Filipino sa Marketing Management
- PCCians
- Jun 21, 2021
- 24 min read
Updated: Oct 30, 2021
Ang mga sumusunod na sanggunian ay tungkol sa kursong marketing at kung paano ginagamit at pinapahalagahan ang wikang Filipino sa larangang ito. Ang kursong marketing ay gumagamit ng iba’t-ibang elemento upang maitaguyod at makilala ang isang produkto o serbisyo at kung paano rin maipapa-abot sa mga tao ang nais iparating ng isang promosyon upang makatulong sa desisyon ng mga mamimili. Isa sa pinakamahalagang elemento ay ang wika. Wika ang nagsisilbing tulay ng mga nagmemerkado upang masabi at maiparating sa mga mamimili ang features, benepisyo at kahalagahan ng isang produkto o serbisyo. Sa mga sanggunian na inyong mababasa, maipapaliwanag ng mabuti kung ano ang kahalagahan ng wika sa aming larangan. Maipapakita kung paano magagamit ang wikang Filipino sa pang-araw-araw na batayan. Mula sa pagpapakilala ng produkto at serbisyo sa masa hanggang sa pagkonsumo ng mga mamimili ay hindi maikakaila na mahalaga ang wikang Filipino.
Binubuo ng labing-apat na estudyante ang kursong marketing sa Philippine Cultural College - Quezon City. Ito ay binubuo nina Andrea Abejay, Archie Aguilar, Janiah Rose Astorga, Sophia Auxilio, Portia Martella Celestial, Laica Rose Conde, Noel Famodulan, Myla Flor Gacuma, Princess Gaile Gaugano, Clarissa Paula Luzadas, Shaira Marie Mordeno, Chin Carlo Ng, Farah Kate Tan at Kristal Mae Viray. Dalawang link kada isang estudyante ang kinakailangang gawin. Nabuo ang sangguniang ito dahil sa asignaturang Filipino kung saan kailangan gumawa ng isang blog na naglalaman ng mga link na pumapatungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa iba’t-ibang disiplina at larangan.
Makikinabang ang mga mag-aaral na kumukuha ng kursong marketing upang sila ay magkaroon ng ideya at impormasyon kung paano mapapalawak at mapa-pausbong ng wikang Filipino sa larangang kanilang tinatahak. Makakatulong din ito sa mga estudyante na balak kumuha ng kursong marketing dahil dito ay mabibigyan sila ng mga paunang impormasyon na dapat nilang malaman.Hindi lamang sa mga mag-aaral ito makakatulong kung hindi pati na rin sa mga may balak magtayo ng kanilang sariling negosyo dahil narito ang mga pag-aaral ng mga iilan na mag-aaral at mga resulta ng kanilang nakuha at sa mga may trabahong may koneksyon sa marketing.
MGA SANGGUNIAN
Gawa ni Andrea Abejay
MGA URI NG PAGKONSUMO
Ang artikulo na ito ay nagpapakita ng ibat ibang uri ng pagkonsumo, may apat na uri ang pagkonsumo ito ay ang mga tuwirang pagkonsumo, produktibong pagkonsumo, maaksayang pagkonsumo at mapanganib na pagkonsumo. Ang tuwirang pagkonsumo ay ang tuwirang pagtugon ng pangangailangan ng isang indibidwal. produktibong pagkonsumo naman ay ang paggamit ng mga paraan upang magamit ang mga bagay- bagay sa ibang kapakinabang na bagay. Maaksayang pagkonsumo ay tumutugon sa pangangailangan at sa halip tumutugon lamang sa hilig o kagustuhan ng tao. And pang huli naman ay ang mapanganib na pagkonsumo ito naman ay ang paggamit ng produktong na may masamang epekto sa kalusugan ng tao. Ito ay may habang limang talata na nagpapakita ng ibat ibang uri ng pagkonsumo ng isang tao. Ito ay isang koleksyon ng isang estudyante na nasa pang apat na taong kolehiyo, walang nakasulat sino ang may akda at taon kung kailan ginawa.
SULIRANIN SA ENTREPRENEURSHIP ATING SURIIN
Ang artikulo na ito ay nagpapakita ng mga suliranin at hirap na kanilang hinaharap sa Entrepreneurship. Ang mga mag aaral ng ika-labing dalawang baitang ng UST Senior High School ay nagtungo sa Tan Yan Ke Parking Lot upang ma pakinayam ang isang grupo ng may ngalan na Bagelya at doon natuklasan nila ang mga suliranin na hinaharap ng isang grupo. Ang mga suliranin ay ang una marketing sa aspekto ng marketing dito isinaalang-alang ang pagpili ng produkto at ito dapat ay walang kapareho sa ibang grupo, pangalawa ay ang pananalapi ito ay isa sa mga suliranin ng entrepreneurship dahil dito kailangan maglikom ng kapital at kung paano nila ibabadyet ang pera nila. Ito rin ay nagpapakita ng kahalagahan ng wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto at pag komunika. Dahil sa wikang ito mas maintindihan ng mga estudyante ang ang kurso kung ang gagamitin nila ay ang wikang sanay sila. Magsisilbi din itong wikang pangkomunika mas maipapahayag ang saloobin at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa grupo. Ito ay may labinsiyam na talata at Ito ay isinulat ng isang grupo ng mag aaral noong October 27, 2018.
Gaw ni Archie Aguilar
KAHALAGAHAN NG CORE VALUES SA KURSONG AKING KINUHA
Sa artikulong ito ay nakasaad ang damdamin ng isang mag-aaral sa paaralan ng National University ang kahalagahan ng core values sa kursong na kanyang kinuha at ang kursong ito ay Business Administration Major in Marketing Management. Ayon sa kanya, ang core values ng kanyang paaralan ay siyang sumisimbolo sa mga dapat na katangian ng mga estudyante. Isa mula sa pitong core values na nabanggit ay ang pagiging pagkamakabayan at ito raw ang nakakapag pa hubog sa isang talento at pag uugali ng mabuting tao.
Nakasaad din dito na kailangan niyang sundin ang mga nabanggit na core values upang maisabuhay niya ito magamit sa pang araw-araw na tungkulin bilang isang mag-aaral at mamamayan. At dahil ang pagiging isang Marketing Student ay hindi madali, ito ay makakatulong para sa kanya. Mahalaga sa kursong nabanggit ang pakikisama sa tao sapagkat ito ang mahalagang katangian na kinakailangan ng isang tao upang magtagal sa iba’t-ibang uri ng industriya.
WIKA AT NEGOSYO
Ang video na ito ay mula sa YouTube channel ng WikATBP.. Makikita dito na magkakasama ang mga magkakaibigan upang gumawa ng pagsusuri kung bakit mahalaga ang wika sa negosyo. Bumuo sila ng dalawang grupo kung saan ang isang grupo ay pupunta sa tiangge at isang grupo naman ay pupunta sa mall. Bago ito ay nagkaroon sila ng exchange gifts na kung saan sila ay bumunot ng mga papel kung saan nakasulat ang pangalan ng kanilang pagbibigyan ng regalo.
Layunin ng dalawang grupo na malaman ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa pamimili, kung paano ito ginagamit sa merkado upang makapanghikayat ng mga mamimili, at upang malaman rin ang mga konseptong nag-uugnay sa wika at negosyo. Inumpisahang makipanayam ng grupong pupunta ng tiangge. Ipinaliwanag ng nagsasalita ang iba’t-ibang bokabularyo na ginagamit sa merkado katulad na laman ng tingi, na ang ibig sabihin ay ang paisa-isang pamimili ng produkto at isa itong mabisang paraan upang mabuhay sa pang araw araw bilang isang simpleng mamamayan. Isa pa sa mga nabanggit ang salitang suki, ang hindi nasusulat na pagtitiwala ng tindero at mamimili na nabubuo sa mga simpleng usapan. Nabanggit din ang salitang pagtawad at dito nila sinimulang magsuri sa pamamagitan ng pakikipanayam upang malaman kung ano ang proseso nito. Ayon sa isa nilang napagtanungang nagtitinda, nagbibigay lamang siya ng tawad depende sa binili at sa dami ng bibilhin. Dahil dito, gumagamit ng iba’t-ibang paraan ang mga mamimili sa pakikipagtawad sa mga nag titinda. Ayon naman sa isa pa nilang nakapanayam na isa ring nagtitinda, mahalaga ang paggamit ng wika sapagkat ito ay magagamit sa komunikasyon ng tindero at maimili.
Ang grupo naman ng mga magkakaibigang pumunta sa mall ay tinalakay ang iba’t-ibang paraan ng pagpapahayag ng mga negosyo mula sa pag pasok ng mga dayuhang kumpanya at industriya dito sa ating bansa. Dahil globilisasyon ay naipapasok ng mga dayuhang negosyo ang kanilang mga kultara sa bansa dahilan ng pagbabago ng nakagawiang sistema ng komunikasyon sa negosyo. Isang halmibawa nito ay ang nabanggit na salitang “tagline” na kung saan isa ito sa mga paraan ng mga negosyo upang mapukaw ang atnsyon nga mga tao at mahikayat silang bumili. Ayon sa isa nilang nakapanayam, nabanggit niya ang pagtawad ay nagagawa lang sa labas ng mall katulad na lamang sa mga tiangge. Nagkaroon din ng iba’t-ibang paraan ng promosyon ang mga negosyo. Isa na lamang sa mga nabanggit ay ang online advertisments sa social media na kung saan ito ay tinatangkilik na rin ng karamihan ng mga Filipino. Nabanggit sa videong ito na ang wika pa rin ang nagpapatakbo at nagpapadaloy sa pag paplitan ng mga produkto sa negosyo.
Gawa ni Janiah Astorga
WIKANG FILIPINO AY PALAGANAPIN UPANG MGA MARKETISTA’Y PAGLINGKURAN ANG BANSA NATIN
Ang link na ito ay isang Artikulo na may pamagat na “WIKANG FILIPINO AY PALAGANAPIN UPANG MGA MARKETISTA’Y PAGLINGKURAN ANG BANSA NATIN” ito ay makakatulong sa kapwa ko marketista ang kinuhang kurso at sa ating bansa na palaganapin ang lenggwaheng Filipino , Ang artikulo na ito ay nai-post noong setyembre 20, 2015 at kapwa marketistang estudyante ang nagpaskil nito sa internet.
Ang artikulo na ito ay may tatlong pahina, sa unang pahina pinakita nila o ipinaliwanag ng mga marketistang estudyante ang kanilang saloobin at mga napansin nila tungkol sa wikang Filipino sa ating sariling bansa , pangalawang pahina naman ay mga larawan ng mga Pilipino at mga Estudyanteng Marketista at sa panghuling pahina naman ay may isang video na nilagay para sa adbokasiya na dapat mahalin natin ang sariling wika natin.
Ang artikulong ito ay gawa mismo ditto sa ating bansa para ipamulat sa ibang estudyante na mas tangkilikin pa ang bansang sarili natin.
WIKANG FILIPINO SA ACCOUNTING, NEGOSYO, AT KOMERSYO
Ang Link na ito ay isang video na may pamagat na “WIKANG FILIPINO SA ACCOUNTING, NEGOSYO, at KOMERSYO“. Ang video na ito ay may haba na 14 minuto at 3 segundo na nagpapakita at nagpapaliwanag sa mga Accounting , negosyo at komersyo na makakatulong sa mga kapwa nating estudyante na kumukuha ng kursong Accounting at marketista .
Ang video na ito ay mga kapwa natin estudyante ang gumawa at ginaya nila ang isang palabas nila Kris Aquino at kuya Boy Abunda na Aquino & Abunda Tonight sila ay mga estudyanteng kumukuha din ng kursong pinapalaganap nila sa kanilang palabas ang producer ng palabas na ito ay Ju Ju na nag-upload nito sa youtube ito ay itinala noong setyembre 17, 2018 ito ay ginawa sa ating bansa at ang kanilang lugar ay sa kanilang eskwelahan mismo.
Gawa ni Sophia Auxilio
FIL40: PAGSUSURI SA WIKA NG MGA PATALASTAS SA PILIPINAS
Ang bidyo na ito ay tungkol sa pagsusuri sa Wika ng mga Patalastas sa Pilipinas. Ang mga patalastas ay kadalasan napapanood sa telebisyon, nakikita sa internet at YouTube. Ito ay binabayaran ng mga organisasyon para mapalaganap ang mga produkto sa mga manonood na tatangkilik sa mga produkto at serbisyo. Nakakatulong ito sa desisyon ng mga mamimili. Ang mga patalastas ay gumagamit ng Wika upang maipakita ang mensahe sa mga mamimili at manonood. Napaka-importante ng Wika dahil ito ang nagsisilbing medium upang maihatid ang mensahe para sa mga konsumer. Ang mga patalastas ay gumagamit ng mga estratehiya halimbawa na lang ng mga patalastas na gumagamit ng purong wikang Filipino, Ingles, at minsan ay magkahalo ang dalawang ito. Ang mga patalastas ay gumagamit ng mga ibang salita para mas lalong tumatak sa mga mamimili ang mga patalastas, ang iba pa nga ay gumagawa ng mga bidyo na nakaka-enganyo sa mga manonood. Sa ating henerasyon ngayon ay mas nakikita na ang mga patalastas sa mga internet, website at social media katulad na lamang ng Facebook, Intagram, YouTube, at Twitter dahil sa mga ito ay marami ang mga tao na makakakita ng mga patalastas. Ang mga patalastas na pinapalabas dito ay gumagamit ng mga salitang naaayon sa henerasyon ngayon. Itong bidyo na ito ay may haba na dalawampu’t apat na minuto. Ang bidyo na ito ay naglalaman ng mga halimbawa na mga patalastas upang suriin para makita ang “relatable feeling” at para na rin ma-endorso ang mga produkto at serbisyo. Ang mga patalastas ay sinusuri batay sa kung anu-ano ang mga wikang ginamit at kung ano ang mga salitang ginamit na nababagay sa henerasyon ngayon. Ang gumawa ng bidyo na ito ay si Dennis Ramos, hindi nagbigay ng mga impormasyon tungkol sa kanyang sarili. Ang bidyo na ito ay nilagay sa plataporma ng YouTube dalawang taon na ang nakalipas.
Ramos, D., Mayo 13, 2019. Fil40-Pagsusuri sa Wika ng mga Patalastas sa Pilipinas. Nakuha mula sa https://www.youtube.com/watch?v=StJEkKkh-QM
FILIPINO MONDAYS: PARAAN NG PAGGAWA NG TAGALOG NA PATALASTAS
Ang bidyo na ito ay nagbibigay eksplenasyon kung paano binubuo ang isang patalastas ngunit nagbigay muna ng paunang eksplenasyon kung ano ang ibig sabihin ng salitang patalastas, uri ng mga patalastas at mga hakbang sa pagbuo ng patalastas. Ayon sa eksplenasyon ni Teacher Vibal (2020) ang patalastas ay para “mahikayat o mahimok ang mga tao upang magpatuloy, gumawa ng isang kilos, o lalong tangkilikin ang isang produkto o serbisyo”. Ang mga uri ng patalastas ay ginagamitan ng tinig, mga papel na nakadikit sa mga poste, napakinggan sa radyo, at patalastas sa social media upang mas lalong maintindihan at ma-enganyo ang mga tao dahil sa panahon ngayon ay marami na ang nakatutok sa mga social media sites kesa sa telebisyon. Sa paggawa ng patalastas ay alamin muna kung sino ang bibili o tatangkilik sa produkto o serbisyo, alamin ang pangangailangan na maaaring tugonan ng produkto, suriin kung anong katangian ng produkto ang dapat bigyan ng kahalagahan o diin, at maging malikhain sa paggawa sa patalastas. Ang gumawa ng bidyo na ito ay isang guro. Ang kanyang YouTube account ay naglalaman ng mga impormasyon para matuto ang mga estudyante. Ang bidyo na ito ay may oras na pitong minuto at ang bidyo ay inilagay sa plataporma ng YouTube noong Agosto 17, 2020.
Gawa ni Portia Martella Celestial
WIKA NG MGA PATALASTAS SA
LUNGSOD NG NAGA
Ang artikulo ay tungkol sa kung paano ang wika ay isa ng importanteng parte ng ating buhay lalo na sa media. Wika ang naging daan upang magkaroon ng maayos at maliwanag na komunikasyon at malayang pag-hayag ng ating ideya at damdamin. Sa mundo ng pagmemerkado, wika ang naging tulay upang maparating sa mga mamimili ang benepisyo ng produkto. Ang paggamit ng media para sa pagbibigay impormasyon ay parang walang hanggan. Iba’t-ibang elemento ang ginagamit sa mga media upang magbigay impormasyon sa mga mamimili. Sa panahon ngayon, ang mga patalastas ay nagamit ng mga salitang angkop at maiintindihan ng mga mamimili at mga nanunuod. Ang paggamit ng wikang Filipino sa patalastas ay mas lalong umusbong sa ating panahon. Mula sa print media hanggang sa telebisyon, ang wikang Filipino ay ginagamit upang mas lalong maintindihan ng mga manonood sa Naga. Ang artikulong ito ay sulat ni Gen Magalona. Ang layon ng artikulo ay upang magbigay solusyon sa mga suliranin tungkol sa wikang ginagamit sa mga patalastas sa Naga.
WIKA AT MARKETING: ANG WIKANG FILIPINO BILANG MIDYUM NG IBA’T-IBANG ISTRATEHIYA NG PROMOSYON
Ang video ay tungkol sa kung paano magagamit ang wikang Filipino sa promosyon ng mga produkto. Sa ating panahon ngayon, laganap na ang pagtatayo ng negosyo kaya’t mas naging Ang video ay tumagal ng dalawampung minuto. Sa video, nagtanong ang mga mag-aaral sa kanilang mga nasalubong kung anong mas gusto nilang tagline ng mga piling negosyo kung Filipino o Ingles, kung saan nila madalas nakikita ang mga ang mga promosyon at kung anong salita ang gamit ng mga nag-aanunsyo, kung naniniwala ba sila na may epekto sa pang-unawa ang wika sa mga nakikita nilang promosyon, kung mas sosyal ba ang produkto o serbisyo kapag Ingles ang gamit, kung Filipino ba ang gamit ay mas nahihikayat silang bumili at kung anong wika ba ang dapat gamitin kapag nagpakilala ng isang produkto o serbisyo. Ang mga mag-aaral ay nag-siyasat pa upang mas maintindihan ang konsepto na ito kaya sila ay nag-tanong sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong may kaugnayan sa negosyo. Nangalap rin ang mga mag-aaral ng impormasyon galing sa mga may-ari ng negosyo. Napagtanto ng mga nananaliksik na limitado ang wikang Filipino sa pagpapakilala ng isang produkto o serbisyo. Ang paggamit ng wika ay nakabatay sa kung sino ang iyong pag-bentahan at kung anong uri ng produkto at serbisyo ang iyong inaalok. Ang video ay makikita at mapapanood sa YouTube at ito ay ipinaskil ni Angeline Polvito. Ito ay ginanap sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas at sa mga kalapit na pamilihan.
Gawa ni Laica Conde
COVID-19: IMPORMASYON PARA SA MGA MAMIMILI-PAMIMILI NG PAGKAIN
Ang artikulong ito ay inilathala noong Abril taong 2020 mula sa Food & Drug Administration (FDA) ng Estados Unidos na isinalin sa wikang Filipino ngunit hindi naitukoy kung sino ang manunulat nito. Ito ay binubuo lamang ng iisang pahina. Sa kabila nito, nagampanan pa rin ng maayos ang tungkulin ng nasabing artikulo na makapagbigay impormasyon. Ito rin ay naglalaman ng iilang tagubilin patungkol sa ligtas na pamimili upang “maprotektahan ang iyong sarili, mga manggagawa sa pamilihan, at iba pang mga mamimili.”
Bilang isang mag-aaral sa programang “Pamamahala sa Pagmemerkado” sa ilalim ng larangang ng Pagnenegosyo, makikita ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagbibigay impormasyon at tagubilin upang mas lalong maintindihan ito ng mga mamimili. Lalung-lalo na kung ito ay pumapatungkol sa kaligtasan ng nakararami. Huwag natin kalimutan na hindi lahat ng Filipino ay may pribilehiyong makapag-aral at may kakayahang magbasa o umintindi ng wikang Ingles. Kung ang layunin ng isang sulatin ay makapagbigay-alam sa mga mamimili o sa madla, marapat lamang na siguraduhing maiintindihan ito ng nakararami upang walang mapag-iwanan o mapagkaitan ng impormasyong dapat nilang malaman tungo sa mas ligtas na pamimili at mas ligtas na operasyon ng bawat negosyo.
COVID-19 - U.S. Food and Drug Administration. (n.d.). https://www.fda.gov/media/137299/download
MGA PARAAN KUNG PAANO I-PROMOTE ANG IYONG PRODUKTO O SERBISYO
Ang nakalakip na artikulo ay pumapatungkol sa iilang paraan upang maitaguyod ang pagkakakilanlan ng produkto o serbisyo na inilalako ng mga negosyante. Ito ay nagmula sa Canada Business Network na layuning makapagbigay impormasyon upang mas mapalawig ang kaalaman ng mga negosyante sa pagnenegosyo. Ang manunulat at petsa ng paglalathala nito ay hindi nakasaad sa nasabing artikulo na may dalawa pahina lamang. Gayunpama’y, nagampanan pa rin nito ang layuning makapagbigay-impormasyon na nakasalingwika sa Filipino. Makatutulong ito upang mas maintindihan ng mga Filipinong negosyante o mag-aaral ang mga impormasyong nilalaman nito. Bukod pa roon ay maaaring gawing taktika ang paggamit ng wikang Filipino sa paggawa ng isang promotion upang mas maintindihan ng mga target na madla ang mensaheng nais iparating tungkol sa serbisyo o produkto ng isang negosyo.
MGA PARAAN KUNG PAANO I-PROMOTE ANG IYONG PRODUKTO O SERBISYO. (n.d.). https://m.infoentrepreneurs.org/~/media/Files/AutresLangues/Tagalog/Facons%20de%20promouvoir%20votre%20produit%20ou%20service_ta.pdf
Gawa ni Noel Famodulan
ANG WIKANG FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN
Ang midyum na ito ay isang website. Ang impormasyong nakalakip rito ay may habang siyamnapu’t tatlong daang salita (931) ay naglalaman ng tatlumpung talata (30). Si Elcomblus ay ang siyang naglathala nito at nailathala ito noong ika-dalawampu’t dalawa ng Setyembre taong 2020 sa bansang pilipinas. Ito ay tungkol sa komunikasyon at pananaliksik na pinamagatang “Ang Wikang Filipino sa Iba’t Ibang Larangan” na isinulat ni “Elcomblus”. Ang nilalaman nito ay tungkol sa sitwasyon ng wika sa mahalagang larangan tulad ng agham, politika, humanidades, batas, at iba pa.
Bilang isang mag-aaral na kumukuha ng kursong Marketing, mahalagang malaman ng mambabasa ang kahalagahan ng wika sa iba't’ ibang larangan na kanilang tinatahak. Wika ang kasangkapan para sa materyal na pag-unlad. Maging sa pagsulong ng kultura, edukasyon, agham, sining, at humanidades, kinakailangan ng isang wikang ginagamit at nauunawaan ng sambayanan.
GAMITIN ANG WIKANG FILIPINO SA BAWAT PRODUKTONG IE-ENDORSO
Ang pook- sapot (web-site) na ito ay orihinal na ginawa bilang isang “blog publishing system”. Ang blog na nilalaman nito ay isinulat at inilathala ni Reign Rose noong Ika-dalawampu’t anim ng setyembre taong 2015 sa bansang pilipinas. Ito ay may habang pitumput pitong walong daang salita at may sampung talata.
Bilang isang estudyante na kumukuha ng kursong Marketing, isa sa aking tungkulin ay ang mag-endorso ng produkto at ang pag-endorso namin ay dapat nasa wikang Filipino dahil kami, tayo ay Pilipino. Isa sa aming adbokasiya ay isulong at pataasin din ang ekonomiya ng ating bansang Pilipinas. Sa pamamagitan nito, mas maeenganyo ang taga ibang bansa na bumili dahil para sa kanila, bago ito sa kanilang panlasa at sinisimbolo nito ang ating bansa.
Gawa ni Myla Flor Gacuma
WIKANG FILIPINO SA MATA NG KOMERSYO
Ito ay isang pananaliksik na inilahad sa midyum na website. Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng sumatutal na 2752 na salita at mayroong 33 na talata. Ito ay tungkol sa mag-aaral na tomasino na ang pinagtutuunan rito ang hindi pagtangkilik ng mga ito sa mga damit na nabibili sa Internet at ang lumabas sa resulta ng pananaliksik na ito ay dahil sadyang mapanuri at sigurista ang mga tamosino. Ito ay pinagtulungan na binuo ng mga mag aaral at mananaliksik sa eskwelahan ng Pamantasan ng Santo Tomas, na sina Castillo, De Silva, Diego, Lasula, Rubio, Tolibas, Abigael ann marie. Sila ang mga naging estudyante sa pamantasan ng santo tomas na ang kinuhang kurso ay komersyo at ang seksiyon ay 1-FAM. Hindi nito pinangalanan ang prodyuser datapwat ito ay ginawa sa lugar ng metro manila ng Pilipinas sa taong 2010. Ito ay mahalagang talakayin sa aming kurso na BSBA marketing sapagkat ito ay may koneksyon sa komersyo at bilang kumukuha ng kursong ito mahalagang pag aralan at kilalanin namin ang mga ugali at perspeksyon ng mga tao sa iba’t ibang larangan ng pagpili ng mga produkto upang malaman naming kung ano at paano kami magkakaroon ng estratehiya para aliwin sila sa aming produkto.
ANG KURSONG BSBA
Ang isang blog naman na ito ay inilathala at ipinahayag sa midyum ng website. Ito ay may habang hindi kukulangin sa labing isang talata at tatlong pahayag na konteksto o ideya na gustong ipamahagi ng awtor. Ito ay tungkol sa kursong BSBA at inilathala nya rito kung bakit nya napagdesisyonan na piliin ang kursong ito at ano ang mga posibilidad na trabaho ang pwede na makuha sa tatahakin niyang kurso. Ang tanging impormasyon na ipinamahagi nya lamang ay ang kanyang pangalan na polang at sya ay kumukuha ng kursong CDLB-BSBA samakatuwid sya rin ang nag publish ng blog na ito. Ang gawa na ito ay inilabas noong taong 2018 ng abril 29 sa lugar ng los baños, Laguna ng Pilipinas. Ito ay mahalagang talakayin sapagkat ito ay karugtong ng aming kurso na BSBA at mahalagang magkaroon ng impormasyon sa mga karanasan ng bawat tao na kumukuha ng katulad sa aming kurso sapagkat dito namin natutukoy kung paano ang tamang gawin at tahakin sa darating na pagsubok ng aming kakaharapin sa kursong ito na makapagdadag-dag upang kami ay mag tagumpay sa aming tatahakin.
Gawa ni Princess Gaile Gaugano
PAGHUBOG AT PAGLUBOG SA MASANG MAMIMILI: ISANG PANIMULANG PAG-AARAL SA POTENSYAL NG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG MARKETING
Ang artikulong ito ay nakalap mula sa isang website. Ito ay pinamagatang “Paghubog at Paglubog sa masang mamimili: Isang panimulang pag-aaral sa potensyal ng wikang Filipino sa larangan ng Marketing” na inilathala ni Marife Villalon noong taong 2020 na kabilang sa Philippine E-journals. Ito ay may labing limang pahina na hindi bababa sa isang libo ang salita. Ayon sa nasabing akda, dito ay masinop na sinuri ng mga mananaliksik ang ebolusyon ng marketing sa kasalukuyan na maaaring nagpatibay ng kahalagahan ng mga pag-aaral ng wikang Filipino sa larangan na ito. Dito maaaring masagot ang katanungan ng karamihan tungkol sa paggamit ng wikang Filipino sa mga patalastas ngunit hindi sa ibang aspekto ng marketing. Base sa mga nakalap na impormasyon ng mga ito, ipinakita sa talahanayan 1 ang pag-aaral ni Kerin tungkol sa Ebolusyon ng Teorya at Praktika ng Marketing sa pamamagitan ng table ang iba’t-ibang akda o asignatura. Kung saan ipinagkumpara ang mga sumusunod: Nangingibabaw na Tema, Lumilitaw na Metapora at Dulot ng Paglitaw ng mga tema mula sa taong 1936 hanggang 2013. At ayon dito, naging mabagal ang pag usbong ng marketing sa loob ng anim na dekada mula noong 1936. Ngunit noong 1996 hanggang 2004, naging mabilis ang ebolusyon nito at nakatuon sa pag-aaral tungkol sa mga mamimili at sa alokasyon ng mga pinagkukunang yaman dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at abilidad na makakuha ng indibidwal na datos. Noong taong 2005-2012, ang kanilang pag-aaral ay nakatuon sa mismong mamimili at sa pagiging responsable ng marketing sa mga taong pinaglilingkuran nito. At noong taong 2013 hanggang sa kasalukuyan, ang pag-aaral ng marketing ay sumasabay sa mga pagbabago sa midya. Sinasabing malaki ang potensyal ng wikang Filipino sa marketing sa Pilipinas hangga’t Filipino pa rin ang mas ginagamit ng mga mamimili. Nakakatulong din ang paglalahad ng mga konsepto sa marketing sa wikang Filipino, pagdating sa larangan ng edukasyon kung kaya’t dapat nating paka-tandaan na sa pamamagitan ng paggamit ng ating wika , ang mga marketer ng PIlipinas ay hindi maliligaw kapag sila ay papasok na sa industriya.
(Marife Villalon, 2020) Paghubog at Paglubog sa masang mamimili: Isang Panimulang pag-aaral sa potensyal ng Wikang Filipino sa larangan ng Marketing mula sa http://www.ejournals.ph/article.php?id=16041
PAG-AARAL HINGGIL SA ESTRATEHIYA SA PAGNENEGOSYO NG MGA NEGOSYANTE SA CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL
Ang artikulong ito ay nakuha mula sa isang website. Ito ay inilathala ng the mga sumusunod na mananaliksik: Badiola, Alvin Kurt T.; Villamor, Christian A.; Arevalo, Mary Maclin S.; Bautista, Marjerene Andrea T.; Candelaria, Jane Louise B.; Gata, Maria Teresa P.; Lanuzga, Mary Rose A.; Rebusi, Jamela D. noong ika-7 ng Oktubre noong taong 2017. Ang artikulo ay may labing siyam na pahina mula sa pahina ng pamagat hanggang sa sanggunian o bibliograpiya. Dito tinalakay ang mundo ng pagnenegosyo na kung saan sa araw-araw na pakikisalamuha ng isang indibidwal sa bawat tao, may iba’t-ibang estratehiya ito sa pakikipagkomunikasyon sa kanyang kausap. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maaaring magsilbing impormasyon upang makatulong sa mga taga-pagtinda ng pagkain sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Sa mga mag-aaral, maaaring magsilbi itong sangkap sa pag-unawa sa kanila upang maging aktibo ang pagpapanatili ng paggamit ng wikang Filipino sa pamamalakad ng negosyo. Bilang mag-aaral na kumukuha ng kursong marketing, ang paggamit ng ating sariling wika ay makatutulong sa komersyo, pagnenegosyo o industriya upang mas mapausbong pa ang wikang ginagamit sa larangan ng marketing at mas magkaroon ng mas malalim at mas madaling pagsasaling wika sa ating mga kausap o mga mamimili.
(Badiola, Alvin Kurt T.; Villamor, Christian A.; Arevalo, Mary Maclin S.; Bautista, Marjerene Andrea T.; Candelaria, Jane Louise B.; Gata, Maria Teresa P.; Lanuzga, Mary Rose A.; Rebusi, Jamela D., Oktubre 7, 2017) mula sa https://www.academia.edu/40666796/PAG_AARAL_HINGGIL_SA_ESTRATEHIYA_SA_PAGNENEGOSYO_NG_MGA_NEGOSYANTE_SA_CAMARINES_SUR_NATIONAL_HIGH_SCHOOL
Gawa ni Clarissa Paula Luzadas
PAANO MAGIGING TULAY ANG MARKETING SA PAG-UNLAD AT PAGKAKAKILANLAN NG IDENTIDAD NG MGA PILIPINO
Base dito, sa pamamagitan ng pag aaral ng marketing upang maging epektibong marketer at manager, matuto tayong tumugon sa demands ng kakompitensiya sa gobyerno at mas malaking isyung panlipunan. dito ay may nabanggit na suliranin sa ating bansa una ang pagdating sa ating sariling wika dahil pag dating sa ating wika madalas na gamitin ay ingles at ang iba naman ay ang pinaghalong tagalog at ingles (taglish)pangalawa ang mga pilipinong maka-dayuhan. May ibang mga komersyal na wikang ingles ang kanilang ginagamit gaya na lamang ng piattos, solmux, hansel at combi. Gayundin ang mga deskripsyon na nakikita natin sa lagayan o plastic sa likod nito ay wikang ingles ang gamit. ang paggamit ng wikang filipino hindi lamang sa pagkain at mga gamot kundi sa halos lahat ng ating kailangan sa pang araw araw at malaking pakinabang ito para sa ikabubuti ng bawat konsumer. Kasabay din dito sa paggamit ng ating sa wikang pilipino ang ating pagkakakilala at pagmamahal sa ating sariling wika, upang masolusyonan ang mga problemang ganito sa ating ekonomiya au ang patuloy na tangkilikin at ipagmalaki ang ating produktong gawa ng ating bansa.
Ang pananaliksik na ito ay may habang limang(5) pahina at ito ay tungkol ito sa mga suliranin ng ating ekonomiya o ng ating bansa. Ginawa ito ng mga estudyante sa ateneo de davao university, at itoy walang mga pangalan kung sino ang gumawa ng pananaliksik na ito o baka sila ay grupo at wala din silang tinalang taon. Ito ay ginawa sa pilipinas lugar na Davao.
WIKANG FILIPINO: BAKIT MAHALAGA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Sa unang sinabi dito na dapat magaling ka sa ingles kung hindi ka magaling sa ingles hindi ka matatanggap sa trabahong iyong papasukan. Dito sa ating bansa kaya tayo gumagamit ng wikang tagalog dahil ang ating manonood ay mga pilipino na naiintindihan at klaro sa kanila ang bawat sinasabi sa kanilang pinapanood. Ang Wika ay isang tool para makipag komunikasyon upang tayo ay magkaintindihan saan mang parte ng ating ginagawa ay gumagamit tayo ng Wikang filipino sa trabaho, skwelahan. Sa dahilang pilipino tayo dapat ang ating gagamiting lengguwahe ay pilipino din upang maintindihan tayo ng bawat pilipino. kung ikaw o tayo nagtatrabaho o negosyante dito sa parte ng pilipinas dapat tayo ay gumagamit ng wikang tagalog at hindi Ingles upang makahikayat ng mga konsyumer. Maniniyot o sa ingles ay photographer at ang Pantablay naman ay charger, Pang-ulong hatinig o tinatawag na headset dahil iba sa atin kadalasan lamang alam ang ibang salitang ingles maliban sa sarili nating wikang filipino. Kung wikang filipino ay maraming gamit at ito'y mapapakinabangan, ginawa ang wika upang tayo ay magkaintindihan at hindi ito ginawa ang sukatan ng katalinuhan.
May haba itong labing apat(14) na minuto. Ito ay tungkol sa paggamit ng wikang filipino sa ating bansa at pagtangkilik ng ating sariling Wika. Ito ay isinalaysay ng UNTV News and Rescue at ito ay ginawa nila ng maganap ang Buwan ng Wika, Ito ay ginawa sa pilipinas ngunit walang tiyak na lugar kung saan nila ito ginanap.
Gawa ni Shaira Marie Mordeno
WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA
Ang Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya ay pinamagatan ding "Wikang Filipino Bilang Wikang Global" ito ay aking nakalap mula sa isang website na tinatawag na "blog spot". Ito ay isinulat ni Arleen Carmona bilang isang mag-aaral sa State Unibersidad ng Bulacan, nailathala nya ito noong ika-apat na hulyo taong 2020 sa bansang Pilipinas. Ang buong detalye o impormasyon ay nakalatag lamang sa isang pahina ngunit ang bawat diskusyon at aral na nais ipahayag ng manunulat ay kanyang na-ipahayag sa wastong pamamaraan. Ang blogspot na Ito ay tungkol sa hindi wastong paggamit ng wika na madalas gamitin ng ating kababayan. Inihayag din dito kung paano nga ba makakatulong ang paggamit ng wikang Filipino sa pag-unlad ng komunikasyon at globalisasyon pagdating sa industriya ng negosyo.
Ang pag-lilinang at pag-sasanay ay mahalaga sa paggamit ng wikang Filipino, bilang isang mag-aaral mula sa kursong Marketing na may kinalaman sa pag-aaral ng negosyo nararapat lamang na aking gamitin ang wikang Filipino sa wastong pamamaraan. Ito ay malaking tulong upang mapaunlad hindi lamang ang yaong sarili bagkus pati narin ang ekonomiya ng bansa pagdating sa pag negosyo.Paano na lamang kung wala tayong kakayahang makipag-usap ng maayos sa ating kapwa? Ang sagot ay hindi rin natin maipapahayag sa kanila ang nais nating ipahayag. Ito ay walang pag kakaiba sa industriya ng negosyo, nais natin magkaroon ng magandang komunikasyon sa mga mamimili upang ma pa-unlad ito. Hindi batayan ang wikang Ingles upang masabing maunlad ang isang negosyo o isang bansa sapagkat ang tunay na maunlad ay mayroong pag papahalaga ng sariling wika.
ANG WIKANG FILIPINO SA LARANGAN NG MERKADO
Ang pag-aaral na ito ay aking nakalap sa isang website na kung saan tinatawag na "Academia Edu" na inilathala ni Emmanuel S. Gonzales upang ipahayag ang kanyang pananaliksik tungkol sa "Ang Istatus ng Wikang Filipino sa Larangan ng Merkado, Pabalat at Pakete: Isang Etnosematikong Pag-aaral" wala itong itinu-tukoy na panahon o araw ng nasabing pananaliksik ngunit ito ay binubuo ng tatlong pahina.
Ipinahayag sa pag-aaral na ito kung gaano kahalaga ang paggamit ng wikang Filipino sa pabalat at pakete ng sariling produkto ng bansa sa pag-unlad ng ekonomiya sa merkado. Bilang isang estudyante na nag-aaral ng kursong Marketing, nararapat lamang na gamitin ang wikang Filipino sa bawat lebel o pakete na ilalagay sa isang produkto upang ipakita at ipagmalaki ang produktong gawa ng pinoy, upang malaman ng mga tao na ito ay sariling atin. Anuman produkto ang gagamitin sa wikang Filipino ay nag re-representa ng kahalagahan ng ating wika, ating pagkatao at kultura.
Gawa ni Chin Carlo Ng
EPEKTO NG ONLINE BUSINESS SA TRADISYONAL NA PAGBEBENTA
Mula sa pananaliksik epekto ng online business sa traditional na pagbebenta, mayroong dalawang klase ng pagbenta, ito ang tradisyonal ng pagbebenta at pagbenenta online. Ngunit, dahil nagkaroon ng pandemic sa ating mundo kasama na ang ating bansa Pilipinas, ang nagiging epektibong pamamaraan ng pag benta ay ang online. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng “social media” kung saan dito iniindorso ang mga produkto kung ano ang iyong nais na ibenta sa mga tao. Sa ngayon, maraming mga tao ang tumatangkilik sa online business dahil maraming mga empleyadong nawalan ng trabaho at hindi nila alam kung paano nila matutustusan ang kani-kanilang sariling pamilya. At ang pamamaraan ng pagbenta sa online ay ang sarili nating wika at may halong engles.
Ano ang Digital Marketing
Ang pagbebenta ng produkto ngayon ay mas epektibo kapag ito ay nakalagay o makikita mula sa “social media” dahil halos lahat ng mga negosyo ay sinusubukan ng magbenta online. Ayon sa bidyo ni Ilustrado, ito ay isang uri ng Digital marketing. Ito ay nagsisilbing plataporma kung saan iindorso mo ang iyong produkto sa online. Halimbawa sa youtube, facebook, instagram at marami pang iba. Ang magandang naidudulot nito ay lahat ng mga tao ay makikita ang iyong produkto kahit na malayo ang yung pinag bentahan. At dahil ding may sakit na kumakalat sa ating bansa mas ligtas itong gamitin upang hindi na tayo lalabas o makipag salamuha sa ibang tao kung kaya’t mas nanaiising mong makabili nalamang sa online kaysa lumabas ka ng walang kasirugaduhang ligtas ka at wala kang dalang sakit pagkauwi mo ng iyong taganan.
Gawa ni Farah Kate Tan
KULTURANG PILIPINO SA ONLINE NA NEGOSYO
Ang artikulong ito ay ibinahagi sa Wordpress.com mula sa isang Pilipinong manunulat na may alyas na malikhain138215445. Mula sa pag usbong ng teknolohiya at internet. May panibagong paraan na ang pamimili. Noon, ang mamimili ay uma-alis ng kanilang tahanan upang magpunta sa pisikal na pamilihan sapagkat ngayon mas pinadali na ang pamimili. Pwede ng mamili gamit ang mga gadgets katulad ng telepono at onting pindot lang ay pwede ka ng maka pamili. Isinaad ni Lakshmi (2016), sa paggamit ng internet, mas pina-bilis, pinaginhawa at karagdagang impormasyon ang binibigay na ito sa aspeto ng pamimili ng produkto o serbisyo. Higit pa rito, sinabi rin ni Lakshmi na ang online negosyo ay nagbibigay ng pagpipilian na pamilihan. Kaya naman naging posible sa mga mamimili na mamili ng kahit ilan, saan sa anumang oras nila gusto sa pamamagitan ng online na pamilihan. Ayon sa may akda. May anim na klase ng online negosyo, ito ay ang mga business to business, business to consumer,consumer to consumer, consumer to business, business administration at consumer to business na may iba't ibang paraan upang maisagawa ang online negosyo. Isinaad rin ng may akda ang suliranin sa pagka pribado at solusyon sa suliranin. Sinasabi na ang plataforma na binibisita ng mga mamimili ay nag ko-kolekta ng mga pribadong impormasyon tungkol sa mamimili at pwede itong gamitin sa masamang bagay. Kaya naman ang binigay na solusyon ng may akda ay huwag maniwala sa lahat ng makikita sa internet, matutong maging matalinong mamimili sa paraan ng pagsasaliksik ng mga tamang impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo at sa nagbebenta at gumamit ng paraan sa pagbabayad ng may proteksyon sa mamimili.
KASANAYAN SA PAG-IIMBENTARYO NG GAMIT ANG WIKANG FILIPINO
Ang artikulong ito ay tungkol sa kahalagahan ng pag gamit ng wikang Filipino sa pag-unawa ng tamang pag-iimbentaryo at ma-alam sa pinansyal na aspeto. Ang mga may akda ay sina Abarquez J., David M., Feliciano B., Hidalgo M., Landicho A. at Ricamonte R. ayon sa mga may akda, hindi madali magpatakbo ng isang negosyo kaya naman marihil na maging maalam ang mga negosyante pati na rin sa pagpapatakbo ng salapi. May kaugnay rin ito sa wikang filipino sapagkat ito ang tulay sa pakikipagkomunikasyon sa ibang tao. Ang may mga akda ay inihalintulad ang pagkawala ng alam sa pagpapatakbo ng hindi pagtangkilik ng sariling wika. Sa may negosyong sari saring paninda ay kinakailangan maging maalam sa pag iimbentaryo. Ang pag iimbentaryo ay pagtukoy ng bilang na naibenta at natirang produkto. Gayunman matutukoy nang negosyante kung alin sa kanyang mga paninda ang mabili at hindi at kung kumikita ba ang kanyang negosyo. Ang mga akda ay nagsagawa ng isang interbyu sa isang tindera sa Maynila upang makakalap ng datos. Nalaman ng mga akda na mahalaga ang pag iimbentaryo sapagkat hindi naitatala ng negosyante ang kanyang mga panustos sa pagtitinda. Kaya naman nagkukulang ito ng paninda ng hindi namamalayan. Ang rekomendasyon ng mga may akda ay kumuha ng tauhan na may kinalaman sa pag-iimbentaryo at paghawak ng pera para maiwasan ang pagkalugi ng isang negosyo. Ang artikulong ito ay nakuha sa wordprepss.com. Walang naitala kung kailan ito isinulat ng mga manunulat.
Gawa ni Kristal Mae Viray
KAHALAGAHAN NG PAGGAMIT NG WIKANG PAMBANSA UPANG MAKAMIT ANG PAMBANSANG KAUNLARAN
Ang blog na ito ay inithala at ipinahayag sa midyum ng website. Ito ay may habang dalawang talata na gustong ipamahagi ng awtor. Ito ay tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng wikang pambansa upang makamit ang pambansang kaunlaran. Dito nakalagay kung anong ang tulong ng wika sa ating pag dating sa ating mga kinuhang propesyon, tulad na lang ng pagiging negosyante na mahalaga ang wika dahil ito ay ginagamit para makipag komunikasyon sa iba’t ibang taong kasunduan nila. Nakasulat din dito na ang mga negosyo ay makakatulong sa patuloy na pagtaas ng ating ekonomiya. Ang nagsulat nito ay si Mary Jane Masayon at sinulat niya ito sa noong Setyembre 28, 2016. Ang awtor na ito ay isang blogger simula 2016 ngunit lahat ng kanyang sinulat ay hindi pinangalanan ng lugar kung saan niya ito isinulat. Ang blog na ito ay mahalagang talakayin para sa mga estudyanteng kinuhang kurso at para saming mga kumuha ng kurso itoay Marketing upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng wika at malaman nil ana ang wika ay maraming maitutulong sa mga pagsubok na haharapin nila sa pagkuha ng kursong ito.
PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG PANGHIHIKAYAT SA MGA PRODUKTONG BINEBENTA NG MGA ENTREPRENYUR SA PILIPINAS
Ang blog na ito ay inithala at ipinahayag sa midyum ng poosapot. Ito ay may habang labing-tatlong talata na gustong ipamahagi ng awtor. Ito ay tungkol sa paggamit ng wikang Filipino bilang panghihikayat sa mga produktong binebenta ng mga entreprenyur sa Pilipinas. Nakalagay dito na ang wika o komunikasyon ay isa sa pinakamahalagang salik upang mapanghikayat ng mamimili sa pagtitinda ng isang produkto. Ang paggamit ng mga tagalog na salita sa pagbebenta ay nagbibigay ng magandang epekto sa mamimili upang higit na mahikayat ang mga ito sa iba’t ibang bagay na binebenta. Nakalagay din dito ang mga pananaw ng mga ilang mga tao tungkol sa wika at kahalagahan ng wika sa mga negosyo, katulad na lang ng kay Mabilin (2012) para sa kanya ang wika ay dumudukal at lumilinang ng karunungan ginagawa ng salalayan sa pagtamo ng makabuluhang landas sa buhay. Sinasabi rin dito na ang paggamit ng wikang Filipino ay higit na nakakaimpluwensya sa mga taong nakakarinig sa isang programa. Madaling tumatak sa mga tao ang mga linyang inindorso ng mga negosyante sa mga tao pag ang wikang ginamit nila ay Filipino. Ayon sa akda ang hangarin ng pag-aaral na ito ay mabatid sa mga Pilipino na higit na nakakatulong ang sariling wika sa pag-unlad ng isang bansa at karapat-dapat tangkilikin ang sariling atin. Ang akdang ito ay isinulat ni Carmela S. Mercado at sinulat niya ito noong Marso 8, 2016, siya ay nagsimula maging blogger noong 2013 subalit ang akda niyang ito ay hindi sinabi o pinangalanan kung saang lugar niya ito isinulat. Para sa aming mga kumuha ng kursong Marketing Management, ang sinulat nyang ito ay mahalaga para malaman namin kung ano ang mga dapat naming gawin para maging matagumpay ang ang gagawing produkto at ipagmalaki ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pakikipag komunikasyon sa iba’t ibang tao.



Comments