upang mas mapaghandaan ito. Katulad ng naunang blog hindi rin nabanggit kung sino ang may akda at wala ng ibang impormasyon na nakasaad tungkol sa kanya.


 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2021 by PCCians

Site is designed and managed by Sean Santos

bottom of page