top of page
Search

Filipino sa Hospitality Management

  • PCCians
  • Jun 20, 2021
  • 5 min read

Updated: Jun 21, 2021

Ang Hospitality Management ay isa sa mga kursong napapanahon ngayon kung saan maraming oportunidad ang naghihintay para sa mga estudyanteng kumukuha nito kaya naman ang iba ay kyuryos at may mga katanungan kung ano nga ba ang kursong ito dahil hindi rin maiiwasan ang mga maling kuro kuro ng tao tungkol dito. Layunin ng sanggunian na ito na magbigay ng impormasyon para sa mga estudyanteng nagnanais na kumuha at kasalukuyang kumukuha ng kursong ito na kung saan na pagtipon na ang mga sanggunian na nagbibigay ng easy access sa kanila . Ito ay binubuo ng 10 sanggunian at link na naglalaman ng iba't ibang impormasyon na nanggaling sa pananaliksik, website at artikulo na maaaring makatulong at makasagot sa mga katanungan ng mga estudyante at personalidad na nagnanais mag trabaho sa industriya ng Hospitality. Ito ay nilikha ng mga estudyanteng nagmula paaralan ng Philippine Cultural College na kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Hospitality Management, binubuo ng 5 miyembro na sina Jassen Mae Osuyos, Billy Joe Dela Cruz, Julia Marie Dela Cruz, Leirajen Bautista at Joshua Moncada. Nagumpisa ang mga estudyanteng ito na mangalap ng mga site at link noong ika- labing pitong araw ng Hunyo 2021 at huling binuksan noong ika-dalawangpung araw ng Hunyo sa parehas na taon.



MGA SANGGUNIAN



Ang sanggunian na ito ay ginawa ni Jassen Mae Osuyos


Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Persepsyon ng mga Estudyanteng Kumukuha ng Programang Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management Tungkol sa Posible nilang Maging Trabaho Pagkatapos ng Pag-aaral. Ito ay ibinahagi sa pamamagitan ng isang presentasyon gamit ang pahinarya na Prezi.com na binubuo ng tatlongpu’t pitong slides upang mas mailatag ang konsepto ng pag aaral na ito. Ito ay naglalaman ng mga impormasyon katulad ng mga trabahong maari nilang pasukan pagkatapos ng pag aaral, katangiang dapat taglayin ng isang nagtapos sa programang BS HM para makapasok sa trabaho na ninanais pasukan at ang magiging epekto nito sa trabaho na makukuha kapag nagtataglay sila ng magandang katangian. Ang pananaliksik na ito ay iprenesenta noong Marso 5, 2014 nina Melquiades Furto at Garreth Owyne Antonio na siya ring nag publish nito. Maaring pindutin ang link na nasa ibaba upang mapunta sa pahinaryang nabanggit.



Ang pahinaryang (website) ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa pinakamahusay na paaralan para sa pamamahala ng hotel nitong 2021 na maaring makatulong para sa mga estudyanteng nagnanais na kumuha ng kursong Bachelor of Science in Hospitality Management. Binanggit din dito kung gaano katagal aabutin upang makakuha ng degree sa kursong ito at ang maaring maging straktura ng sweldo kung ikaw ay nagtatrabaho sa isang hotel. Kung nais ng isang estudyante na magkaroon ng isang magandang karera sa industriyang hospitality dapat lamang na makahanap ng isang paaralan na makakatulong sa paghubog ng kakayahan at karunungan. Ito ay ginawa noong Mayo 5, 2021 ng Tourism Scholarship sa pahinaryang worldscholarshipforum.com. Maaring pindutin ang link na nasa ibaba upang mapunta sa pahinaryang nabanggit.





Ang sanggunian na ito ay ginawa ni Billy Joe Dela Cruz


Ang paksang ito ay isang artikulo at ito ay naglalaman ng dalawang pahina. Ang artikulong ito ay tumutukoy kung ano ba talaga ang magiging trabaho nang isang taong nagtapos ng kursong HM (Hospitality Management). Isinasaad dito ang mga propesyon o sangay ng Hospitality Industry na maaaring pagpilian at mapasukan pag ikaw ay nakapagtapos sa kursong itp. Ang may akda nito ay si Aysa Baw. Siya ay kasalukuyang naninirahan sa bansang Maldives.Siya ay isang hotelier, story-teller,free diver, manunulat at mahilig sa mga puno ng palma at sa simoy ng karagatan. Sumusulat siya tungkol sa kanyang mga karanasan sa industriya at sa kanyang karanasan sa ilalim ng tubig. Ang artikulong ito ay ginawa noong ika-23 ng Setyembre, 2012. Maaring pindutin ang link na nasa ibaba upang mapunta sa pahinaryang nabanggit.



Ang paksang ito ay isang artikulong pananaliksik at ito ay naglalaman ng isang pahina. Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-aaral ng kursong HM o Hospitality Management. Isinasaad dito maraming tao ang mahilig sa kursong HM sa ating bansa dahil in demand ito at higit sa lahat ay kapakipakinabang dahil marami pwedeng mapasukan ng trabaho sa industriyang ito. Ang may akda nito ay si Cuitan Dokter. Siya ay isang mananaliksik at manunulat. Ang artikulong ito ay ginawa noong ika- 12 ng Hunyo, 2021. Maaring pindutin ang link na nasa ibaba upang mapunta sa pahinaryang nabanggit.





Ang sanggunian na ito ay ginawa ni Joshua Moncada


Ang sangguniang Ito ay naglalaman ng tungkol sa kahalagahan ng wikang filipino sa kolehiyo at sa kursong hospitality management. Ayon sa pahayag na Ito and industriyang "Tourism and Hospitality Management" ay tumatalakay dilang sa isang sector o sa sariling bansa lamang kundi pang malawakan o pang buong Mundo.


At bilang mag-aaral sa sektor na Ito ay maipapamalas din natin ang ating pinagmulan,cultural, kayamanan Ng wika, at pag-aalay dito upang magkaroon ng kalayaan sa ating sariling wika.


Ang may akdang Ito ay nagngangalang Vera reyes, ibinahagi Ito noong April 2021, at Kung nais mabasa ng kabuuan ay nasa ibaba lamang ang information.



Ang sangguniang ito ay tumatalakay tungkol Kung gaano kahalaga ang wikang Filipino sa larangan pag-aaral ng Bachelor of Science in Tourism Management. At tinatalakay din rito ang pagpapahalaga ng isang estudyante sa kanyang kinamulatan na wika na may kaugnayan sa kanyang kurso na Turismo, ayon sa kanya bilang isang mag aaral na nag aaral sa kolehiyo, karapatan nating piliin kung ano ang makakabuti sa atin at alamin kung saang larangan tayo mas umaangat.


Ang pahayag nito ay naglalaman din ng kanyang pahayag na nagsasaad ng

Pag-aanyaya upang mas mapaunlad ang ating bansa.


Ang may akda nito ay nagngangalang Maisie Maureen Llorin, at siya ay isang 1st year Tourism Student. Ang artikulong Ito ay ginawa November 10, 2020.Maari nyong mabasa Ito nasa ibaba ang link nito.





Ang sangguniang ito ay ginawa ni Julia Marie E. Dela Cruz


Ito ay isang artikulo, at ito ay may dalawampu’t pitong pahina. Ang aktikulong ito ay tungkol sa kursong Hospitality Management, ang antas na ito ay sumasangguni gaya ng pangangasiwa sa hotel, at pangangasiwa sa hotel at turismo. Binanggit rin dito kung anong pwedeng maging trabaho. Ito ay ginawa ni “MasterBoar23” at kaniya ring pinublish siya ay nagmula sa Aklan State University- Ibajay Campus at kumuha ng kursong Hospitality Management. Ito ay ginawa noong 2019. Maaring pindutin ang link na nasa ibaba upang mapunta sa pahinaryang nabanggit.



Ito ay isang artikulo at ito ay mayroon din bidyo para sa dagdag na impormasyon. Ang artikulong ito ay tungkol sa gamitin ang wikang Filipino, para sa pag-unlad ng turismo. Ang wika ay makakatulong para sa komunikasyon ng mga tao, at ang turismo ay isa sa mga sektor na makakatulong sa ekonomiya ng isang bansa. Ito ay ginawa ni “komakadj2bgrp1-blog” at kaniya ring pinublish. Ang artikulong ito ay nakuha ko sa. Ito ay ginawa noong Setyembre 27, 2015. Maaring pindutin ang link na nasa ibaba upang mapunta sa pahinaryang nabanggit.





Ang sangguniang ito ay ginawa ni Leirajen Bautista


Ito ay isang artikulo na ang pamagat ay "Sa pagtaas ng turismo sa bansa, kakailanganin ang mas maraming chef" ayon sa DOLE. Ang laman ng artikulong ito ay tungkol sa paglakas ng turismo na nangangahulugan din ng pagsigla ng hotel at restaurant industry. Sinasabi dito na umabot sa 1,497,851 ang bilang ng mga turistang dumating sa Pilipinas mula Enero hanggang Abril ngayong 2012. Sa pag-unlad ng industriya, nais ng DOLE na isulong ang larangan sa husay sa pagluluto sa chef. Ito ay inilathala noong July 5, 2021 na mula sa GMA Network Online Your News Authority.


Nasa ibaba ang link para sa karagdagang impormasyon.



Ang artikulong ito ay pinamagatang "Ang diskriminasyon ng mga estudyante sa kursong HRM" na mula kay Jhoana Paula at inilathala noong March 8, 2016. Ito ay tungkol sa maling pag-iisip ng mga estudyante sa kursong ito. Nais ipahatid ng mananaliksik sa mga mambabasa kung ano ang naidudulot nito sa mga nakakaranas nito. Ang layunin ng artikulong ito ay malaman ang opinyon ng mga mag-aaral ng nasabing mga estudyante ng kursong HRM.


Nasa ibaba ang iba pang karagdagang impormasyon. Pindutin lamang ito.


 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2021 by PCCians

Site is designed and managed by Sean Santos

bottom of page