Filipino sa Early Childhood Education
- PCCians
- Jun 21, 2021
- 22 min read
Updated: Nov 2, 2021
Ang mga sumusunod na artikulo ay ang mga nahanap at marahang sinaliksik ng mga estudyanteng mula sa Philippine Cultural College na may kursong Bachelor of Early Childhood Education. Ito ay magsisilbing tulong para sa mga estudyanteng nais tahakin ang kursong Early Childhood Education at kung paano nila maibabahagi ang mga mahahalagang impormasyon sa mga magiging estudyante nila at sa mga magulang nito. Dito inilathala ng mga estudyante ang kanilang mga sariling opinyon at pagpapaliwanag ukol sa mga artikulong kanilang nabasa. At ibinahagi nila ang kanilang mga sariling hinaing para mas maintindihan ng mga mambabasa ang mga artikulong ito.
Ang kursong Bachelor of Early Childhood Education ay ang pagtuturo sa mga batang edad tatlo hanggang lima o ang mga Narsari hanggang Kinder. Isang malaking bahagi sa mga estudyante ang pag-aaral sa lebel na ito dahil ito ang maghuhubog sa kanilang mga kakayahan at pagkatuto sa murang edad. Ang grupo ng mga estudyanteng nangalap at nagbahagi ng mga artikulo at impormasyon ay binubuo nina Paul Gueta, Jaydie Claire Arao, Kimberly Cliete Cabios, Maria Faina Nicole Nuñez, Feil Alejandro Erro, Lovely Anne Terciño at Cheska Ryenne Blas na mula sa 1st Year. Mga estudyante mula sa 2nd Year na sina Jericho Dacpano, Rhine Ed Escobido, Loren Ysabel Sy, Cheska Camille Balmores, Sharmica Glax Handugan, at Fabrienn Xyrelle Viernes. At ang mga estudyante mula sa 3rd Year na sina Ruby Rose Go Teng Guan, Alexandra Ronquillo, Ericka Dela Cruz, at Naomi Ricci Vendivel.
Ang pagtuturo sa mga estudyante ng Early Childhood ay isang malaking hamon sa mga magiging bagong guro lalo na ngayong bagong normal na pagtuturo, kaya’t sana’y maging isang dahilan o silbi itong aming gawa upang makatulong sa aming mga kapwa estudyante.
MGA SANGGUNIAN
Gawa ni Jaydie Claire Arao
1st Year - Bachelor of Early Childhood Education
Pamagat: Early Childhood Education
Ang artikulo na ito ay tungkol sa kung paano naging importante para sa lahat ng kabataan na makapag-aral at magkaroon ng magandang buhay. Isinasaad sa artikulo na dapat at bigyang halaga ang mga kabataan lalo ang mga nangangailangan at gustong makapag-aral at mabigyan din ang mga estudyante na mayroong kapansanan upang sila’y makasabay at mabigyan ng oportunidad upang makapag-aral. Sinasabi din dito na mas lalo natin ipalaganap ang kabutihan para sa kabataan upang sila mismo magkaroon ng bagong pinto para sa pangarap na kanilang inaasam. Ang ating mga early childhood learners ay ang mga kabataan edad isa hanggang labing isang taong gulang. Bukod pa riyan, isinaad dito ang kahalagahan ng mga pasilidad na meron ang mga eskwelahan. Dahil dito ang mga estudyante ay mas pagbubutihin nila ang kanilang pag-aaral upang pagdating ng panahon sila naman ang maging ehemplo sa susunod na henerasyon.
Huling binuksan ang link: June 18,2021; 8:30 pm
Pamagat: Mga Aktibidad Sa English Sa Mga Bata Para Sa Early Childhood Education
Nakasaad sa artikulo na ito kung paano magsalita ng Ingles ang mga estudyante at paano nila maintindihan ito. Paano nila maipapaliwanag sa Ingles ang salitang tagalog, ano ang kumakatawan dito at paano nila ito ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Ang pagkakaroon ng komunikasyon sa ibang tao gamit ang Ingles ay kailangan sapagkat ito ay dagdag kaalaman at nang mas matutunan ng mga kabataang Pilipino ang importansya nito. Ang mga aktibidad sa Ingles para sa mga kabataan sa ngayon ay lubhang napaka-importante sapagkat dito mahahasa ang galing nila sa pagsasalita ng Ingles at sa mga makakasalamuha nilang mga ibang tao.
Huling inaccess ang link: June 18,2021; 9:00 pm
Gawa ni Cheska Camille Balmores
2nd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Pamagat: Pagsubok Sa Bagong Normal Na Edukasiyon
Ang artikulong ito ay tungkol sa mga pagsubok na hinaharap ng mga guro sa bagong normal na edukasyon, lalo na ng mga gurong nasa liblib na lugar at mga aksyon na ginawa ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan. Ayon sa article, bagamat hindi pa alam kung epektibo nga ba talaga ang online at modular learning, patuloy paring hinihikayat ang mga estudyante upang mag-enroll, patuloy ding nagsusumikap ang mga guro at naghahanap ng paraan upang patuloy na matulungan ang kanilang mga mag-aaral.
Ang article ay ginawa noong: October 10,2020
Isinulat ng isang admin mula sa Pilipino Mirror
Ang Pilipino Mirror ay isang daily tabloid sa Pilipinas. Published ng Filipino Mirror Media Group, isang dibisyon ng ALC Group of companies na pagmamay-ari ng dating Philippine ambassador sa Laos Antonio Cabangan Chua.
Naitatag noong: 16 April 2012
Bansa : Pilipinas
Pagmamay ari ni: Antonio Cabangon Chua
Sister newspapers: Business Mirror
Editor-in-chief: Rey Briones
Pamagat: Epektibong Pagkukwento
18.51 minuto
Ginawa noong : October 12, 2020
Ang video ay tungkol sa epektibong pagkukwento sa mga bata. Ang pagkukwento ay nakatutulong sa language development ng isang bata. Nakatutulong ang pagkukwento para mapalawak pa ang bokabularyo ng mga bata, matuto silang magbahagi ng kanilang mga sariling saloobin at napalalawak din nito ang kaisipan ng bata kung nagamitan din ng epektibong estratehiya sa pagtatanong at kuwentuhan.
Gawa ng: BAYANIHAN e-SKWELA
Ang BAYANIHAN E-SKWELA ay isang instructional video series para sa mga guro, magulang at estudyante. Ang bawat video na kanilang pinapalabas ay nagbibigay ng pananaw na mula sa mga eksperto sa nagbabagong education system.
Gawa ni Cheska Ryenne Blas
1st Year - Bachelor of Early Childhood Education
Sanggunian 1
Kidspot, B. (2021, March 12). Tagalog for Kids: Best Resources to Teach Tagalog. Bilingual Kidspot. https://bilingualkidspot.com/2021/03/12/tagalog-for-kids-filipino/
Sa sanggunian na ito, maaari makita ang mga website na maaaring magamit ng mga guro upang turuan ang kanilang mga mag-aaral; mga musics, mga libro, mga elektronikong aparato, at mga worksheet ng Filipino para sa mga bata. Isang halimbawa ng musikang Filipino ay ang mga pambatang tula. Ang ilan sa mga librong nakasaad sa website na ito ay "Sandosenang Sapatos" at "Salamat Po". Isa sa mga halimbawa ng elektronikong aparato para malaman ng mga mag-aaral ay ang "Gus on the Go". Ang ilan sa mga halimbawa ng worksheet ay ang "Samutsamot" at "Little Yellow Jeepney".
Sanggunian 2
Batara, J. A. (2021, February 2). Abakada Reading: Importance Of Filipino Language. TheAsianparent. https://ph.theasianparent.com/encourage-child-love-filipino-language
Sa sanggunian na ito, maaaring makita ang kahalagahan ng katutubong wika at mga titik sa alpabeto kabilang ang ñ at ng. Bukod pa dito, malalaman rin natin ang dahilan kung bakit ang wikang Filipino ay hindi maaaring makuha bilang pangalawang pagpipilian o lengguwahe sa ating bansa.
Gawa ni Kimberly Cliete Cabios
1st Year - Bachelor of Early Childhood Education
Sa artikulong ito mailalarawan ang pagbabago ng sistema sa nakasanayan nating pag-aaral, at mababasa rin dito na sa pagbabago ng sistema ng pag-aaral ng mga bata ay kailangan ng suporta ng isang magulang. Ang artikulong ito ay may saktong haba upang mapagtuunan ng pansin at basahin. Ito ay patungkol sa mga pagbabago ng COVID-19. Naisagawa ito noong Nobyembre 2020.
Sa artikulong ito ay mababasa kung papaano ang bagong normal na pagtuturo ng mga guro, sa artikulong ito ipinahayag ng mga guro ang kanilang karanasan sa bagong sistema ng pagtuturo ngayong nakakaranas tayo ng pandemya. Sa artikulong ito may saktong haba ng mga talata, at ito ay patungkol lamang sa mga guro na nasa bagong normal ng pagtuturo. Ito ay isinagawa ng Vox Populi PH noong Oktubre 5,2020.
Gawa ni Jericho Dacpano
2nd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Online, B. (2017, April 22). Early Childhood Education. Balita. Retrieved from https://balita.net.ph/2017/04/23/early-childhood-education/
Ang sanggunian na ito ay isang balita or peryodiko na maaring makita at mabasa sa mga online website o sa madaling sabi, ito ay isang elektronikong dyaryo. Ito ay binubuo lamang ng ilang mga talata. Hindi nakalagay ang pangalan ng may-akda ng nasabing diyaryo ngunit ito ay nakapangalan bilang Balita Online. Ito ay inilimbag sa elektronikong plataporma noong ika-dalawampu’t tatlo ng buwan ng Abril taong dalawang libo’t labing pito. Tinatalakay sa elektronikong diyaryo na ito ang dami ng mga bata sa ating bansa ang hindi agad nakakapag-kinder dahil sa ilang mga kadahilanan, numero uno diyan ang kahirapan. Ibinahagi rin ng naturang balita ang mga kondisyon at sitwasyon ng mga kabataang hindi nakakapag-preschool dahil sa kanilang mga indibidwal na espesyal na pangangailangan. Inilahad din ng may akda na masosolusyonan lamang ang mga ito kung ang pamahalaan, komunidad, at pamilya ay magkakaisa upang isulong ang early childhood education. Nagbigay rin ito ng mga gampanin ng bawat unit upang suportahan ang kanilang pormal ng edukasyon mula kinder hanggang matapos nila ang kurso.
Batara, J. A. (2019, June 25). Bakit Importanteng Makipaglaro Sa Ibang Bata Ang Iyong Anak? theAsianparent Philippines: Your Guide to Pregnancy, Baby & Raising Kids. Retrieved from https://ph.theasianparent.com/paglalaro-sa-labas-ibang-bata.
Ang sanggunian na ito ay isang artikulo na mababasa sa mga online searching engine. Makikita lamang sa artikulong ito ang ilang mga talata tungkol sa sa nasabing tapik. Ang artikulong ito ay isinulat ng may-akda na nagngangalang Jan Alwyn Batara. Kaniya itong naisapubliko noong ika-dalawampu't lima ng Hunyo sa taong Dalawang libo at labing siyam. Siya ay manunulat at kontribyutor sa isang organisasyon sa Unibersidad ng Pilipinas sa Manila na nagngangalang Hello Health Group. Sa artikulong ito ay mababasa ang mga dahilan kung bakit importante ang pakikipaglaro ng mga bata sa ibang bata. Inilahad din dito ang importansya ng paglalaro sa labas ng tahanan. Tinalakay rin dito ang ang epekto ng labis na paggamit ng mga makabagong teknolohiya o mga gadget sa sa iba't-ibang aspeto ng pag-unlad at paglinang. Ipinaliwanag dito na hindi lamang pakikipaglaro ang natatamo ng mga bata, sila rin ay natututong makipaghalubilo at makipag-ugnayan sa sa iba't-ibang bata na may kani-kaniyang katangian ang personalidad. Binigyang diin din ng artikulong ito ang benepisyo sa pagpapatatag ng EQ at paghubog ng kumpiyansa sa sarili. At higit sa lahat, ito ay nakatutulong sa paglinang sa mga bata sa holistikong pamamaraan.
Gawa ni Ericka Dela Cruz
3rd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Ako po si Ericka Dela Cruz na mula sa Philippine Cultural College at kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Early Childhood Education. Ibinabahagi ko ang dalawang artikulong tiyak na makakatulong sa mga estudyanteng nais rin na tahakin ang kurong ito. Nawa’y maging isa itong pamamaraan upang ako ay makatulong sa kapwa kong estudyante na may malaking dedikasyon sa pagtuturo sa mga bata.
Sa artikulong ito sinasabi kung gaano ka-importante ang mga istoryang may mga magagandang aral na tiyak na madadala ng mga bata sa kanilang paglaki. Importante rin na itinuturo ang mga alamat, mga katutubong wika, mga kuwentong bayan at mga istoryang may kaugnayan sa kani-kanilang kultura. Ipinapahayag sa artikulong ito na hindi mawawala sa mga bata ang kanilang mga natutunan mula sa kanilang pagkabata at mas mapapahalagahan nila ang kanilang pinagmulan at pagiging isang makabayan.
Sinasaad sa artikulong ito ang kahalagahan ng pag-enrol sa mga bata sa Narsari at Kindergarten dahil sa lebel na ito ay mahuhubog ang kanilang pagkatuto, pag-iisip, pagiging palakaibigan, at pagkakaroon ng malawak na lenggwahe. Ang pag-aaral ng mga bata ay naka-ayon sa kanilang mga edad ayon sa artikulong ito, kaya hindi basta basta naipapasok ang bata sa elementarya kung wala itong sertipiko na nagpapatunay na galing ito sa Kindergarten. Sinabi rin na may pagkakataon na hindi natin basta mai-e-enrol ang isang batang may disabilidad o kapansanan sa kadahilanang hindi lahat ng paaralan ay may kakayahan na tumanggap at maturo. Kaya’t mahalagang naihahanda ng mga magulang ang kanilang mga sarili at mga anak bago pumasok sa eskwelahan upang madaling matanggap ng mga estudyante ang mga bago nilang nakikita at ang pagiging handa na rin sa pagkatuto.
Gawa ni Feil Alejandro Erro
1st Year - Bachelor of Early Childhood Education
Isang Salamisim sa Pagkabata: Pagsusuri, Pagtuklas, at Ebalwasyon sa mga Kuwentong Pambata na Nagwagi sa Gantimpalang Palanca sa Panitikan https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/view/380
Ang artikulong ito ay naglalayon na palawakin ang ating kamalayan sa pagpili ng mga kuwentong pambata na ating isasalaysay sa mga mag-aaral. Tinatalakay dito kung paano masinsinang sinuri ang mga kwentong pambata na nagwagi ng unang Gawad Palanca mula 2001 – 2010, na maaari natin gawing batayan sa pagpili ng mga babasahin na ating ibabahagi sa mga mag-aaral.
Bilang isang guro, mahalaga na mahikayat natin ang susunod na henerasyon sa pagbabasa ng mga aklat na naaayon sa kanilang mga pangangailangan. Ang pagkakaroon ng interes sa pagbasa ay mahuhubog natin sa isang kabataan kung tayo bilang guro ay may sapat na kaalaman sa kung anu-ano nga ba ang dapat taglayin ng isang makabuluhang akdang pampanitikan. Marapat na lagi natin isaalang-ala ang bawat detalye na nakasaad sa artikulong ito upang mas higit na mapaunlad natin ang pampanitikang kaalaman ng bawat mag-aaral.
Sa pagsasaliksik na ito ay ating lubusang mababatid ang realidad ng mga print ad at ang mga epekto nito sa paglilinang sa kaisipan ng bata. Sa modernong mundo na ating kinabibilangan ay hindi lingid sa atin na malaki ang impluwensiya ng mga print ad sa ating kamalayan, kung kaya’t inilathala din dito ang mga nasasakupan nito sa realidad ng bata.
Ang print ad ay maaring bumuo o sumira ng isang pananaw ng bata sa mundong kanyang ginagalawan. Makikita din sa pag-aaral na ito ang pagkatuto ng bata ay hindi lamang nakalimita sa mga magulang. Kaya’t dapat nating lubos na maunawaan kung ano nga ba ang mundo ng bata ayon sa mga print ad.
Gawa ni Rhine Ed Escobido
2nd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Nailimbag ng taong: 2018
Pagsasanay Programa Para Sa Mga Bata. Early Childhood Education Program, Pagsasanay programa para sa mga preschool mga bata ay dapat masaklawan tatlong mga lugar: ang pagbuo ng mental, moral at pisikal na edukasyon. Mental na kung saan ay dapat binibigyan ng atensiyon ng mga magulang lalo na sa kasalukuyang panahon, moral na edukasyon ay dapat pangunahan ng mga magulang at magabayan ng mga guro o paaralan pag sila ay wala sa puder ng mga magulang, pisikal na pagsasanay na kung saan ay mahirap makita sa modernong kabataan na kung saan babad ang lahat sa kanilang mga "Gadgets" mabuti ito dahil sila ay natututo pero nalilimitahan nito ang kanilang pisikal na pag kilos"PAG-AARAL NG MGA BATA 2-3 TAON"Ang panahong ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng isang matinding pagiging pamilyar sa mundo ng bata, mga kulay at mga hugis ng mga bagay, ang kanilang laki at texture. kid ay magagawang upang malinaw na ipahayag ang mga damdamin, reaksyon sa kanilang mga tagumpay at pagkabigo, upang makipag-usap sa ibang mga bata at matatanda. "PAG-AARAL NG MGA BATA 4-5 TAON" Ang panahong ito ay perpektong upang malumanay simulan ang pagtuturo sa mga titik sanggol at numero. Ngayon ang sanggol ay magagawang upang pag-aralan ang mga katangian ng mga bagay, partikular na nakakaapekto sa kanila, ito ay mas tahimik, matiyaga at mas mahusay na nakaayos. Kung ang bata para sa 10-15 minuto ay maaaring enthusiastically-play pang-edukasyon mga laro - sige! Edad 4-5 taon at ay perpekto upang bigyan ang kanilang mga anak ng isang tiyak na bilog, o ang sports section. Sa pamamagitan ng oras na ito ang pisikal na pag-unlad ng lokomotor apparatus ng bata nagbibigay-daan ito upang matutunan ang mga pangunahing kaalaman ng swimming, sayaw, martial arts at iba pa."PAG-AARAL NG MGA BATA NG 6-7 TAON" Modern physiologists, psychologists, pedagogues at pagsasalita therapists sumang-ayon na panahon na ito ay pinaka-kanais-nais para sa pagpapaunlad ng pansin, pagdama, memory, at pag-iisip ng mga bata. Physiologically, ang bata ay handa na para sa pagbuo ng pagsasanay, at siya ay may pagnanais na matuto. Iyon ay kung bakit ang isang bata na anim na minsan upang dalhin ang kanilang mga magulang sa kaguluhan ng isip para sa kanyang maraming mga "bakit".Kaya maging matiyaga at makakuha ng kumpletong impormasyon upang masiyahan ang pag-usisa ng bata."WASTONG KILOS NG MGA MAGULANG" ang mga programa ng pre-paaralan na edukasyon bawat bata ay dapat isama ang mga laro, magsanay upang bumuo ng madaling makaramdam pandama (ang pag-unlad ng organo ng kahulugan), pananalita, mental na aktibidad, pisikal na kasanayan, kinakapatid na pag-usisa, pati na rin ang pagtatatag ng mga karaniwang pangunahing pag-unawa tungkol sa mundo. Matagumpay na malutas ang problema ng pagtulong sa lahat ng mga uri ng mga pre-school education.
Taon ng nailimbag: 2021
Sosiyal at Emotional Development sa Early Childhood, Ang isang napakalaking halaga ng pag-unlad ng lipunan at emosyon ay nagaganap sa panahon ng maagang pagkabata "Pagtulong sa mga Bata na Gumawa ng Mga Kasanayan sa Panlipunan at Emosyon" Ang kakayahang panlipunan ay hindi lamang nagsasangkot ng kakayahang makipagtulungan sa mga kapantay; Kasama rin dito ang mga bagay tulad ng kakayahang magpakita ng empatiya, pagpapahayag ng damdamin, at magbahagi nang bukas-palad."Pagtuturo ng Empatiya at Pakikipagtulungan" Sa sandaling ang mga bata ay maging dalubhasa sa pagpapahayag ng kanilang sariling mga emosyonal na reaksyon, magsimulang magtanong tungkol sa kung ano ang nararamdaman ng iba pang mga tao. "Ano sa tingin mo nadama Nadia kapag kinuha mo ang layo ng laruang siya ay naglalaro sa?" Sa pamamagitan ng pagpapanggap ng ganitong mga katanungan, maaaring magsimulang isipin ng mga bata kung paano maaaring maapektuhan ng kanilang sariling mga pagkilos ang mga damdamin ng mga nakapaligid sa kanila.
Gawa ni Ruby Rose Go Teng Guan
3rd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Ang ‘Study: Repetition ang trick para mas mabilis matuto ang bata.” ay isinulat ni Irish Mae Manlapaz sa isang website na tinatawag na The Asian Parent. Ang sumulat ng artikulo ay marami ng naisulat sa website tungkol sa mga bagay tulad ng pagiging magulang, paglaki ng bata, at iba pang mga pinag-uusapan sa ilalim ng The Asian Parent na website. Ang artikulo ay may benteng maiiksing talata. Ang artikulo ay tungkol sa paggamit ng “repetition” o ang pag-uulit ng mga gawain ng bata upang sila ay mabilis na matuto. Nagbibigay ito ng mga paraan sa kung papaano epektibong matuturuan ang isang bata. Nagbigay din ito ng mga pag-aaral at mga paliwanag ng mga eksperto tungkol sa pagtuturo sa mga bata.
June 18, 2021
Ang gabay sa isang landas sa pagtapos ng kolehiyo at paghahanda sa career ay Isinulat noong Setyembre ng 2015 at inihanda ng sangay ng pagtuturo sa ilalim ni Dr. Ruth Perez at Carol Alexander. Ito ay isang artikulo tungkol sa isang proyekto na nais isumite ng grupo sa paghahanda ng mga estudyante para sa kolehiyo at kanilang mga propesyon. Nagpakita in ito ng datos ng mga estudyanteng nagtapos ng kanilang pag-aaral. Ito ay naglalayong maihanda ng mga guro ang mga estudyante para sa landas na kanilang tatahakin sa kolehiyo at sa kanilang propesyon. Ipinapakita din ang layunin at ang misyon ng grupo sa pagtulong sa mga bata. sila rin ay nagbigay ng mga estratehiya sa kung papaano mabibigyan ng magandang pundasyon ng mga guro ang mga bata para sa magandang hinaharap.
June 18, 2021
Gawa ni Paul Gueta
1st Year - Bachelor of Early Childhood Education
Introduksyon:
Ako ay si Paul Ibañez Gueta. Isa akong mag-aaral ng Early Childhood Education. Ang aking guro ay si Ma'am Beverly Siy. Inilagay ko ang link na ito upang matulungan ang mga mag-aaral ng Early Childhood Education na kurso. Ang mga link ay konektado sa wikang Filipino, at kung paano ito ituro sa mga tao. Ang pinakahuling mga petsa na in-access ang itong mga sanggunian ay noong 2011 and 2015. Ang mga makikinabang sa mga sanggunian ay ang mga estudyante na nag-aaral ng Early Childhood Education, kasama rin ang mga nagtuturo ng wika.
Sanggunian 1:
Ang sanggunian ito ay isang artikulo. Naglalaman ito ng mga tagubilin sa kung paano magturo sa mga bata ng Matematika, kasama ang mga hakbang sa kung paano ito gawin. Naglalaman din ito ng mga gabay para sa kung sino ang gagamit nito. Pati na rin ang isang seksyon ng tanong at sagot tungkol sa mga nilalaman nito. Naglalaman ito ng 6 na talata, na may karagdagang mga seksyon, kabilang ang tanong at sagot tungkol dito. Ang sanggunian ay tungkol sa Kagamitan sa Pagtuturo (Teaching Materials) sa Matematika. Ang may-akda ay hindi nabanggit. Ang naglathala nito ay ang Tokyo University of Foreign Studies. Isa itong sentro para sa multikultural at multilinggwal na edukasyon at pagsasaliksik. Nakatuon ang mga ito sa pagbibigay ng edukasyon, pati na rin sa paghahanap ng mga paraan upang maging mas mahusay ang pag-aaral ng wika. Ang sanggunian na ito ay isinulat noong taong 2011.
Sanggunian 2:
Ang itong sanggunian ay isang artikulo. Naglalaman ito ng 6 na talata. Ang artikulong ito ay tungkol sa pagtuturo ng wika sa mga estudyante. Naglalaman ito ng mga gabay at tagubilin sa mga taong magtuturo ng isang wika sa isang klase ng mga mag-aaral. Ang may-akda ay hindi nabanggit. Ang nilalaman ay nai-post sa isang website na tinatawag na PolyglotClub. Ito ay isang pamayanan na nakatuon sa pag-aaral ng wika at pakikipagpalitan ng pamayanan. Ang sanggunian na ito ay ginawa noong 2015.
Gawa ni Sharmica Glax Handugan
2nd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Link 1:
Ang website na nagngangalang filmathcom ay sumulat ng artikulo tungkol sa 'Paggamit ng po at opo'. Ika-16 ng Oktubre, taong 2016 ginawan ito ng artikulo ng filmathcom. Ang artikulo ay naglalaman ng Introduksyon sa paggamit ng mga Pilipino ng ‘Po at Opo’. Sinundan naman neto ang pagpapaliwanag sa sinisimbolo ng paggamit ng po at opo. Sunod ay ang pagtalakay sa iba't-ibang pamamaraan o tuwing kailan dapat na gumamit ng mga salitang 'po' at 'opo'. Nabanggit sa susunod na talata na bibihira na lamang ang mga batang gumagamit ng 'po' at 'opo' sa pananalita. Sa huling parte ay ang panghihikayat na ating simulan muli at sanayin ang ating mga sarili sa paggamit ng 'po' at 'opo' sa pang araw-araw.
Link 2:
Ang website na ito ay ginawa ng Dibisyon ng Kalusugan, ikatlong araw ng Oktubre, taong 2019. Ito ay tumatalakay tungkol sa paksang 'Paghuhugas ng Kamay'. Kabilang sa mga paksang tinalakay sa website na ito ay ang kahalagahan ng paghuhugas ng kamay. Ipinaliwanag din kung ano ang tamang pamamaraan sa paghugas ng kamay. Naibanggit ang limang simpleng hakbang na dapat sundin sa wastong paghuhugas ng kamay. Kung anong sabon ang dapat na gamitin sa paghuhugas ng kamay. At ano pa ang mga dapat ituro sa mga bata tungkol sa paghuhugas ng kamay. Maaaring makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa paksang ito sa pamamagitan ng pag kontak,pagpapadala ng mensahe,at panonood.
Gawa ni Maria Faina Nicole D. Nuñez
1st Year - Bachelor of Early Childhood Education
LINK 1 :
“ Paano Magturo sa Kindergarten “ ay isang artikulo na naglalaman ng ibat’ibang hakbang at mga tanong at sagot sa komunidad. Nakakatulong ito sa mga estudyante na kumukuha ng kursong “ Early Childhood Education “. Ang artikulo ay hindi kahabaan, maaari itong basahin sa isang upuan lamang. Ang may akda sa artikulo na ito ay si Catherine Palomino, MS. Siya ay isang dating Direktor ng isang Childcare Center sa New York. Natanggap niya ang kanyang MS sa Elementary Education mula sa CUNY Brooklyn College noong 2010.
“Pagtulong sa mga bata upang matuto ng Wika “ ay isang artikulo na na naglalaman ng iba’t ibang kaparaanan kung paano mas mapadali ang pagtuturo sa bata ng kanyang wika, ito ay maari rin makatulong hindi lang sa mga guro kundi pati na rin sa mga magulang ng mga bata. Ito ay may dalawang pahina lamang, kaya’t maari mo itong mabasa ng isang upuan lamang.
Ang artikulo ay galing sa “HELPING CHILDREN LEARN LANGUAGE” noong 2013. Ito rin ay na ilabas sa publiko sa pamamagitan ng “ Westcoast Child Care Resource Centre”.
Gawa ni Alexandra Ronquillo
3rd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Ako si Alexandra A. Ronquillo, 3rd year college na sa kasalukuyan na kumukuha ng kursong edukasyon. At ang aking guro ay si Ma’am Beverly Siy. Ginawa ko itong liham para sa mga katulad kong estudyante na nais maging isang guro sa hinaharap at bigyan ng payo upang maging inspirasyon at magsilbing gabay sa lahat. Ito ay huli kong binasa bago ko gawin ang liham na ito.
Ang pinag-uusapan sa unang link ay tungkol sa kung paano ka magiging isang guro. Ito ay may mahabang salita kaya tiyaga ang kailangan. Ito ay galing sa Worldscholarshipforum.com at ginawa ito noong Hunyo 15, 2021. Ang pagiging isang guro ay isa sa pinakamabigat na tungkulin. Dahil nakasalalay sa iyo ang kinabukasan at kaalaman ng mga bata. Kailangan silang mabigyan ng magandang simula o pundasyon bago makatapak sa susunod na baitang. Pero hindi lang dapat sila ang iniisip mo, dahil bago ka makapagturo ng mga bata dapat sigurado ka sa pinili mo at tatahakin mong kurso. Dahil sa pagtuturo, Kailangan ng mahabang pasensya, pagsisikap, hilig sa pagtuturo at dapat mahal mo ang iyong ginagawa. Maging handa at maging malikhain sa mga gagawin mong plano araw araw sa pagtuturo ng mga bata. Tayo din ang magiging pangalawang magulang nila at maglalaan tayo ng oras upang alamin ang kanilang buhay, ginagawa, makinig sa kanilang kwento, alagaan, at mahalin. Dahil kahit hindi natin sila kadugo ay para na rin natin silang mga anak na naging parte ng buhay natin. Dapat ay lagi nating iisipin kung saan sila matututo at magiging masaya habang ikaw ay nagtuturo.
Ako si Alexandra A. Ronquillo, 3rd year college na sa kasalukuyan na kumukuha ng kursong edukasyon. At ang aking guro ay si Ma’am Beverly Siy. Ginawa ko ang liham na ito para sa mga katulad kong estudyante na nais magturo ng asignaturang Filipino sa elementarya upang ipakita, isaisip at isapuso ang pagiging isang Makabayang Pilipino. Ito ay huli kong binasa bago ko gawin ang liham na ito.
Ang tinatalakay sa link na ito ay tungkol sa kahalagahan ng pagtuturo ng wikang Filipino sa mga bata. Ito ay paglalaanan mo lamang ng sampung minuto sa pagbabasa. Ito ay galing sa Ateneo de Manila University at ginawa ni Bb. Desiree Reyno at inilathala noong Agosto 14, 2018. Sa panahon ngayon nakakalimutan na nating isapuso at alalahanin ang salitang Filipino lalo na ngayon sa bagong henerasyon ng mga bata. Bakit ba kailangan ituro ito sa mga bata? Mahirap ba itong ituro? Dalawa lamang yan sa mga tanong na mababasa mo sa artikulong ito. Gaano nga ba natin kamahal ang ating bayan kung tayo mismong mga Pilipino ay hirap din sa wikang ating ginagamit. Kailangan nating matutunan kung paano ito ituro sa mga bata upang maramdaman nila ang pagmamahal sa bayan.
Gawa ni Loren Ysabel Sy
2nd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Ang pag-unlad sa mga unang taon (partikular na ang pagsilang sa edad ng early childhood) ay nagbibigay ng mga ng gusali para sa mga nakamit na pang-edukasyon, pagiging produktibo sa ekonomiya, responsableng pagkamamamayan, panghabang-buhay na kalusugan, malakas na pamayanan, at matagumpay na pagiging magulang ng susunod na henerasyon. Ano ang magagawa natin sa panahon ng hindi kapanipaniwalang mahalagang panahong ito upang matiyak na ang mga bata ay may matibay na pundasyon para sa pag-unlad sa hinaharap? Ang Center on the Developing Child ay lumikha ng Gabay na ito sa Early Childhood Development (ECD) upang matulungan ang mga magulang, tagapag-alaga, magsasagawa, at gumagawa ng patakaran na maunawaan ang kahalagahan ng pag-unlad ng maagang pagkabata at alamin kung paano suportahan ang mga bata at pamilya sa kritikal na yugto na ito.
Link:
Pinapayagan ng pag-play ang mga bata na gamitin ang kanilang pagkamalikhain habang binubuo ang kanilang imahinasyon, kagalingan ng kamay, at lakas ng pisikal, nagbibigay-malay, at emosyonal. Ang hindi direktang pag-play ay nagbibigay-daan sa mga bata na malaman kung paano magtrabaho sa mga pangkat, magbahagi, makipag-ayos, pagresolba ng mga kasalungat, at malaman ang mga kasanayan sa pagtataguyod sa sarili.
Gawa ni Lovely Anne Terciño
1st Year - Bachelor of Early Childhood Education
Introduksyon
Ako ay si Lovely Anne Terciño. Mag-aaral ng Philippine Cultural College at kasalukuyang kumukuha ng kursong Early Childhood Education. Ang aking guro ay nag iisa at butihing, Ginang Beverly Siy. Ang mga sumusunod na link ay aking nakuha sa internet upang ibahagi sa mga estudyante na nagnanais kumuha ng kaparehang kurso. Ang mga ito ay nasusulat sa wikang Filipino na madaling intindihin at sipiin. Ito ay makakatulong sa mga mag aaral upang mas maintindihan pa ang mga bata, kung paano turuan ang bata at ang mas magkaroon ng kaalaman sa mga bata na nangangailangan ng espesyal na edukasyon. Ang pinakahuling mga taon na in-access ang mga sangguniang ito ay nuong 2017 at 2020. Ang makikinabang ay ang mga estudyante na nagnanais kumuha ng kursong pagtuturo, Early Childhood Education, at Espesyal na Edukasyon.
Sanggunian 1
Ang sangguniang ito ay isang e-book. Ito ay makakatulong upang magkaroon ng kaalaman sa pamamaraan at pangalagaan ang isang bata o estudyante sa edukasyon. Tinuturo dito kung ano ba ang mga pangangailangan ng mga estudyante. Ito ay may dalawang pahina lamang dahil ang nilalaman nito ay tiyak at maikli lamang. Ito ay tungkol sa mga mithiin sa edukasyon. Napapaloob din dito ang mga damdamin sa mithiin sa edukasyon, katulad ng pagtataguyod sa edukasyon na walang iniiwaan, kung saan lahat ng estudyante ay may karapatang matuto at mag aral kahit ano pa man ang estado sa buhay. Pagpapabuti ng kakayahang gumawa ng masaganang kinabukasan para sa mga kabataan. Binanggit din dito ang mga tao na may gagampanang tungkulin upang maisakatuparan ang kanilang ideolohiya. Ang nagsulat nito ay Mie Prefecture at Board of Education ng Mie Prefecture, sila ay nagbibigay ng makabagong na edukasyon na batay sa pamayanan na may mga pagkakataon para sa pananaliksik sa ang maayos na pamumuhay ng kalikasan at sangkatauhan na naka-ugat sa pamayanan. Sa larangan ng Edukasyon, pinagsisikapan ng organisasyon ang pag-unlad ng internasyonal at malikhaing mga magtutudlo sa hinaharap na may "Ang Kakayahang Makiramay," Ang Kakayahang Isipin, "at" Ang Kakayahang Makipag-usap, "na may isang komprehensibong kakayahang" Ang Kakayahang Mabuhay. "Sa suporta ng ang Higher Education Development Center, ang College of Liberal Arts and Science, at ang limang faculties at anim mga nagtapos na paaralan, nagpapalawak ng natatanging mga oportunidad sa edukasyon. Ito ay naisapubliko noong Marso 2020.
Sanggunian 2
Ang sangguniang ito ay isang e-book. Ito ay makakatulong upang mas mapalawak ang ating kaalaman patungkol sa mga batang nangangailangan ng espesyal na edukasyon. Sa tulong nito, ating mas maiintindihan ang mga pangangailangan ng mga batang mag-aaral lalo na ng mga may espesyal na pangangailangan. Ito ay ginawa din para sa mga magulang na may anak na espesyal. Magagamit ito ng mga estudyante na nagnanais magturo sa isang SPED na eskwelahan at para mapag handaan kung magkakaroon man ng mga ganitong klaseng estudyante. Dahil ito ay nagbibigay din ng mga estratehiya kung paano natin sila maihuhubog ng mabuti. Ang nagsulat nito ay Children's Home Society of California. Ang CHS ay naglilingkod ng mga bata at pamilya sa buong California, sila ay may pitong tanggapan ng CHS na nakatuon sa pagbibigay ng mga de-kalidad na programa sa mga nangangailangan. Matuto nang higit pa tungkol sa mga pamayanan na pinaghahatid namin at ang kanilang natatanging mga pangangailangan. Sila din ang nagsapubliko noong taong 2017.
Gawa ni Naomi Ricci Vendivel
3rd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pagtuturo ng wikang Filipino hindi lamang tungkol sa balarila at gramatika kundi kung paano mauunawaan ng mga mag aaral ang bawat akda o babasahin. Bilang isang guro, madalas ang katanungan sa sarili ay kung mahirap bang ituro ang wikang Filipino sa mga batang mag aaral.
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa paggamit ng laro bilang isang estratehiya sa pagtuturo ng numeracy sa mga bata. Pinakita sa pananaliksik ang pagiging epektibo ng laro bilang estratehiya sa pagtuturo ng numeracy. Ang Hand Game Addition at Hand Game Subtraction, Lift bowl Addition at Lift Bowl Subtraction ay ilan sa mga ginamit na laro sa pananaliksik na ito. Nagpakita ito ng pagkakaiba ng numeracy skills ng mga bata.
Ang atensyon ng mga bata ay napakadaling mawala kaya naman ang pagkakaroon ng laro sa klase ay importante upang makuha ang kanilang atensyon. Makatutulong ito upang maobserbahan nang maayos ang mga bata kasabay ng kanilang pagsasaya habang natututo. Ang iba’t ibang laro ay makatutulong sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga bata.
Gawa ni Fabrienn Xyrelle Viernes
2nd Year - Bachelor of Early Childhood Education
Link 1:
Ang sanaysay na ito ay pagbabahagi tungkol sa pagtuturo ng mga magandang asal maliban sa pagmamano. Bawat magulang sa mundo hangad na mapalaki ang kanilang mga anak na may magandang asal at malaman ang bawat tama at mali na kanilang ginagawa kahit hindi sila makikita o binabantayan. Kapag naturuan sila ng tamang asal sa salita man o sa gawa na kung paano makitungo sa ibang tao ay mas lamang na hindi siya gagawan ng ibang masama ng ibang tao.
Paano nga ba maituturo ang magandang asal sa mga bata? Narito ang mga ibang paraan paano ituro ang magandang asal sa kanilang murang edad.
Una, iwasan ang pananakot o scare tactic. Ang bata ay hindi matututo pahalagahan ang pagiging mapagbigay kapag sila ay laging tinatakot o pinagbabantaan na hindi paglalaruin kapag siya ay naging madamot sa kalaro. Lalo na hindi siya maging bukas o open sa kanyang magulang kung lagi itong natatakot dahil iniisip niya na magagalit lamang sila kapag nalaman. Pangalawang paraan naman ay habaan ang iyong pasensya. Ang mga bata ay laging nagtatanong o mapagtanong dahil sila ay curious sa lahat ng bagay. Ipaliwanag sa kanila lagi kung saan man sila curious o ano ang kanilang tinatanong. At ang panghuli ay maging mabuting ehemplo. Ang mga bata ay mapag-obserba sa kanilang paligid, mahilig silang gayahin ang bawat kilos na nakikita niya dahil sa tinggin nila ito ay tama sapagkat yun ang kanilang nakikita sainyo.
Mas mabuti nang maituro ang mga magagandang asal habang sila ay bata pa o nasa murang edad pa lamang dahil habang sila ay lumalaki madadala nila ito at tatatak ito sa kanilang isipan.
Ang sanaysay naman na ito ay tungkol sa paraan para sa pagdidisiplina sa bata. Ang mga bata talaga ay malikot at hindi mapakali sa isang tabi dahil ang kanilang attention span ay napaka ikli lamang, gusto nila na kada minuto ay iba iba ang kanilang ginagawa. Mahirap mag disiplina sa panahong ito dahil kapag mas pinipigilan sila ay mas lalo nila itong ginagawa dahil sa kanilang mausisang isip.
Narito ang ilang mga payo na maaring gawin sa pagdidisiplina.
Kilalanin at unawain ang nararamdaman at pag uugali ng iyong anak. Napakahalaga na makilala ang ugali at nararamdaman ng iyong anak dahil mas makikilala mo at malalaman kung paanong siya madidisiplina. Sa pamamagitan ng pagtatanong ng kanilang nararamdaman ay mas nagkakaroon ng tiwala sayo ang iyong anak. Maaaring ituro sa kanila ang hakbang sa pagpapakalma o huminto at huminga ng malalim, kailangan din ang masusing obserbasyon sa kanilang pag uugali para malaman ang iseset na panuntunan. Magkaroon ng panuntunan at huwag lalabagin o laging tuparin ito. Ipaalam sa kanila ang ginawang panuntunan at ipaliwanag din sa kanila kung anong mangyayari pag hindi nila nasunod ito. Laging ipaalala ito sa kanila at kung kailangan man ay maging paulit ulit upang tumatyak ito sa kanilang isipan. Bigyan ng reward o papuri sa kanilang ginagawa. Maganda rin na magkaroon sila ng papuri sapagkat mas ginaganahan silang gawin ito ngunit ipaliwanag din na hindi sa lahat ng bagay na kanilang gagawin ay mayroong kapalit. At ang panghuli ay maging kalmado sa pagdidisiplina, huwag masyadong punahin ang lahat ng mali nilang ginawa at mas lalong huwag ipapahiya o sisigawan sa harap ng maraming tao. Dahil ang mga bata ay minsan gusto lamang ng iyong atensyon.
Ang pagdidisiplina habang bata pa lamang ay nakakatulong sa kanyang paglaki na maging isang mabuting tao sa kapwa at marunong makisama o makisalamuha. Bilang magulang responsibilidad natin na gabayan sa kanyang paglaki at maituro o maipaunawa sa kanila kung ano ang tama at mali; kung ano ang dapat at hindi. Totoong hindi madali ang pagdidisiplina sa bata pero magagawa mo ito kung mauunawaan mo ng mabuti ang mga kilos na ginagawa o ipinakita ng isang bata.



Comments